Ep. 57- Hear the voices within ( Part 1)

330 6 8
                                    

Ms. Marilla's P.O.V:

----- Di pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ang baby girl at ang youngmaster....... Well...... proud ako na nasubaybayan ko ang love hate relationship nila. My gosh....... naiiyak tuloy ako......

Mr. Ark: Hi lunch break na ahmmmm gusto mo sabay tayo maglunch?

Ms. Marilla: Ark...... I'm sorry ha kasi ininvite din ako nina......

Anne: Hi ate ......let's go na......

Mr. Ark: Younglady Anne, Youngmaster Vhong...... Congrats sa engagement.......

Vhong: Salamat.... . Tara na Ms. Marilla ........ o baka hindi ka na sasabay kasi may iba na nagyaya sayo......

Ms. Marilla: Minsan talaga yang bibig mo walang preno eh noh.......

Anne: Mr. Ark sabay ka na rin sa amin.......

Vhong: Tama parang ........couple lunch......

Ms. Marilla: Parang ang sarap manapak ngayon.......

Mr. Ark: I like that idea...... shall we? Don't worry ako na ang taya .......

----- Pambihira naman!!! May nalalaman pang couple lunch! Tapos talagang ang suot pa nitong dalawa ay couple shirt! So anong peg? Nang iingit ganun?

Vhong: Ms. Marilla ayaw mo ba ng food? Bakit ayaw mo kumain kanina pa?

Ms. Marilla: Wala ....... ang cute ng shirt nyo ......

Anne: Ang cute ate noh? He's mine ..... She's mine.....

Ms. Marilla: Oo di naman halata na kayo na..... Nasa news na nga sa tv , newspaper, tapos icocover pa sa Express Magazine for September issue....... Haist juice colored......

Vhong: Bakit ba nagiging bitter ka? Ikaw ha! Inggit ka noh?

Ms. Marilla: Isa pa talaga masasapok na kita eh.......

Mr. Ark: Talagang close kayo sa isa't isa noh?

Vhong: Para kasing nanay na ang turing ko po sa kanya. ... .

Ms. Marilla: Minsan talagang bastos ka magsalita eh...... Si Baby Anne ..... ate tawag sa akin eh ........

Anne: Honey ...... kanina mo pa inaasar si Ate ......

Ms. Marilla: Pasalamat ka andyan si Baby Anne kung hindi kanina ko pa pinadugo bibig mo.......

Vhong: Sorry na! Pero malaki talaga ang naitulong sa amin ni Ms. Marilla...... Her love advices are the best.....

Anne: Is that Mr. Bolton?

Vhong: Mr. Bolton.......

Mr. Bolton: Youngmaster........

Anne: Perfect...... sabay ka na po sa aming kumain...... Kakasimula lang po namin......

Mr. Bolton: Naku wag na po nakakahiya......

Ms. Marilla: Sige na sabay ka na malungkot kumain mag isa.....

Mr. Bolton : O sige usod ka .......

Ms. Marilla: Ha?

Mr. Bolton: Bakit ayaw mo ako katabi? Alanganin kay Younglady Anne ako tumabi.....

Vhong: Sorry .....Off limits.......

Mr. Ark: It's ok uusod na lang ako.....

Ms. Marilla: Ark try mo itong soup nila..... Favorite ko ito......

Mr. Ark: Masarap nga......

Mr. Bolton: Pahingi din ako.......

Ms. Marilla: Wala kang kamay? Kumuha ka......

Mr. Bolton: Bakit sya binigyan mo?

Anne: Honey....... ang cute nila tignan parang tayo lang.......

Vhong: Di ako ganyan noh!

Anne: Basta cute nila tignan......

Vhong: Sya nga pala this weekend na tayo makikipagmeeting for our wedding plan...... Sure ka ba na ikaw ang magdedesign ng gown mo?

Anne: Yup...... Matagal ko na itong hinihintay at pinaghandaan . Nakausap ko na rin ang gagawa ng gown.....

Vhong: Ng wala ako? Honey naman di ba sabi ko lahat ng details dapat alam ko......

Anne: Alam ko naman na busy ka rin ..... Lalo na malapit na grand opening ng Dreamland Theme Park ...... And suprise ko sayo ang wedding gown ko.Gusto ko ako ang pinakamaganda sa paningin ng lahat sa araw na iyon.

Vhong: Ikaw naman talaga ang pinakamaganda sa paningin ko noon pa lang.......

Ms. Marilla: Naku po ........ juice colored parang may kumagat sa aking langgam.......

Vhong: Ms. Marilla....... di ka ba nasasaktan?

Ms.Marilla: Bakit?

Vhong: Parang natapakan ko ata ung buhok mo eh.... Ang haba kasi......

Third Person's P.O.V:

----- Ang tao ang pumipili ang kanyang landas na tatahakin sa buhay....... Nasa kanya kung pipiliin nyang maging masaya o pipiliin nya ang magtanim ng sama ng loob .......

Vince: Tay...... tignan mo oh...... ang dami kong dalang pagkain..... At saka damit .... Binilihan kita....tapos paglabas mo dito doon ka na uuwi sa bahay ko......bahay natin......

Toto: Natutuwa ako at dinalaw mo ulit ako..... Ang dami naman nito ...... Sana di ka na nag abala...... Di naman ako magtatayo ng tindahan sa loob.... Sa susunod na buwan malalaman kung maaprubahan ang parol sa akin.

Vince: Sigurado approve na un ......

Toto: Mukhang mamahalin itong mga pagkain ha...... At saka may bahay ka na ? Aba nakakatuwa at maganda ang naging buhay mo...... Sigurado tuwang tuwa ang nanay mo kung nasaan man sya ........ Pwede na rin pala ako sumunod sa kanya...... Maayos pala naman ang buhay mo.

Vince: Tay naman .... Ano ba yan? Di ba sabi ko sayo paglaya mo dito marami pa tayo gagawin ng magkasama......

Toto: Baka kasi mapahamak ka lang dahil sa akin...... Ano magiging tingin sayo ng iba pag nalamang nakakulong ang tatay mo?

Vince: Tay........ ano ka ba naman? Tama na yan......Ito oh tikman mo masarap ito......

----- Habang nag uusap ang mag ama at sinusulit ang bawat minuto na magkasama, may isang matandang lalaki na pumasok sa silid kung saan andun ang mag ama..... Natigilan si Toto sa pagkain...... Bahagyang nanlaki ang mata sa gulat...... Ng mapansin ito ng anak , lumingon ito at ng makilala ko sino ang dumating na bisita ay agad niya itong nilapitan.

Vince: Tay....... Sya po ung sinasabi ko na tumulong sa akin...... Si Mr. Artyom...

Mr. Artyom: Kumusta ka na Toto?

---- Di makapagsalita si Toto ...... mababakas ang takot sa kanyang mukha...... Tila ba may nakita syang ni sa panaginip ay ayaw nyang makita.........

Meet my girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon