Chapter 6- At your back

156 79 1
                                    

Room.

Nakaupo na ako. Hooo. Ligtas. Hindi ako late. Napatagal paliligo ko ay.

Hmmm. Tinignan ko ang katabi ko. Wala pa sila?

Unang dumating si Zevaschan. As usual. Hindi niya ako kinakausap. Buti pa si Hiro kinakausap niya. -_-.

At maya maya dumating na din si Janlu.

"Good Morning Yozora! :)" bati niya sa akin.

"Good Morning din Janlu! "

"Oh! Nga pala Yozora. Kilala mo pala si Jan? " Sa tanong ni Janlu. Napatingin sa panig ko si Zevaschan.

"Ah eh. Oo? Basketball player siya noon sa school ko noon HS. Pero hindi kami close! Sikat lang siya kaya nakilala ko. " Lumusot ka! Lumusot ka! Please! Maniwala ka!

"Ohhh! Kaya pala. Pero noon umalis ka kahapon. Tinanong ka niya sa amin. Akala ko close kayo. "

"Tinanong niya ako Janlu? Anong tanong? "

"Ahhh. Bakit ka namin nakilala ni Vivi. Hmm. Ano pa nga ba? Anong Course mo? At kung may boyfriend ka? Teka! Sabi ko hindi ko alam. Meron nga ba? "

"Wala. Hehe. Dami niyang tanong. "

"Magkasama kayo ni Best kahapon bro? " Tanong ni Zevaschan! Ho! Mabuti. Sakto timing mo.

"Yes. May kinatagpo kami sa SM kahapon e. Kasama din naman si President Jan. "

"Ahhh. " Sabay lingon sa akin. "Yozora ba name mo? -_-. Tanda ko lang kasi YOZ. "

Wow ha!

"Ah. Oo. -_-. "

"Ah. Ikaw pala yun kagabi. Sigi. Isasave ko. "

"Ano yun? " Janlu

"Ah! Number ko binigay ko kay Zevaschan. Ikaw ba janlu? Ano number mo? " Kinapa ko ang phone ko. O lala! Asan ang de keypad kong phone! Ang nakakapa ko ay ang phone ni HIRO!

Kapa!

Kapa!

Kapa!

Ayun! Jusme. Nasa pencil case ko lang pala.

At binigay ko kay Janlu para itype niya yon number niya.

Dalawang number ng una kong naging kaibigan bilang isang engineering student! Done!! :)

----

"Bye Yozora! " Janlu

"Bye Yoz! " Zevaschan

Naglalakad na ako patungo sa library ng makilala ko kung sino ang makakasalubong ko.





Jan?

O yeah! Ang galing ni tadhana!! Hahaha.

Alam ko tinitignan niya ako. Ayan na! Konti nalang malalampasan ko na siya!


"Yozora."

Waaaaaa! Tinawag niya ako! Ito yun namiss ko! Kainis. Deadmahin mo Yozora! Pakiusap!

Diretso lang ako naglakad. Deadma. Deadma. Deadma!

Bigla niya hinawakan ang braso ko.

"Teka lang Yozora. " Tawag niya sa akin

"Bakit ba? "

"Magusap naman tayo. "

"Hahaha. Nakakatawa. Naguusap na tayo. At please bitawan mo ang kamay ko. Nagmamadali ako. " Binitawan naman niya ang braso ko.

Infinity University #Wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon