PANGATLO

23 1 1
                                    

Kabanata III

Kalakip ng pagmulat ng mga mata ni Ella ang pag asa ng isang magandang balita na nakabalik na siya sa kaniyang panahon. Iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid ngunit isang madilim na silid lamang ang kaniyang nakita. Ang katiting na liwanag na tumatagos sa mga siwang ng kawayang sahig ang tanging pinanggagalingan ng liwanag. Mabilis na dumaloy ang dugo sa bawat ugat niya na kahit pa kamumulat pa lamang ng mata ay gising na gising siya.
"Nandito pa din ako?" Bulong niya.
Tulala, tuliro, hindi niya alam ang dapat gawin at dapat maramdaman. Inilagay niya ang kanang kamay sa kaniyang dibdib at ilang beses na huminga ng malalim
"Hinga Ella, hinga"
Hindi katulad kagabi na wala siya masyadong kibo at reaksyon sa nangyayari lalo na para sa isang dalagang nawawala sa gubat, ngayon ay mapapa react na talaga siya ng todo.

Wala pa rin ako sa amin. Wala pa rin ako sa amin!

Hindi pa siya nakuntento sa paghinga ng malalim at pagdama sa tibok ng puso niya. Sinampal pa niya ang sariling pisngi
"Aray!" Bulong niya.

Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na nananaginip lamang siya.

Ngunit bigo siya.

Bumangon siya sa pagkakahiga ngunit nahilo kaagad kaya bumalik muli sa higaan. Muntik pang tumama ang ulo niya sa kawayang sahig na nagsisilbing kisame ng hinihigaan niya na gawa din naman sa kawayan.
Sinampal sampal niya muli ang pisngi niya. Magkabilaan at paulit ulit.

"Oh my gosh, ang sakit" daing niya. Kumbinsido na talaga siya na hindi siya nananaginip.

Wala na siyang katabi sa banig. Gising na ang buong pamilya. Dahan dahan siyang bumangon at gumapang palabas ng silong na iyon -pero natigilan siya. Nilingon niya ang kaniyang pinaghigaan at naisip na tupiin iyon. Ganoon ang itinuro sa kaniya ng Lola niya, ang sinupin ang kaniyang pinaghigaan. Tinupi niya ang ilang kumot at dalawang banig. Huminto siya sandali para icheck ang cellphone niya at ilagay doon ang petsa ngayon- ayon sa cellphone niya.
Gumapang siya palabas ng siwang bitbit ang mga kumot, banig at cellphone at ang kakambal nitong power bank. Ipinatong niya sa silyang kahoy ang mga kumot at iginala ang kaniyang mga mata sa buong kubo. Maliit lang ito at sapat lang para sa bilang ng tao na naninirahan doon.

"Ganito pala 'to kapag araw" bulong niya. Kagabi nga naman ay wala siyang ibang makita kung hindi katiting na liwanag mula sa gasera.

Walang ibang tao sa bahay kaya lumabas na siya. Sumalubong sa kaniya ang isang magulong bakuran. Nagkalat ang mga dahon, amoy din ang mga nabubulok na prutas sa paligid. Hindi niya napigilang takpan ang ilong niya. Maging siya rin kasi, naamoy na niya ang sarili niya na ang asim na ng amoy. Wala pa siyang ligo simula ka hapon. Suot niya pa din ang tshirt at shorts niya.
"Ella! Halika dito Hija!" Narinig niyang tawag ng matanda. Hinanap niya kung nasaan ito, nasa may kanan . Nakaupo ito sa upuang gawa sa kawayan at may lamesa sa gilid nito.
"Magandang umaga po." Lumapit siya dito at nakita niya din ang iba na naroon. Nag aalmusal sila. Inabot sa kaniya nito ang isang pandesal. Maaga pa ng mga oras na iyon. Pasado alas sais pa lamang at hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw.

"Thank you po!" Masaya niyang sagot. Gutom na rin naman siya, kahit anong panglaman tiyan pwede na.

Kumagat siya sa tinapay at napahinto. Ang tigas na nito. Para bang tatlong araw nang nakatengga. Ngumiti siya at nagpatuloy sa pagkain dahil nakakahiya naman kung hindi niya kakainin 'yon at isa pa, wala siya sa posisyong mag-inarte.

"Makunat na ang tinapay na iyan, pero mas maganda na yan kaysa wala" wika ng matanda. Sang ayon naman siya

Libre na ngang nakuha aangal pa ba ako?

Nakatingin sa kaniya si Totoy at mukhang gulat.

"Bakit?" Tanong niya. Hindi ginagalaw ng bata ang almusal nito.

Balik 1942  //Completed//《Lee Dong Wook And Yoo In Na Fanfiction》Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon