Chapter 5 - Payback Time

155 80 0
                                    

Room.

Hooo. Wala pa prof. Ligtas.

Umupo na ako sa seat ko ng mapansin kong wala si Janlu at ang nandoon lang ay si Zevaschan at dahil din hindi kami madalas magusap.(As Yozora not Hiro) Nilagpasan ko lang siya. Makikinig sana ako ng music ng magsalita si Zevaschan.

"Hey. Yoz. "

"Yoz? "

"Yozora name mo diba? In short Yoz. "

"Okey? "

"Hey Yoz. Dahil ikaw lang kilala kong babae na walang malisya na kausapin ako maliban kay Bianca na bestfriend ko. Can i ask you something? " Himala yata at kinausap ako.

"Hmmm. Ok lang naman pero asan si Janlu?"Kanina naman nasa practice yun a. Hmmm. Cutting.

"Ah. May meeting sila."

"Meeting? "

"Ah. Part siya ng AFECE (Association of Future Electronics Communication Engineering)"

"Ahhhh! Cool. "

"Pwede na ako magtanong? "Sabay ub ob niya sa desk niya.

"Sure. Go ahead." At pinatong ko din ang ulo ko sa desk at timingin sa kanya.

"What if ikaw? Naranasan mo nabang bumilis ang tibok ng puso mo sa kapwa babae?"

PROCESSING............

"Ha? " Ano raw?

"Nevermind. Akina number mo. " Habang nakatingin sa mata ko at nakakura ang kamay na para bang inaantay na ibigay ko.

"Ha? "

Pasensya naman. Ha lang ako nga ha. Hindi niyo ko masisisi kung ha lang. Aba!! Ang cellphone number ko ay ang cellphone number ni Hiro! Ang assistant coach nila.

"Sabi ko. Number mo. " Ulit niya

"Hindi ko pa alam eh. Hehehe. Isulat mo nalang number mo. Ako nalang magtetext sayo mamaya paguwi ko. " -_-. Gosh! Pahirap to. Need ko pa ng isa pang number? Makabili nalang muna ng de keypad na phone yun(kakasweldo ko lang! Yeheyyy! In advance) cp kasi na binigay ni Coach seven touch screen. At pang team lang yun number na yon. Kailangan kong pumuntang mall pagkaawas.

Mall

Habang naglalakad ako papunta sa stall ng mga cellphone ng may matanaw akong isang babae na familiar sa akin. Nainom siya ng kape?? For real?
Lumapit pa ako at tama nga ang hinala ko si..

Ate Bianca.

Lumapit ako sa kanya dahil nakita na rin niya ako.

"Ate Bianca! "

"Yozora! Haha. Nagkita rin tayo. Hindi ako nakaattend kanina sa class e. "

"Oo nga po. Ano pong ginagawa niyo dito? Ayie. May date po kayo no? "

"Date? Haha. Asa pa yan. Ah may meeting kasi kanina e may kakatagpuin kami rito. Nandito din si janlu at yun president ng AFECE. Nag cr lang sila. Tara! Pakilala kita sa President naten. :)"

"Sure ate! Hihi. "

"Ayan na sila. " Sabay turo ni ate bianca sa dalawang lalaki na papalapit sa amin. Yung isa ay nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha. Siguro siya yun president. Hmmmm. Lumapit na si Ate Bianca kina Janlu at tinawag ako ni Ate Bianca para lumapit.

Naglalakad na ako patungo kina ate Bianca sabay tunghay naman ng lalaking nakayuko kanina. Napahinto ako dahil doon.

"No way." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ako makagalaw. Nagkakatitigan kami. Nakita niya ako. Namalayan ko nalang hinihila na ako ni Ate Bianca papalapit sa kanya.

Infinity University #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon