....................
BIRTHDAY
Its Sept.9 kaya ngayon ang first birthday ng baby ko
Ang bilis ng panahon parang kanina lang nasa tyan ko sya at iniluwal tapos ngayon may 2 teeth na sya hihi
Binihisan sya ng maganda ng mga lola nya at pinaghanda na din
Sa magulang ako nakatira ngayon pero pag naging regular na ko sa trabahong pinapasukan ko ay magsasarili na din kami para makabawas sa alalahanin nila mama
Abala ang lahat sa pagaayos ng mga ihahanda para mamaya at kami naman ni baby ay nagaayos na din
....................
PARTY
Handa na ang lahat at kami din naman,ngayon ay naglalaro ang mga bata at ang mga matatanda ay nagkakainan
Masaya ang lahat...si Mildred man ay tuwang tuwa sa mga nakikita nya...bihira kasi na may mga bata dito sa bahay kaya natutuwa sya sa nakikia nya
Sinusubuan ko sya ng ice cream nakakatuwang tignan ang baby ko ang dungis hihi
Maggagabi na kaya natapos na ang kasayahan umuwi na ang mga bisita at kami namang magina ay nagpahinga na at ang mama at mga lola na ang nagayos ng mga naiwang kalat at hugasin
Nga pala magpapakilala muna ko ako nga pala si Ericielle Arcanghel taga Cabanatuan City at ngayon ay nagtatrabaho sa isang fast food
May anak ako sa pagkadalaga at yan nga si Mildred cute na baby...hindi ako pinanagutan ng nobyo ko ng malaman nyang buntis ako ay bigla nalang syang nawala
Kaya ang tumulong sakin na magpalaki ng baby ay ang Mama ko si Gracielle at ang Papa ko si Eric kaya nung pinagsama Ericielle ...inunawa nila ko ng malaman nilang buntis ako ng walang Ama
Blessings din naman dahil simula ng dumating sakin si Mildred ay naging swerte na ko
Kaya tutukan nyo lang ang storya naming magina dito sa ANGELICA
PLEASE SUPPORT
SHAMMYNINE
➡SECRET LOVE [COMPLETE]
➡PAG-IBIG NGA KAYA??
➡ANGELICA
AT YUNG SA ISA KONG ACC. SHAMMYNINEXX
➡SHAMMY'S SERIES: JANUARY
COMMENT AND VOTES NA DIN SA LAHAT
THX GUYS LAV YAH
BINABASA MO ANG
ANGELICA
SpiritualSi Angelica ay isang bata na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng magulang ngunit pano gayong patay na sya...