Chapter 2 - Seatmate

164 80 0
                                    

Time check.

5:50AM

Wow. Ang aga ko!! Sabagay ayoko malate. Pero sa gym alam ko meron ng tao kasi maingay na sa loob. Nandito kasi ako sa may waiting area malapit sa gym. Tagal naman ni Coach Seven.

Maya maya rin dumating na si Coach.

"Yozora.! Ikaw ba yan? Para ka talagang lalaki diyan ha! Ayos! Pero  Kanina kapa? Bakit ka nandyan? "Tanong sa akin ni Coach. Yozora? Name ng babae. Kailangan ko kayang palitan yon? Matanong nga.


"Hindi naman po Coach! Teka po Coach. Kung tatawagin niyo po akong Yozora, pang babae po yun name na yon, tawagin niyo nalang po akong Hiro!! "

Hiro? Saan nagmula yon? Wala lang. Super Hiroooooo. Waley!! Hahaha

"Sige Hiro! :). Sabi mo ih. " Bait ni Coach. "Tara na sa loob at ipapakilala na kita sa kanila"

At sumunod naman ako.

Pumasok na kami sa Gym. Lahat nakatingin sa amin ni Coach siguro dahil sa akin, iniisa isa ko ang mga players na nasa loob ng gym na kinagulat ko ang nakita ko! Players sila rito??? As in!!! Si poste at si kuya bait! Waa! As usual. NR(No Reaction) si poste. Pero wala rin akong pake. Hahahaha. Hindi nila ako makikilala. Nakawig ako e. Gwapong gwapo nga ako sa sarili ko noon nakita ko sarili ko pero sumagi din sa isip ko! Ang lupet ng tadhana!!! Flat Screen T.V ako! Huhuhu hindi ako pinagpala. Hindi ko kailangan mageffort itago yun. Wala kasi akong itatago. Pero oks na to! Ang gwapo ko talaga. Swear!!

"Good Morning Coach!!! " Biglang sigaw nilang lahat. Nagulat ako doon.

"Good Morning din! O umupo muna kayo. May ipapakilala ako sa inyo. " At nag si upo naman silang lahat.

"Players! Ipapakilala ko ang assistant coach ng team natin. Siya ang bahala sa training niyo at kung may pupuntahan ako sa game niyo. Maasahan niyo siya. " At tinuro naman ako ni Coach Seven.

"Hiro Oliver Sachan. Nice Meeting you all" wooo. Ang hirap mag boses lalaki ha. Pag tingin ko sa kanila nakatingin silang lahat sa akin at yun poste at si kuya na hindi ko pa alam ang name ay nakatingin sa akin. Hooooooooo. Sana hindi nila ako matandaan. Pero aba! Sa gwapo ko ba naman! Oo na. GGSS ako sa lalaking ako. Hoho.

"Be good to him players. Okey? Hiro. Ikaw na bahala sa kanila. May gagawin pa ako e" pagpapaalam ni Coach. Tinapik pa ang balikat ko na parang sinasabi na "Good Luck" talagang Goodluck sa akin.

"Ok. Bago ko simulan ang Training drills niyo. Papakilala ulit ako. Im Hiro Oliver Sachan, 21 years old(peke yan. Alangan sabihin ko 17 lang ako. Hindi na yan halata. Uso ang Baby Face) and about my Educational Background? Hmmmmm. College Graduate ako. Basketball player ako sa School ko dati, MVP and Acting Coach. That's all! Then! Fall in Line! Tell me about yourself! " Syempre. Hindi pa ako nasigaw at hindi sila natitinag.

"NOW!!! " Sigaw ko. At bigla silang nagtayuan at pumila. Ano yan kailangan ko pang sumigaw? Ganern?

"JC Rivera, 19, 4th Year College, BSBA- Major in Financial Management. Captain, position, Center"

"Aldrin Sanchez, 18,3rd Year, BSEd- Math, position Forward"

............... Sa dami nila inilista ko isa-isa and then yun dalawa na, si poste at si Kuya

"Zevaschan Viaro, 2nd Year, Electronics Engineering, position, Guard"

"Janlu Roxas, 2nd Year, Electronics Engineering, postion Forward"

Ohhhhh. Zevaschan and janlu. Hmmmm. Sana hindi nila ako natandaan.

"Ah eh, Sir Hiro! Nagkita naba tayo? O may kapatid ka po dito? Para po kasing nakita na kita. " Biglang tanong ni Janlu. Yun si kuya bait.

"Ewan ko lang. Kahapon nandito ako baka nakasalubong mo lang ako, pero ako kasi ngayon lang kita nakita, o Game!!!! RUN,!!!!! 10 Laps! Gooooooooooooooo!!!!!!!!!" Sigaw ko. Baka kung ano pa maitanong.

Tinignan niya muna ako. Bago tumakbo. Hoooo. Safe! Tinignan ko oras. Okey. 9AM pa naman 1st Class ko. Magpapalit nalang ako sa Condo ko. (Hohoho. Sarap maka sabi ng CONDO KO! Sosyal ko! Syempre doon lang yun sa tapat ng IU)

Tapos na Training nila.

"Thank you po Sir ! " Sigaw nilang lahat

"Welcome! Tomorrow nalang ulit. Bye! Take Care! :)" Nagsmile ako sa kanila. At nakatulala sila? Bakit?

"Bakit? May mali ba sa itsura ko? " Tanong ko sa kanila

"Sir! Nagsmile kayo! " Nagsmile lang ako. Big deal ba yun? -_-

"Tingin niyo sa akin? Hindi nag ssmile! O Go na! Baka malate pa kayo sa klase! " Sigaw ko. At nagsilabasan na sila, naiwan yun dalawa

"Sir! Sabay na tayo lumabas. "Yaya ni Janlu.

"Sure. Hindi ba kayo malalate niyan? "8am na kasi

"Hindi pa po. 9 pa po ang klase namin si Chan. Probema po sa 1st year klase namin. -_-. "

"1st year? Bakit naman nandoon kayo? Diba 2nd Year na kayo? "

"Kasi po Electrical po kami nun 1st year  e nag shift po kami sa Electronics kaya po ayon may naiwan subject. " Paliwanag ni janlu

"Ahhhh! Kaya pala. O siya, magpalit na kayo ng uniform. Alis na ako. Ingat kayo. " Sabay kaway ko sa kanila.

...................

At kumaway na din sila. Time check. 8:15

Okey. May 45 mins bago ang time ko. Makaligo muna. Grabe! Pagpasok ko sa Condo! O yeah! Sabay tanggal ng wig! Hoooooooo. Bye pogi! Haha. Para akong loka pinupuri ko ang sarili ko.

Naligo na ako.

Nagbihis ng Uniform na bigay din ni President sa akin.

And viola!!! Tapos na. Ready! 8:50 na pala! 10 mins nalang.

Kinuha ko ang aking bagpack na Jansport Army, at kinuha ko ang aking salamin. Syempre! Malabo talaga paningin ko! Hahaha. Pero hindi ko pinapahalata.

Ready to go.

Nasa room na ako ng 8:55am. Madami ng nasa room. Umupo ako sa dulo sa may tabi ng bintana. Sa oras na to nakaramdam ako ng antok. -_-. Hayyyyyyyy. Nagsabak ako ng Earphone sa akin tenga and Music ON.

Ramdam ko na may umupo sa tabi ko pero wala akong paki dahil busy ako sa mga taong nadaan sa baba ng Engineering Building.

Maya Maya dumating na yun Professor namin. (A/n: Professor ang tawag sa Teacher pag College na. )

So tinaggal ko na ang Earphone.

"Good Morning Class! "

"Good Morning Sir! "

"Oh! Zevaschan and Janlu! Student ko din pala kayo rito! Magsasawa kayo sa akin niyan. "

What? As in Zevaschan? At Janlu ? Na Eight Tail Fox player? Asan???

Nilibot ko ang mata ko sa classroom ng mapansin kong yun kakaunting babae na kaklase ko ay nakatingin sa may bandang panig ko!!

Pagtingin ko sa katabi ko.

O______O






O gosh!!

Si Zevaschan ang katabi ko at si Janlu!!!

Ganito oh.

Ako/ Zevaschan/ Janlu

Infinity University #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon