Coma

78 2 0
                                    

....................

HOSPITAL

Nang magising ako ay nasa loob ako ng puting silid...naisip ko na ang mga pwedeng nangyari ng pumayag akong sumama kay Angelica...malamang patay na ko

Pero parang may mali sa pakiramdam ko...tumingin ako sa kaliwa ko at nakakita ako ng upuan at lamesa

"Ganito ba talaga ang itsura dito?"bulong ko...tumingin naman ako sa kanan at nakita ko ang isang higaan kung san may nakahigang bata

Bata??Dred??

Mabilis akong bumangon upang tiyakin kung ang anak ko talaga ang nasa kabila...nanlumo ako dahil nakita ko ang aking anak na nakadextrose at halatang nanghihina

Naramdaman ko din ang pananakit ng katawan at ng kamay...natanggal pala yung dextrose na nakakabit sakin

Bumukas ang pinto at nakita kong si Brent ang iniluwa nito

"Brent?"tanong ko

"Cielle"nang marinig ko na tinawag nya ko ay bigla akong natauhan

"Anong ginagawa mo dito!!bakit ka nandito!!bakit kami nandito!!?"sunod sunod kong tanong

"Magpapaliwanang ako pero please magpahinga ka muna...mahiga ka tatawagin ko lang ang doctor"gusto ko syang sundan dahil marami akong tanong na gustong masagot pero umalis na sya

Maya maya pa ay nariyan na ang doctor at ininjectionan ako ng pampakalma

"Doc anong nangyari samin?si-si Angelica?umalis na ba sya??si Mildred anong lagay ng anak ko?"tanong ko sa doctor ng mahinahon

"Misis nacoma ang anak mo at ngayon ay di pa namin alam kung ano ang talagang nangyari at sa kasama nyo sa bahay sorry dahil patay na sya ng itakbo dito sa ospital"tumulo ang luha ko...comatose ang anak ko at si Manang Sabel ay wala na

Iyak ako ng iyak ng yakapin ako ni Brent...hinayaan ko nalang sya dahil kailangan ko talaga ng masasandalan sa ganitong sitwasyon

Nalaman ko din na ilang araw na kong tulog at ang mga magulang ko ay umuwi lang para kumuha ng gamit naming magina

"Brent salamat"naalala ko kasi na sya ang huli kong nakita ng mga sandaling nawalan na ko ng malay...naisip kong si Brent ang nagligtas saming magina para di makuha ni Angelica

Maya maya ay nilapitan namin ang aming anak at nagdasal na sana gumising na sya miss na namin sya

"Anak gising ka na para makilala mo na ang Daddy mo"nakangiti ako pero lumuluha gusto ko na syang magising

I love you sweetie

ANGELICATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon