...................
HOSPITAL
"AHHHHHHHHH!!!!"sigaw ko napakasakit
"Sige pa iire mo lang nakikita ko na yung ulo ng bata"sabi ng doktora na nagpapaanak sakin
"Ahhhh ang sakit ahhhhh"maya maya pa ay parang gumaan na ang pakiramdam ko at nakarinig na ko ng iyak ng sanggol
Kahit gustong pumikit ng mata ko ay pinilit kong dumilat iniabot nila ang baby ko at kinuha din dahil dadalhin na nila ko sa recovery room
..................
RECOVERY ROOM
Hindi na ko makatulog at hinihintay ko nalang ang aking anak
Maya maya pa ay pumasok na ang Nurse na may dala sa anak ko
"Misis Arcanghel eto na po ang baby girl nyo"inabot na nya sakin
Di na ko nakapagsalita at nginitian nalang sya...ang sakit pa ng lalamunan ko kakasigaw ko kanina hay
Napatingin ako sa anak ko at napakacute nya...kamukhang kamukha nya ang kanyang Ama..Amang tinalikuran kami...hayy
Nagsimula na ding magdatingan ang iba kong kamag anak para tignan ang baby girl ko...lahat sila tuwang tuwa dahil parang di anak ng pilipino...mukha syang may lahi...napakangos ng ilong,red lips na parang di na kailangan ng lipstick paglaki at ang kutis nyang pinkish ang dating
Ako man ay aminado na talo ko sa ganda ng aking anak haha ikumpara talaga
"Kahit wala kang Ama hindi ko ipararamdam sayo na may kulang sa buhay mo baby ko"bulong ko sa natutulog na sanggol
Nagkakasiyahan silang lahat lalo ang mga tita ko na lola na ng baby ko may apo na daw sila hehe
Hanggang makatulog na ko

BINABASA MO ANG
ANGELICA
SpiritualSi Angelica ay isang bata na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng magulang ngunit pano gayong patay na sya...