Kabanata I
Sa bulubunduking probinsiya ng Bataan naninirahan si Gabriela Santos o Ella sa kaniyang mga kaibigan at kamag anak. Ayaw niyang tinatawag sa buo niyang pangalan dahil sa tingin niya ay nakakatanda ang pangalang ‘yon at hindi tugma para sa isang dalaga. Kasama niya sa bahay ang kaniyang Lolo Eugenio at Lola Maria na parehong World War II Veteran at sa kasalukuyan ay ninanamnam ang ayon nga sa kanila ay nalalabing oras nila sa mundo.
Bakasyon na ng mga panahon na 'yon at wala siyang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kung hindi ang mag-internet katulad ng ibang kabataan. Noong nakaraang lingo ay nagtapos siya ng senior high school sa Limay National High School; hindi siya honor student o special awardee. Simpleng estudyante lang siya na pumapasa pero hindi naman siya bumabagsak.
Sa Hapon na iyon habang mainit at hindi pa bumababa ang araw ay nakatambay siya sa harap ng kanilang bahay at pinapanood ang mga batang naglalaro sa tabing daan. Nakaupo siya sa pasimano ng terrace habang kumakain ng spaghetti at puto na makailang beses na niyang ininit. Ito pa ang kaniyang handa kahapon sa pagdiriwang niya ng kaniyang Ika-labingwalong kaarawan. Hindi nagkaroon ng magarbong selebrasyon sa kainyang espesyal na araw kahit pa ito ang ipinipilit ng kaniyang lolo at lola. Sarili niyang desisyon na huwag gumastos dahil nais niyang ilaan na lamang ang pensyon ng mga ito sa mga pansarili nilang pangangailangan.Ika-sampu na ngayon ng Abril. Ang kaarawan niya ay Ika-siyam, kasabay ng Araw ng Kagitingan. Isa pang dahilan din ito dahil taon taon ay pumupunta sila sa Dambana ng Kagitigan upang alalahanin ang araw na bumagsak ang Bataan. Hindi niya gustong mahati pa ang oras ng kaniyang lolo at lola para sa araw na napakahalaga sa kanila. Ngunit kahit pa kadikit ng kaniyang kapanganakan ang hindi malilimutang kasaysayan ng probinsiya ay ni minsan ay hindi siya naging interesado rito. Pinaka ayaw niyang subject ang History dahil ang motto niya sa buhay, hindi na dapat binabalikan pa ang nakaraan.
"Ate sali ka!" Sigaw ng kaniyang pinsan na si Ikay. Hindi naman niya talaga ito kadugo pero pinsan na niya kung ituring. Literal na napulot lang siya ng kinikilala niyang Lolo at Lola. Natagpuan siya sa masukal sa parte ng barangay nila labingwalong taon na ang nakararan at simula noon ay itinuring na syang tunay na apo nito kasama ng mga apo nila sa kanilang mga anak. Mula pagkabata ay alam na niya ang totoo at malinaw sa kaniya ang lahat kaya lubos ang pasasalamat niya sa mga ito.Ibinato ni Ikay ang bola at nasalo naman ni Ella. Dahil hawak na niyanag bola ay hindi na siya makakatanggi sa bata. Lumabas siya ng bakuran para makipaglaro. Bilang isa sa matandang apo, siya na din ang nagsisilbing tagapag-alaga ng mga ito dahil ang mga magulang nila ay nagtatatrabaho sa isa sa mga pabrika sa Mariveles -isang bayan na kasunod lang ng bayang tinitirahan nila. Halos lahat ng mga kapitbahay nila ay doon nagtatrabaho kaya ang mga bata sa lugar nila ay siya na ang tumitingin at nag-aalaga.
Nagbatuhan sila ng bola pero si Ella, hindi makagalaw ng maayos dahil nasa bulsa ng kaniyang shorts ang cellphone pati ang power bank. Simula nang mabili niya 'yon ay hindi na niya inaalis sa tabi niya. Malaking tulong sa kaniya na laging hawak ang cellphone kung sakaling may kakaibang mangyari sa kaniya. Sinadya niyang mamili ng solar powered power bank para wala mang kuryente, makakapag charge siya.
Tawanan ng mga bata ang pumupuno sa paligid. Maingay at nakakairita 'yon para sa kaniya pero hindi naman niya maaring patahimikin ang mga ito. Walong bata ang naglalaro ngayon sa tapat ng bahay nila. Kanina ay patintero ang nilalaro pero dumating ang isang bata at may dalang bola kaya heto'y nagbabatuhan sila.
May dumaang mga kaedaran ni Ella at minata siya. “Ang tanda na nakikipaglaro pa sa bata” parinig nito. Kung wala lang siyang kaharap na mga bata ay sasabunutan niya ang mga ito. Sakit sa ulo ang mga babaeng 'yon sa eskwelahan nila. Tatlong magkakaibigan , ang isa’y dalawang beses nag ulit ng 1st Year, isang suki ng cutting classes at isang buntis na sa pangalawa niyang anak sa edad na 18, magkaiba pa ng ama.
Kahit naiinis at naggigigil siya ay hindi siya pumatol sa pang iirap at pangmamata nila dahil nakakahiya kung mapapa away pa siya. Nagpatuloy na lang siya sa pakikipaglaro sa mga bata hanggang sa makalagpas sila.
Napalakas ng bato ng bola ang isa sa mga bata at imbes na may tatamaan ay sa kalsada ito napunta kaya naman ang bola, nagpagulong gulong pababa. Mataas ang lugar nila at ang kalsada ay pabulosok na at highway na ang labas. Hindi naman pwedeng ang mga bata pa ang humabol sa bola kaya siya na ang tumakbo para habulin yon.
Habang hinahabol ng pawisang si Ella ang bolang gumugulong sa matarik na kalsada, ang kaniya namang paa ay di sinasadyang natisod at naging dahilan ng kanyang pagbagsak sa hindi na pamilyar na lugar. Muli, katulad ng dati ay bumaliktad na naman ang kaniyang mundo. Balik na naman siya sa nakaraang hindi niya alam kung bakit niya nagagawang puntahan. Luminga siya sa paligid at bumulong"Balik 1942 na naman ako."
Hindi na niya iniinda ang kakaibang sensayong hatid ng paglalakbay niya sa ibang panahon. Ang tiyan niyang tila napuno ng mga paru paru dahil sa bilis ng pangyayari ay isang pangkaraniwang pakiramdam na lamang sa kaniya dala ng hindi mabilang na beses niyang paglalakbay sa ibang panahon.
Wala na ang kalsadang tinatakbukahan niya maging ang bolang kaniyang hinahabol at tanging malamig na damo at maingay na ilog ang kaniyang nakita. Ang buong paligid ay kulay luntian, puno ng halaman at mga punong kahoy. Sa mga oras na 'yon ay sigurado siya na bumalik na naman siya sa nakaraan dahil imposible namang magkaroon ng gubat sa highway kung magpapa gulong-gulong man siya pababa.
Tumayo siya at naglakad papunta sa malapit na puno ng mangga. Umupo siya sa ilalim at tumingin sa kawalan.
“Nakaraan na naman”, bulong niya. Katulad ng dati ay napatingin lamang siya sa langit, nakita ang nakakasilaw na liwanag ng araw at sa isang kisap mata ay malayo na naman ang kaniyang narating. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nag type sa notes:
Okay, so today is
April 10 at balik
na naman ako sa
1942
Pinindot niya ang save saka isinara ang cellphone. Luminga linga muli siya sa paligid at niyakap ang kaniyang mga binti.
"Ano na naman kayang mangyayari ngayon?" Walang gana niyang tanong sa sarili. Noong huli siyang napunta dito ay hindi maganda ang naging karanasan niya. Hinabol siya ng aso. Naalala niya pa kung paanong nagtawanan lamang ang mga batang nakakita sa kaniya habang sumisigaw ng 'saklolo'. Hinding hindi niya makakalimutan ang araw na iyon.
May mga sigawan siyang naririnig ngunit mahina. Tila ba alingawngaw na lamang. Sa di kalayuan ay matatanaw ang isang bahay kubo. Kahit malayo sa kinauupuan niya ay masasabing maliit ito. Hindi na lang niya pinansin dahil naging ugali na niya na hindi pansinin ang kahit ano sa paligid niya dahil ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon dito.
Tatlong beses siyang naghikab. Ayan na, inaantok na naman siya. Mag-iisang oras na din siyang nakaupo doon , nangangalay at nagsasawa na sa paglalaro ng Candy Crush. Tumayo siya para mag inat ng katawan ngunit napatingin siya sa damuhan at napayuko.
Nalaglag mula sa bulsa niya ang isang swiss knife. Iyon pa ang regalo ng ninang niya sa kaniya. Simula ng matanggap niya 'yon ay hindi na rin niya inihihiwalay sa kaniya. Sa tingin niya kasi ay cute at astig ito, bukod doon ay nakaukit dito ang palayaw niyang Ella.
Pinulot niya 'yon at napatingala siya. Nakita niya ang iilang bunga ng punong sinisilungan niya. Kumuha siya ng bato at sinumulang batuhin ang mga mangga hanggang sa makuha niya ang isa. Binalatan niya gamit ang swiss knife at sa sobrang sabik niya sa mangga ay agad niyang kinagat.
"Ang asim!" aniya. Wala e. Excited siya. Pinagtyagaan na lang niyang kainin at nag ilusyon na lang na may bagoong o asin man lang. Literal na buto na lang ang natira sa mangga.
Matapos kumain ay naghikab na naman siya at papikit pikit na ang mga mata hanggang sa makatulog siya sa silong ng punong iyon.“Sana makabalik na ‘ko” bulong niya bago tuluyang makatulog.
BINABASA MO ANG
Balik 1942 //Completed//《Lee Dong Wook And Yoo In Na Fanfiction》
Fanfiction///Kasalukuyan ko pong ineedit/// Si Abby ay 18 taong gulang na nabubuhay sa kasalukuyan na paulit ulit na bumabalik sa taong 1942, sa panahon ng World War II sa Bataan. Sa muli niyang pagbalik sa nakaraan ay makikilala niya si Sigan, isang binata...