Ep. 58 - Hear the voices (part 2)

310 7 0
                                    

Toto: Sya ung tumulong sayo?

Vince: Opo.... sya din po bumili ng mga pagkain na dala ko sa inyo.

Mr. Artyom: Natutuwa ako na makita ka....... Vince.... Kailangan ko na umalis puntahan mo na lang ako mamaya.......Toto........ alam mo naman na kung ano ang nangyari sa nakaraan ay dapat nanatili na lang sa nakaraan di ba? Buti naman at nagkita tayo..... Napakabait ng anak mong si Vince, tinuring kong parang anak ko....... Vince..... aalis na ako.....

Vince: Sige po.......

----- Halata pa rin ang takot sa mga mata ni Toto.... Hindi sya makapaniwala sa nakita nya. Maraming tanong sa isip nya .

Toto: Bakit kasama mo ung taong un?

Vince: Tay di ba sinabi ko na po na......

Toto: Vince lumayo ka sa taong iyon..... Mangako ka na di ka na ulit lalapit sa taong iyon.

Vince: po?

Toto: Mangako ka.......

Vince: ok po pero ano po bang nangyayari?

Toto: Hindi mo na kailangan malaman...... Basta wag ka magpapalinlang sa kanya.....

---- Hindi maintindihan ni Vince kung ano ang nangyayari sa ama. Parang may kakaiba dito, at di nya masabi kung ano.....

Artyom: Kanina ka pa walang imik..... May problema ba?

Vince: Wala naman po..... Sya nga po pala , nagpropose na po si Vhong kay Anne......

Artyom: Good ! Mas mapapadali lahat.......

Vince: Ang akala ko po ba ayaw nyo kay Vhong?

Artyom: Well napag isip isip ko mapapadali lahat kapag natuloy na ang merging ng ZC at S&C sa oras na makasal na silang dalawa. It is like hitting two birds with one stone. Wag kang mag alala ....... Hayaan lang natin sila maging masaya at kapag kampante na sila saka naman tayo magpaparamdam ulit.

---- Parang di nagugustuhan ni Vince ang naririnig........ Nag aalala sya sa posibleng mangyari........Hindi pa rin maalis sa isipan ni Vince ang bilin ng ama. Lumayo sa taong kaharap nya ngayon. Parang hindi na nya kakilala ang kaharap nya........

Minsan iba ibang boses ang naririnig natin. May boses na tila inuusig tayo. Boses na pilit nakikipagtalo sa ating konsensya.

Jail Guard: Manahimik ka na lang.... Tutal naman malapit ka na lumaya wag mo na ipahamak pa ang sarili mo isipin mo na lang ung anak mo....

Toto: Anong alam mo?

Jail Guard: Wag mo nang subukan dahil sa oras na sabihin mo nalalaman mo....... dalawa lang pwede mong pagpillian buhay mo o buhay ng anak mo.

---May boses na nakikipagtalo sa ating nararamdaman. Na minsan nakakasawa na lalo na kung pakiramdam mo ay parang ikaw lang lahat.

Ms. Marilla: Ahmmmmm....... Baby girl smile ka na dyan baka parating na un ..... For the meantime please review this para pagdating nya ......

Anne: Alis na ako......

Ms. Marilla: Wait ..... Baby Anne...... Look may ibang tao dito...... Andito ung kinuha nyo na tutulong para sa pagplaplano ng kasal nyo.....

Anne: Ipacancel ko na lang tutal naman di naman ata sya intiresado......

Vhong: Honey ...... Honey sorry late ako kasi......

Anne: Dumating ka pa.......

Ms. Marilla: Pwede ba mag usap muna kayo dalawa. Sa ngayon ay icancel muna natin itong meeting na ito mainit ulo ng bride kanina pa di ngumingiti kaya Youngmaster ayusin mo yan......

Vhong: Honey......

Anne: Umalis ka na......

Vhong: Honey naman ......sorry na .....

Anne: Sa susunod kasi wag kang magseset ng appointment kapag may iba kang appointment panira ka ng mood eh.....

Vhong: Sorry na babawi ako sayo..... Promise..... Sige tuloy na natin itong wedding plan. Ms. Marilla...... Wait lang ituloy na natin ito.....

Anne: Resched na lang natin ito...... Wala na ako sa mood......

Vhong: Honey naman.......

---- At may boses na pilit inaalam kung ano ang katotohanan.......Katotohanan na pilit itinago ng matagal. Katotohanan na magpapalaya sa lahat.

Meet my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon