SKL.

3 2 0
                                    

Ano bang meron sa lugar na diyan-diyan lang?
Bakit ganun nalang nila kadalas puntahan?
Ano bang meron sa restaurant na Kahit Saan?
At parang lagi itong binabalik-balikan?
Ano bang meron sa pagkaing basta masarap?
at best seller ito sa lahat ng restaurant?

Ano bang meron sayo?
Bakit nagpapakatanga ako?
Ano bang meron sa mga mata mo?
Tila ba ako'y binubulag ng mga ito,
Ano bang meron sa boses mo?
Bakit ba naniniwala ako?

Ano bang meron sa mga pangako mo?
Bakit parang kasing talim ito ng kutsilyo.

Ano nga ba talaga ang mga nakakubling misteryo sa likod ng mga salitang mahal kita,
Bakit ba humihiling, nag-aasam, nananalangin at ako'y patuloy na umaasa?

Mula sa KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon