Chapter 1- Eight Tale Fox

170 82 2
                                    


Hayyyyy.................

Hayyyyyy...........

Nakapasok nga ako sa  pinakamagandang University sa buong Pilipinas at pinakamahal na tuition fee dahil nakakuha ako ng full scholar. Problema? Ang mamahal ng mga kailangan ko. Nakakaloka na. Bakit nga ba ako nakapag apply sa School na Infinity University?

Kasi MVP ako sa Basketball! Inshort, magaling ako! Hohohoh. #yabang. At kinuha nila akong Scholar nila. Sosyal nga e

Opsss! Ano akala niyo sa akin?

Lalaki?

HAHAHAHAHAHAAAHA.

Nakakatawa naman yan joke niyo.

Babae ako.

As in babae, dalaga, lady, girl! Ganern!

Yep! Noon high school ay kasali ako sa Women Basketball team. Bakit? Wala trip ko lang talaga magshoot ng bola. At gusto ko makita ang akin Idol na si Peter June Simon! Ang number 8 sa Purefoods star hotshot! Hooooooooooo. Ang gwapo niya talaga. Hihi. Pak na pak ang kagwapuhan! Fangirl mode!

Okey. Back to reality.

I'm Yozora Lanigiro. Astig ng lastname ko no? Hahahaha. Baliktad na ORIGINAL! Bwhahaha. Wala e. Pamilya ko yan. Orig na orig,! Tama na ang joke time. 17 years old. Napasok sa Infinity University na kumukuha ng Electronics Engineering. (Pati sa course ko, -_-. Puro lalaki. Hayyyyy. ) Yeah. Pakiramdam ko iniisip niyo na tomboy, tibo ako. Asa pa! Hahaha. Babaeng babae ako. Purelady to no. Maniwala kayo!  The end na introduction ko sa akin sarili dahil aku'y may hinahanap pa.

"Argggghhhhhh! Sa laki ng school na to! Nasaan ang President Office!! Ahhhhh! Bakit ba kasi doon ko dapat ipasa itong form ko hindi sa Registrar? Ano kaya connect noon? "Habang hinahanap ko ang President Office na pinag aapplyan ko para sa part time job at duty ko bilang scholar ng school. Sa sobrang lawak ng school may nabangga ako. Poste yata.

"Aray!" Syempre aaray ako. Nauntog ulo ko eh. Grabe naman itong poste na to! Sa gitna ng daan nakalagay.

"Sorry Miss. May masakit ba? "Tanong ng lalaking nasa harapan ko este katabi ng posteng nabangga ko.

"Ha? Ah eh. Ayos lang naman. Bakit may poste sa gitna ng daan ? " Taka ko kay kuya.

"Poste? E tao yan nabangga mo. " Sabay turo ni kuya sa nabangga ko at tumingala ako.

O_____O

Wow. Tao nga siya. Gwapo infairness

"Miss, mukha ba akong hindi tao sa paningin mo? Sa gwapo kong to? " Wow.ok na sana e. Mayabang lang. Letse to. Binabagyo ang bunganga sa sobrang hangin. Binabawi ko na gwapo siya.

"Ok. Ok. Ok. Edi gwapo kana! Letse. Ang hangin! " Sabay lingon kay kuya na nasa tabi niya. Buti pa siya mabait. "Kuya! Ang hangin no? Teka! *sabay tingin sa relo ko* o my! Late na ako. Kuyaaaaaaaaaaaaaaaa! Asan ang President Office rito?! "Sabay yugyog ko sa kanya.

"Teka. Teka! Hinay hinay lang Miss. Hahaha. Kita mo yan punong malaki na yan yun may katabing malaking building? Pumasok ka doon. Sa second floor! Doon yun President Hall na hinahanap mo. Sorry Miss hindi ka namin masasamahan. May practice kami ih. " Speaking of practice. Mukha nga. May malaki silang bag na dala. Sport bag at naka varsity jacket. Wow. Sosyal talaga ang Infinity University!

"Ok lang kuya!" Sabay tingin doon sa nabangga ko na walang reaction.  "Sige kuya! Thanks!! " Sabay takbo ko. Hindi ko na narinig yun sinasabi ni kuya! Syempre! Late na kaya ako. Hooooooooo!

Umakyat na ako sa napakagandang building na sinabi ni kuya sa akin! Woooooo. Ang gende nemen telege dete. (Ang ganda naman talaga dito. ) Hahaha. Okey may tao doon. Secretary siguro to. Makapagtanong na nga.

Infinity University #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon