Anesthesia

4 2 0
                                    

Pag ibig na ipinadama, naramdaman mo ba?
Wari ko'y hindi, kasi nga manhid ka.
Pagmamahal sayo'y hindi binigyang halaga,
Kaya ang tulad ko'y hindi matigil ang luha.

Itinuring ang sarili na sa pag-ibig ay tanga,
Naging malungkot ang dating masaya.
Ngiti sa mukha ay biglang nawala,
Dahil ako'y umasa na magiging akin ka.

Nakapikit na pero di tumigil ang pag-agos ng luha,
Hindi maka-usad sa mundong wala ka,
Tatanggapin nalang kahit nasasaksak pa,
Ang katotohanang walang namamagitan sa ating dalawa.

Pasensya na, ipinilit ko pa,
Akala ko kasi tayong dalawa ang nakatadhana,
Akala ko tayo'y para sa isa't-isa,
Pero ang lahat ng yun ay akala ko lang pala.

Mula sa KamayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon