1 | Happy family?

2.4K 26 0
                                    

#YMHappyFamily?

•••

MAICA

Isang buwan pagkatapos ko manganak ay naging mas komplikado na ang buhay ko. Di na ako makatulog ng maayos, halos tatlong oras nalang ako nakakatulog. Nangangayayat na rin ako dahil wala na akong gana kumain at konti na lang rin nakakain ko. Nakakapagod mag-alaga ng bata pero alam ko simula pa lang to. Ganito naman ang dapat pagdaanan ng isang ina. May dalawang inarkila si Sky na caretaker para sa kambal para naman daw hindi ako ma-stress lalo. Ngayon nga lang ay nasa bakasyon ang dalawang caretaker.

Hay nako.

Maica- Kamille, nasan si Sky?

Si Kamille ay isa sa kasambahay namin. Kasama na din doon si Lana na isa pa sa kasambahay dito.

Kamille- Umalis na po siya kanina para pumasok sa trabaho, ma'am. Di po ba nagpaalam sainyo?

Maica- Ahhh hindi eh. Lana, tulog na ba yung kambal?

Lana- Opo.

Maica- Sige, salamat. Magpapahinga muna ako ah. Kung may kailangan kayo o yung kambal, gisingin niyo nalang ako.

Kamille & Lana- Sige po ma'am.

Umakyat ako papunta sa ikalawang palapag ng bahay para at dumiretso sa kwarto namin ni Sky. Lumipat kami sa mas malaking bahay kung saan daw makakatakbo at makakapaglaro ng maluwag ang mga bata.

Hindi ba apaka-spoil na kaagad ng dalawang to? Halatang maiispoil ito ng tatay nila.

May tatlong palapag ang bahay na ito tapos may pool sa labas. Malaki din ang backyard kung saan tumutubo ang mga malulusog na damo at mga bulaklak. Malaki din ang front yard ng bahay na ito.

Lumipat din kami kasi sa tingin ni Sky ay eh napaka-liit na nung bahay niya at nakakasawa na daw ang itsura. Nag-sawa pa siya sa bahay na yun? Jusko, pwedeng-pwede na kami doon habang buhay eh!

Napromote na din siya bilang CEO ng FDE. Sobrang proud talaga ako sa lalaking to.
Yung kasal namin? Hmm ayun, labing isang buwan pa bago iyon ganapin. Excited na nga siya eh. Hinahanda niya na yung igagastos at yung venue, yung magiging stylist, at iba pa. Sabi pa nga niya na gusto niya na professionals ang mag-ayos sa kasal namin. Ang arte! Gusto ko lang kahit simple at maganda lang. Memorable naman kahit ganoon lang.

Sumiksik ako sa kumot at pinikit ang mga mata para magpahinga na.

Nagising ako ng biglang may yumugyog sakin. Agad akong napaupo at napansing si Kamille ang gumising sa akin.

Kamille- Ma'am, nagising po yung kambal.

Maica- Sige. Paunumin niyo muna ng gatas. Meron pa naman diba?

Mabuti at nakapag-pump ako kanina. Hays.

Kamille- Yes ma'am.

Maica- Sige. Saglit lang ah.

Lumabas si Kamille habang ako naman nag-unat ng konti. Tumayo ako galing sa kama at lumabas ng kwarto. Dumeretso ako sa kwarto ng kambal at tumambad sakin ang iyak nila na sobrang lakas.

Maica- Awtsuuu tsuu. Andito na si Mommy. Awww tama na. Andito na po si Mommy, opo, baby.

Kinarga ko ang anak kong si Skyler at hinele ito ng mahina.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon