Ep. 61- Lost

313 6 5
                                    

Vince's P.O.V:
----- Kanina masaya ka ....... Mayamaya malungkot ka na tapos di mo namamalayan pagpatak ng luha mo na pala ang susunod....... Bakit ganun kung kailan kami nagkita ulit saka naman sya tuluyan na nawala sa akin...... Sana di ko na lang sya nakita para di na ako umasa na magkakasama kami ulit.

Anne: Vince....... Nakikiramay kami.....

Vince: Anne.......

Vhong: Vince ...... Nakikiramay ako..... Sya pala ang .....

Vince: Bakit ka andito? Siguro tuwang tuwa ka ngayon noh?

Anne: Vince hindi........ Sumama sa akin si Vhong ng kusa.....

Vince: Sinabi nya ba sayo na ung tatay ko ang pumatay sa nanay nya ? Sinabi nya ba sayo na gusto nya makita na patay ang tatay ko para maging ok na lahat? Akala mo Vhong magiging masaya ka ngayon wala na ang tatay ko pwes mali ka kasi sisiguraduhin ko na mananagot ka sa pagkawala ng tatay ko.

Vhong: Sinisisi mo ba ako? Vince alam ko kung paano mawalan ng mahal sa buhay.......

Vince: At alam ko din na gusto mong makaganti sa kanya....Pagbabayaran mo lahat ng ito...... Umalis na kayo......

Anne: Vince calm down.......

Vince: Just go......

----- Sinong niloko nya? Alam ko naman na gusto nyang makitang nasa kabaong na ang aking ama.......Alam ko din na sya ang may pakana sa pagkamatay nito.

Artyom: Vince......

Vince: Sir ........

Artyom: Wag ka na mag alala ako na bahala sa lahat. Bibigyan natin sya ng maayos na libing.

Vince: Bakit ganun ? Di pa sapat na kabayaran ung ilang taon na nagkawalay kami?

Artyom: Hindi hihinto ang buhay sa pagkawala ng isa.

----- Ang tanging gusto ko lang ay mabawi ang pinagkait sa aming mga oras pero tila di na ito mangyayari.

Vhong's P.O.V:

Anne: Vhong are you ok?

Vhong: Di naman sa ganitong paraan ko gusto matapos ang lahat.......

Anne: Vince was in emotional stage. Hayaan muna natin sya.

Vhong: Naawa ako kay Vince alam ko kung gaano kahirap ang pinagdadaanan nya. Di ko alam nya ama nya pala ang taong un. Oo galit na galit ako sa taong un pero di ko gustong mangyari sa kanya.

Anne: Huwag mo sisihin ang sarili mo. Wala ka naman kinalaman sa nangyari sa tatay nya. Vhong tapos na ...... At tanging pagpapatawad mo lang ang magpapatahimik sa lahat.

----- Tapos na nga ba talaga? Bakit parang kinakabahan ako? Bakit parang may mali? Bakit pakiramdam ko mag uumpisa pa lang lahat?

Vince's P.O.V:

---- Ilang araw simula noong hinatid namin sa huling hantungan ang tatay, parang panaginip pa rin ang lahat. Inayos ko ang gamit ng tatay, ang mga tanging bagay na pwede ko na lang mayakap. Sana mas sinulit ko ang pagkakataon na binigay sa akin kung alam ko na kukunin din sya sa akin. Nakita ko ang wallet ng aking ama pagbukas ko nito nakita ko ang larawan ng ko noong bata pa ako at ng aking ina. Nay sa wakas magkakasama na ulit kayo ng tatay. Habang tinitignan ko ang laman ng wallet ng tatay may isang papel na nalaglag mula sa kanyang pitaka. Sulat kamay ni tatay at nakaattention ito sa akin kaya naman agad ko itong binuksan at binasa. Habang binabasa ko ito , para akong binuhusan ng malamig na tubig. Di ako makapaniwala sa mga nabasa ko.

Sa aking nag iisang anak,

Di ko maipaliwanag ang aking kasiyahan ko ng makita kita muli. Akala ko mamatay akong di man lang kita nakikita. Sa lahat ng nangyari na mali sa aking buhay, kayo ng iyong ina ang nag iisang tama at kayamanan ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal ibibigay ang pagkakataon na makasama kita. Kung sakaling may mangyaring masama sa akin, gusto kong sabihin sayo ang isang bagay na matagal ko nang itinatago dahil sa takot . At kung sakaling kailangan ko na lumisan , sana ay ikaw ang magtama ng mga pagkakamali ko.

Noong mga panahong iyon wala ako magawa kung hindi sumunod sa utos dahil sa takot para sa buhay nyong mag ina at dahil sa matinding pangangailangan. Inako lahat ng kasalanan dahil sa banta sa buhay nyo at ayokong madamay kayo sa aking ginawang kasalanan. Hindi ko na pinaalam sa inyo ang nangyari sa akin dahil ayokong makita mo ako sa ganoong sitwasyon at ayokong maiba ang tingin mo sa akin.

Pinatay ko ang asawa ni Chairman Gonzales sa utos ng isang makapangyarihang tao kapalit ng kinabukasan nyong mag ina. Inako ko lahat ng kasalanan at pinagbayaran ito kapalit ng buhay nyo mag ina. Ngunit napagtanto na mali ang ginawa ko at pinagsisihan ko ito at sa huling pagkakataon gusto kong itama ito.

Ang taong nag utos sa akin ay walang iba kung di si Mr. Artyom. Hindi nya matanggap na napunta sa iba si Ms. Abigail. Hindi aksidente ang pagkikita nyo, hindi matatawag na pagtulong ang ginagawa nya para sa iyo kaya parang awa mo na at lumayo ka na ng tuluyan sa taong yan.

Kapag nabasa mo ang sulat kong ito, nawa ay tapusin mo na ang lahat sa pamamagitan ng pagsiwalat ng buong katotohanan at pagkatao ni Mr. Artyom. Alam kong mali na ikaw ang magtama ng aking pagkakamali . Ang huling hiling ko lang sana ay matapos na ito. Ang aking nilihim na katotohanan ang siya ring magiging dahilan ng aking kamatayan...

Lagi mo sanang tatandaan na Mahal na mahal kita.......

Ang iyong ama

Meet my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon