13 | Missing

367 2 2
                                    

MAICA

Nagising ako dahil sa ingay ng plastic na naririnig ko. Pagkabukas ko ng mga mata ko ay bumungad sakin ang... dextrose sa taas at ilaw? Nasa ospital ako?!

Lumingon ako at nakita si Drake sa may table na may tinatanggal sa plastic at di man lang namalayang nagising na ako. Lumingon-lingon uli ako para hanapin si Sky pero wala siya.

Maica- Nasan si Sky, Drake?

Halatang nagulat pa si Drake at agad na lumapit sakin.

Drake- Ba't ka ba nanggugulat?

Maica- Hindi ako nanggugulat. Nagulat ka lang talaga. Sagutin mo na tanong ko.

Drake- Hinatid yung kambal pati yung caretaker niyo sa bahay. Baka daw madisgrasya kapag ako daw ang maghatid kaya ako nalang ang nagbantay sayo.

Maica- Ok... Kanina pa ba siya umalis?

Drake- About 30 minutes ago. Baka traffic.

Maica- Hmm... Ano naman nangyari sakin? Bakit ako andito sa ospital?

Drake- Nahimatay ka nalang daw bigla kanina kasi kulang ka daw sa tulog at palagi kang stressed.

Maica- Ahhhh.

Hinaplos ko ang ulo ko at parang feeling ko ambigat ng pakiramdam ko. Haaayyyy.

Bigla ko namang natandaan si Clark. Ganun parin. Hawak hawak parin siya ng Gang ni Sky. Ayaw pa kasing umamin ni Clark, kaya hanggang ngayon nakakulong siya doon at bantay sarado pa ang gangmates ni Sky. Di ko pa siya nadadalaw at ang huling dalaw ko sakanya ay noong pagkatapos ng mahuli namin siya. Nakakarinig lang ako ng news tungkol kay Sky at wala ng iba pa.

Maica- Si Clark? How is he? Di ko na siya nadalaw...

Drake- Ang tigas parin ng ulo. Ayaw niyang magsalita.

Maica- May posibilidad bang pakawalan niyo na siya?

Drake- Hindi iyon pupwede. Baka magsumbong siya sa boss niya at umatake sa amin. Hindi naman sa takot kami kaso baka may masabi siyang importante sa ibang tao tungkol sa Gang.

Maica- Kaso, apat na buwan na siyang nakakulong sa warehouse. Pinapakain niyo ba siya ng tama? Di niyo naman siya sinasaktan diba?

Drake- A few punches will not kill him, Maica. Pero, oo, pinapakain namin siya ng tama at 3 times a day pa. Sadyang ayaw niya lang kumain. Nakakairita na nga.

Maica- Gustong-gusto ko na siyang dalawin kaso wala eh. Ayaw ni Sky. Tsaka, busy kami sa pagaayos para sa kasal namin.

Drake- Kelan ba yan?

Maica- After 8 months nalang. Next Year na.

Drake- Oooh! Excited na ako sa mangyayari.

Maica- Hindi pa nga ako handa. Simple lang naman kasi ang gusto ko. Ayoko ng magara at gastusin.

Drake- Sky can afford anything.

Maica- Ayun na nga. Ayoko namang masayang pera niya.

Drake- Big day naman yun ah. Hindi naman masasayang pera niya dahil para sainyong dalawa naman yun. Para iyon sa pagmamahalan niyo.

Maica- Basta. Gusto niya pa sa famous designer pa ako magpagawa ng gown. Yung Mrs. Isabelle Johnson. Ang ganda pa nga ng gown na pinili ni Sky. Parang hindi simple.

You're MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon