Isa... dalawa... tatlo...
Magtatago nanaman ako,
tataguan ang mga nakaraan,
Nakaraan na nakalibing kasama ang aking puso,
Nakaraan ng ikaw... at ako.Apat... lima... anim...
Mga luha'y aanhin?
Ano pang point?
Magsasayang pa ng luha,
Hindi ka naman na babalik pa,Sinubukan ko naman ah?
Sinubukan at pinilit kong maging masaya,
Pero wala talaga eh,Masaya naman eh,
Pero iba parin talaga yung noon,
Iba parin talaga yung hagkan mo ako noon,Ibang-iba sa pakiramdam ko ngayon,
Ngayon na ang saya'y may halong sakit...
May halong poot...
May halong hapdi...Ngayon na ang mga ngiti sa aking labi,
Di na gaya noong dati,
Ngayon na ang mga ngiti ay pinaghalong tamis at pait.Isang taon...
Isang taon mula noon,
Gago! ISANG TAON MULA NOONG PINATAY MO AKO AT PUSO KO'Y AKING PILIT NA INILIBING AT IBINAON!
Sa limot, kasama ng kahapon, kasama ng mga pangako mong napako
Kasama ang mga matatamis mong salita, na siyang nagpahulog sakin sa iyong bitag, dahil putang ina...
Umasa ako at minahal kita...Kahit pa pilitin ang sarili na ako'y hindi isang tanga,
Hindi maipagkakaila,
Ang tanga ko nung nahulog ako sayo at lahat ibinigay ko,
Puso at isip ay aking isinuko,
Ang tanga-tanga ko...
Hindi dahil minahal kita kundi dahil...
Ginawa kitang mundo ko...Ang tanga ko sa mga oras na iyon at tanging pag-iyak na lamang ang nagawa ko,
Pag-iyak at pagdasal na sana hindi totoo,
Na sana bukas andyan ka parin sa tabi ko,
Na sana wala siya at ako parin ang mahal mo...Pero tama na, ayoko nang maulit pa,
Masyadong nakakatrauma,
mga pinagdaanan ko pagkatapos nung break up nating dalawa.
Ang sakit ay ayaw ko nang madanas pa.Ayoko nang maulit pa,
Ayoko na.
BINABASA MO ANG
Mula sa Kamay
PoetryTatanggapin ko, Kahit hindi galing sa puso, Kahit hindi galing sa isip mo mismo, Tatanggapin ko, Ang mga sampal na mula sa kamay mo.