12 | Hospitalized

367 3 0
                                    

AFTER 3 MONTHS

MAICA

Nagcecelebrate kami ng 4th monthsary ng kambal at andito kami ni Sky sa simbahan. Plano naming magsimba bago kami gumala sa park. Maglalakad lakad lang kami sa park tapos kakain sa restaurant. Every monthsary, lalabas kami o kaya maghahanda ng kaunti.

Kalagitnaan na ng misa ng biglang sumpungin ako ng pangingilo. Ano ba yan! Ano ba nangyayari sakin?

Sky- Are you ok?

Bulong sa akin ni Sky. Halatang concerned siya sa akin.

Maica- Yeah. Ok lang ako.

Sky- Are you sure? Do you want to go home?

Maica- Ayoko. Let's continue to celebrate.

Sky- Ok, then.

-

Pagkatapos ng misa ay nagdiretso kami sa park. 5pm lang at di mashadong marami ang tao, karamihan sa mga tao ay may dala ring anak. Tulak ni Lana at Kamille ang stroller ng kambal. Ang sakit parin ng ulo ko hanggang ngayon pero hindi ako nagpahalata. Kung tutuusin lang ay pagod na ako pero ayoko namang umuwi agad. Nakakaboring kaya pag nasa bahay lang.

Kamille- Ma'am si Skyler po gising na.

Nilapitan ko ang stroller ni Skyler at kitang aktib na si Skyler. Binuhat ko siya pero nanghina ako. Nakaramdam ako ng antok at pagod na pagod ako kahit wala naman akong ginawang nakakapagod. Binaba ko uli si Skyler dahil baka mapahamak pa.

Kamille- Ma'am!

Sky- Are you ok?!

Maica- Ahhh. Oo. Nanghina lang ako ng onti pero ok lang ako.

Sky- Let's go home. You need to rest.

Maica- No. Ayoko. Ok nga lang ako. Let's get this day done.

Sky- Stop being hard-headed. It's obvious you're tired.

Maica- No, please? Ok lang naman ako. Gusto kong magsaya tayo ngayon. Come on. Doon tayo oh.

Nauna akong maglakad sakanila at pumunta doon sa may fountain. Wishing fountain ata to eh. Mukha naman eh. May mga coins eh. Dumukot ako ng 10 pesos sa wallet ko at binigyan rin ng tag-5 pesos sina, Sky, Lana at Kamille.

Maica- Make a wish.

Pinikit ko ang mata ko at nag-wish.

I wish... For a happy and healthy family. Sana di kami mapahamak at sana palagi kaming protektado. I wish a better future for my twins and for me and Sky too.

Atsaka ko binato ang 10 pesos sa fountain. Nakahinga ako ng maluwag. Nanghina ang tuhod ko kaya umupo ako sa may fountain kahit basa ito. Hindi ko ipinahalata na nanghina ako.

Sky- Are you really fine?

Maica- Oo. Sumakit lang paa ko. Hmm. Punta na kaya tayo sa restaurant?

Sky- But, it's too early.

Maica- Reserve lang ng seat. Baka maubusan tayo ng table doon.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon