Kabanata V
Bumalik sa bahay kubo ang dalawa at umiiyak si Ella. Hindi niya matigil ang pag-iyak at kinakagat na niya ang kaniyang daliri para lang huwag ng gumawa pa ng kahit anong ingay. Bago 'yon, nagtalo pa ang dalawa nang magpa-iwan si Ella.
"Anong iiwan Ate? Hindi kita maaring iwan dito!" Bulalas ni Totoy.
"Iwan mo na lang kasi ako!" Sigaw naman ni Ella. Sa mga oras na iyon ay umiiyak na siya. Hindi niya lubos maisip na nalipat siya sa ibang panahon habang natutulog.
"Hindi! Isasama kita pauwi!" Pagpipilit ni Totoy
"Ano ba! Huwag ka nang makulit! Iwan mo na ako!" Sigaw nitong muli. Bumalik ito sa pagkakaupo yakap ang mga45
binti. Nagsisimula ng mainis si Totoy dahil ang kulit niya. Hinding hindi niya iiwang mag-isa dito ang binibining ito.
"Halika na Ate, umuwi na lang tayo" malumanay na pagyaya ni Totoy.
Isiniksik lang ni Ella ang kaniyang ulo sa pagitan ng kaniyang tuhod. "Gusto ko ng umuwi" bulong niya. Lalong lumakas ang iyak niya na akala mo ba ay batang naagawan ng laruan. Hinaplos haplos pa ni Totoy ang likod niya kaya ayun, nagtuloy tuloy na ang iyak.
Matapos ang ilang pakiusapan ay sumama din siya pabalik ng bahay kubo. Halos ayaw niyang ihakbang ang mga paa niya dahil sa sama ng loob.
Ano na destiny? Ano na? May ginawa ba akong masama sa'yo? Wala 'di ba? Ibalik mo na ako sa amin. Gusto ko ng umuwi.
Itong si Totoy naman ay tukso. Hindi niya napigilang magsalita nang ayaw pa ring tumigil sa pag-iyak nito.
"Iniisip mo bang babalikan ka nila rito kung iiwan kita? Ate, hindi mo nga maalala kung saan ka huling napunta"
"Anong nangyari Totoy?" Pangbungad na tanong ni Lumeng sa anak.
"Bakit umiiyak?" Tanong naman ni Caloy. Sila ang sumalubong sa kanilang dalawa.
"Inay, nagpupumilit ho kasi si Ate kanina. Magpapaiwan na lang daw ho siya doon. Hindi ko ho siya pinayagan" lumapit naman si Lumeng at hinaplos ang likod ni Ella.
46
"Saan ba kayo nakarating?" Tanong nito sa anak.
"Doon ho sa may madaming kawayan. Doon ko ho siya nahatak."
"Madaming ahas doon hindi ba?"
"Opo. Delikado ho doon"
"Bakit naman siya umiiyak?" Usisa naman ni Feli na papalapit sa kanila ngayon.
"Tiya, ang sabi niya ho kasi ay ilog at malaking puno ng mangga ang palatandaan niya kung saan siya nawala..." panimulang paliwanag nito.
"Anong mayroon doon?" Nagtatakang tanong naman ni Lumeng.
"Iyon daw ho ang palatandaan niya kung saan siya nawala. Ang kaso ho Inay, sa kabilang bundok pa ho iyon. Wala pong malaking puno ng mangga na may ilog na malapit sa atin. Kabisado ko po ang buong lugar natin. Wala pong ganoon dito... sa kabilang bundok pa ho"
"Ano?!" Gulat na sigaw nina Feli at Lumeng.
"Hija, tumahan ka na" pag-aalo ni Lumeng.
"Halika sa kubo Hija. Doon ka muna" saad ni Feli. Naglakad sila papunta sa kubo at inalalayan siya. Walang masabing salita ang magkapatid dahil hindi sila makaisip ng kahit ano para patahanin ang dalaga.
"Pwede... po... bang... iwan... ninyo... muna... ako" pakiusap ni Ella sa bawat hikbi nito. Naintindihan naman siya ng nga ito. Lumabas sila ng kubo ng may lungkot sa mga puso nila. Bilang mga ina, hindi maatim ng kanilang puso na mayroong isang
47
dalaga na umiiyak sa kanilang harapan lalo pa't ang dahilan nito ay ang pagkakawalay sa kaniyang pamilya.
"Ano bang nangyari?" Paguusisa muli ni Lumeng.
"Inay, katulad nga ho ng sinabi ko kanina, sa ilog at puno raw ho ang palatandaan niya. Masyado hong malayo 'yon dito. Hindi ko na po siya masasamahan doon at isa pa, doon ko ho talaga siya nakita sa may mga kawayan" paliwanag muli ni Totoy."Kanina nga ho ay pinipilit niya na iwan ko na lang siya. Hindi ko naman ho gagawin iyon Inay. Alam niyo naman ho 'yon" dagdag pa niya.
Bagamat musmos pa dahil sa kaniyang edad, alam naman ni Totoy ang mga nangyayari sa paligid niya. Hindi lang gyera ang problema sa ngayon. Marami pang iba.Medyo malayo na sila sa kung saan naroon si Ella ngayon ngunit dahil sa tahimik ang paligid, naririnig niya pa din ang mga ito.
"Lord, bakit naman ganon. Stress na ako na hindi pa ako nakakabalik sa amin tapos ngayon nalipat pa yata ako ng ibang panahon habang natutulog. Ano po bang mali sa akin? Bakit ako ganito?" Mahina niyang sabi habang humihikbi pa rin.
"Mabuti naman at hindi mo iniwan. Nakaka awa naman" malungkot na saad ni Lumeng. Narinig ni Ella kaya ayun, lumakas na naman ang iyak.
"Kung alam niyo lang ho, mas maiiyak po kayo sa sitwasyon ko" mahina na naman niyang pagkausap sa sarili. Nang makatahan siya at tila naubos na ang lahat ng luha niya, doon niya naramdamang unti-unti nang bumibigat ang kaniyang mga mata. Ilang sandali lamang ay nakatulog na siya.
BINABASA MO ANG
Balik 1942 //Completed//《Lee Dong Wook And Yoo In Na Fanfiction》
Fanfic///Kasalukuyan ko pong ineedit/// Si Abby ay 18 taong gulang na nabubuhay sa kasalukuyan na paulit ulit na bumabalik sa taong 1942, sa panahon ng World War II sa Bataan. Sa muli niyang pagbalik sa nakaraan ay makikilala niya si Sigan, isang binata...