Ep. 65- The day

464 12 5
                                    

Vhong's P.O.V:

----- Sa dami ng nangyari......... Sa dami ng sakit na naramdaman natin......... Mas nanaig ang mga masasayang alaala kasama ka........ At gusto ko pang madagdagan ang mga alaala na iyon. Gusto kong gumawa pa ng masayang alaala kasama ka.

Akala ko tuluyan mo na kaming iiwan noong araw na iyon, pero nagawa mong bumalik........ Ilang araw pa ang hinintay namin at tuluyan mo nang naidilat ang iyong mga mata........ Pero alam mo ba kung ano ang mas nakapagpasaya sa akin nung mga sandali na yun? Ay nung tawagin mo ang pangalan ko......... Sa wakas narinig ko na ulit ang boses mo.

Kahit na pansamantala nating pinapaliban ang kasal dahil sa kagustuhan mo na dapat makalakad ka muna ulit bago ituloy ang kasal, di ako nakaramdam ng pagkainip. Nakita ko kung gaano kabilis ang recovery mo. Nakita ko paano ka muli nakalakad hanggang sa isang araw ay sinupresa mo na lang ako na kaya mo na maglakad ng mag isa.

At ngayon...........

Ngayon ang sandaling pinakahihintay nating dalawa......... Na sa wakas maiiharap na kita sa dambana at makakasama na kita pang habang buhay....... Makakasama sa hirap at ginhawa........... Kasama kong tumanda......... At kahit ano pa ang pagdaanan natin alam ko kakayanin natin ng magkasama............

Nasunod ang lahat ng napag usapan. Di ko ineexpect na magiging ganito kaganda ang pagkakaayos ng simbahan. Puno ng mga paborito nyang bulaklak. Lahat excited at masaya , halata un sa kanilang mga mukha. Nakatayo sa likod ko sina Daddy, Joe at Cam at hinihintay namin ang pagpasok ng bride sa loob ng simbahan. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto ng simbahan at isa isang pumasok ang entourage. Pagkatapos nilang pumasok ay muling sinara ang pinto ng simbahan. Bakit kaya ang tagal nya pumasok ? Nakakainip naman....... Sunduin ko na kaya sya?

Chairman Gonzales: Oh saan ka pupunta?

Vhong: Tingnan ko lang po bakit ang tagal niyang pumasok.

Chairman Gonzales: Pambihira kang bata ka . Saan ka nakakakita na ang groom ay sinundo ang bride sa entrance . May lakad ka ba at nagmamadali ka? Pumirmi ka dyan.

---- Ang tagal kasi eh! Mayamaya pa ay sa wakas bumukas ulit ang pinto. Nag umpisa na ring kumanta ang wedding singer. Di pa rin ako makapaniwala ng makita ko syang nakatayo sa pinto ng simbahan kasama ng kanyang Mommy at Daddy. Napakaganda nya suot ang wedding dress nya na sya mismo ang nagdesign. Simple pero elegante ang white wedding dress nya. Nakangiti sya noong mga oras na iyon na nakatingin sa akin. Maya maya pa ay dahan dahan na syang naglakad papunta sa altar. Di ko namalayan na naluluha na pala ako noong mga oras na iyon. Siguro dahil sa naalala ko lahat . Kung paano kami nagkakilala at kung paano kami dumating sa oras na pinakahinihintay namin. Hanggang sa........ nasa harapan ko na sya ngayon. Niyakap ako ng Mommy at Daddy niya at ibinigay sa akin ang mga kamay ng kanilang prinsesa.

Anne: Umpisa pa lang umiiyak ka na ?

Vhong: Ang tagal mo kasi eh! Akala ko umatras ka na!

Anne: Naghihintay na si Father may balak ka pa ba dalhin ako sa altar.

Vhong: Syempre.........

----- Hinawakan ko ang kanyang kamay at sabay kami naglakad papuntang altar. Nag umpisa na nga ang seremonya ng kasal.

Sabi nila may mga taong pinagtagpo pero di tinadhana. Noong una un din ang akala ko ..... Nung nawala sya akala ko di na sya babalik pero nung bumalik sya at sinabi nya na mahal pa rin nya ako masasabi kong di lahat ng pinagtagpo ay hindi tinadhana. May mga taong pagtatagpuin ng tadhana at makakasama mo panghabang buhay........

Father: And now I pronounce you husband and wife . You may kiss your bride.

****Kiss****

Meet my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon