28 | Shower

424 5 0
                                    

🔞

MAICA

6am ako nagising para magluto ng mga ihahanda ko. Kasama ko Gia, Kamille at Lana at sila ang tutulong sakin magluto. Tinawagan ko si Kyla at Julia para tumulong pero ayaw naman nila. Maghahanda daw sila ng mga susuotin nila tapos magpapasalon pa. Mga bruha talaga! Si Sky, ayon. Tulog pa. Ayokong gisingin dahil alam kong pagod yon. May inayos pa kasi siya kagabi na tungkol kay Craige. Pinabantay niya sa mga ilang gang mates niya para malaman kung nasaan si Craige at kung may plano ba siya. Sa totoo lang, natatakot na ako. Kasi naman! Ilang beses na rin tumatawag si Craige sakin pero bilin sakin ni Sky na wag sasagutin.

Gia- Ano-ano ba yung lulutuin natin?

Maghahanda na kami para mamaya. Gusto ko maayos at malinis lahat dahil dadating daw ang nanay ni Sky. Sinabi ni Sky na may ipapakilala daw siya sa Mom niya. At ayon ang twins. Pumayag naman. Sa una, ayaw pero noong ako ang kumausap, pupunta daw siya. Hindi dahil gusto na ako ng Mom niya, kundi dahil gusto niya lang makita si Sky at makausap. Ok na yon kesa sa ayaw niyang pumunta.

Maica- Maghahanda tayo ng maraming pagkain tulad ng Adobo, Sinigang, Garlic Butter Mushroom Pasta, Garlic Parmesan Baked Steak Fries, Chocolate Chip Cookie Skillet Brownies, Baked Zucchini with Mozzarella at yung favorite dish ng Mom ni Sky, Pernil-style Roast Pork. Ang rami noh? Nagpabili rin ako ng Mango Cake atsaka dalawang gallon ng Ice Cream. Kaya naman natin yon diba? Inutusan ko namang mamalengke si Kamille at Lana kahapon para bilin ang mga kailangan na ingredients at ang mga meat at iba pa.

Gia- Woah. Ang rami po pala.

Maica- Marami rin kasing bisita.

Gia- Kung sa ganon, magsimula na tayo. Baka matagalan tayo sa iba.

Maica- Let's do this!

Sa totoo lang, di ako magaling magluto pero nanood ako sa youtube kung paano lutuin yung mga pagkain na gagawin namin. Medyo madali lang. PAG TITIGNAN LANG!

Maica- Andon yung listahan nga bawat gagawin at kung anong ingredients ang gagamitin. Yung mga gulay na kailangan, hinati ko na kahapon para madali.

Nag-pagod rin ako kagabi sa kaka-hiwa ng mga gulay at sa kakaayos ng mga kailangan. Inayos ko rin yung table at upuan pati mga utensils.

-

Shet. Nakakapagod pala ampota. Adobo at Sinigang palang nagagawa namin at dalawang oras na ang nakalipas! 8:40am na!

Kamille- Maica! Andito na yung cake!

Sigaw ni Kamille nakakarating lang. Siya kasi ang bumili ng cake. Isang malaking Mango Cake dahil favorite yon ni Sky.

Maica- Sige! Thank you! Palagay nalang sa ref!

Nagpunta si Kamille sa kusina at nilagay ang cake sa ref. Pagkatapos, tinignan niya ang mga pagkain na lulutuin.

Kamille- Baked Zucchini with Mozzarella!? Alam ko tong gawin!

Maica- Yon! Gawin mo na. Di pa kami tapos sa pasta eh.

Kamille- Sure sure.

Lana- Maica, ilang minutes itong Brownies? 30-35 minutes diba?

Maica- Yes!

Lana- Okieee. Gia, tikman mo nga kung tama na yung lasa nung Adobo at Sinigang! Baka pangit lasa eh.

Gia- Okay~!

Ako ang nagluto ng Adobo pero para sakin, ok na. Eh sa iba, baka di masarap. Di naman kasi ako perfectionist! Simple lang naman panglasa ko! Hehehe.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon