.....................
CLOSETItinuloy ko ma ang leave ko ng isang linggo tutal cut off na din naman pero sa Monday ay papasok na ko
Saturday ngayon at naisipan naming lumabas magina kasama ang yaya nya
"Sweetie tara na aalis na tayo?"sigaw ko sa kanya...nasa kwarto kasi sya...pero hindi sya sumagot kaya pinuntahan ko nalang sya
Pagbukas ko ng pinto nakita ko nanamang nasa tabi sya ng closet at may kinakausap
"But we need to go now?"sabi nya habang ako ay nakatingin lang sa kanya...tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakita na kausap nya
"No!no!Promise I'll be back"pagkasabi nun ay tumalikod na sya at ng makita ako ay nginitian lang ako at lumabas na sya
Nasa kotse na kami ng tinanong ko sya kung sino yung kausap nya sa kwarto
"Thats Angelica Mommy isn't she cute?"
"Anong itsura nya?"tanong ko ulit
"Why Mommy didn't you see her again?she's cute and nice...long hair,brown eyes like me"pagkatapos non ay hindi na ko nagtanong
Pagkatapos namin mamasyal ay dumaan kami sa simbahan malapit samin at nagdasal...kinausap ko na din ang pastor namin para magpabasbas ng bahay
At sabi ay bukas pagkatapos ng misa sila pupunta sa bahay
Nagtanong tanong din ako sa mga kapitbahay namin kung may history ba ng may namatay na sa bahay at tama nga ang hinala ko dahil ang sabi nila ay nagkaroon daw ng insidenteng namatay ang bunsong anak na babae ng dating nakatira don
Nakulong sa aparador at di nakita ng ilang araw maliban nung nangamoy na ang bangkay ng bata
Nangilabot ako sa nalaman ko at nagpasyang umalis na sa bahay at lumipat nalang ngunit pagpasok namin sa bahay ng hapong iyon ay biglang nagpatay sindi na ang mga ilaw na parang tutol sa mga balak ko...at ng tumigil na ang paglalaro ng mga ilaw ay nagayos na si Manang
Hawak ko lang si Dred na tulog na tulog sa mga bisig ko habang si Manang naman ay pumunta sa kwarto upang ayusin ang mga gamit namin ng bigla kong marinig si Manang
"Dred bitawan mo yan...hindi yan laruan ng bata...ano ba Dred!!"nagtaka ko dahil binabanggit nya si Dred samantalang hawak ko naman ang anak ko
"WAGGGGG!!!"nagulat ako ng sumigaw si Manang ibinaba ko sa sofa si Dred at agad akong tumakbo papunta kay Manang ngunit huli na ko nakita ko nalang sya na nakahiga sa sahig at may saksak sa dibdib nanghina ako ng makita ko sya...agad akong bumalik sa kinaroroonan ni Dred pero wala sya
Hindi ko na alam ang gagawin kung saan ko sya makikita ng maalala ko ang kwarto...si Angelica
Patakbo akong pumunta sa kwarto at pagbukas ko ng pinto ay sabay na pagsara ng pinto ng aparador..mabilis kong tinakbo ang closet at pinilit buksan
"Baby nandyan ka ba??anak"mangiyak ngiyak ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko pag pati ang anak ko ay nawala sakin
"Mommy?"narinig ko mula sa loob ng closet kaya di ko na napigilan ang luha ko na tumulo...pinipilit ko pa din na buksan ang pinto ng closet pero ayaw pa din
"Sweetie pumunta ka sa left side ng closet ok sisirain ni Mommy ang pinto"
"Yes Mommy...I'm scared"narinig kong umiyak sya pero kailangan kong magpakatatag...kumuha ako ng pwede kong ipansira sa pinto at nang masira na nakita ko si Dred na umiiyak lang
"Mommy"akmang kukunin ko sya ng mapansin ko ang isang bata sa likod ng anak ko
"Please tigilan mo na kami!!"sigaw ko
"Mommy*cry* Angelica is bad"pagkasabi non ay hinimatay na sya
"Bakit kayo ganyan!!gusto ko lang naman makipaglaro eh!!!"
"Tigilan mo na kami maawa ka please maawa ka sa anak ko"natatakot ako lalo ng makita kong niyakap nya ang anak ko
"Kung titigilan ko sya papayag ka bang sumama sa akin Mama"hindi ko makita ang mukha nya dahil madilim at halos magkasing laki lang sila ni Mildred
Takot na takot akong nakikiusap sa kanya para lubayan na kami...wag ang anak ko...wag sya
Hindi ko alam kung papayag akong sumama sa kanya pero pano na si Mildred...paano na?
"Kung papayag ba ko ay hindi mo na guguluhin ang anak ko?"umiiyak akong sinabi yan
"Opo Mama"pagkatapos non ay nilapitan ko ang anak ko...inilabas ko sya sa closet at niyakap
"Sweetie be a good girl ha"iyak ako ng iyak habang nagpapaalam sa anak ko
Maya maya pa ay may humawak sa balikat ko...laking gulat ko ng makita kung sino yon...si Brent
At nawalan ako ng malay

BINABASA MO ANG
ANGELICA
SpiritualSi Angelica ay isang bata na naghahanap ng kalinga at pagmamahal ng magulang ngunit pano gayong patay na sya...