Kabanata IX
Pawis na pawis at nanlalata si Marikit habang ngiti naman ang nakaguhit sa mga labi ng lahat ng naroon sa kwebang 'yon. Iyon ang unang pagkakataon na nakasaksi si Abby ng pangangak, maging siya ay napagod kahit pa pinapanood lamang niya ito.
Maingay na ang paligid -ingay na hindi nila nagawang mapansin kanina dahil abalang abala sila. Ang alingawngaw ng sigawan ay puno ng takot, ang mga yabag ng nag-uunahang makalayo sa kanilang kanaroroonan at kahit maliwanag pa ay tila madilim na ang paligid. Nagsilabasan ang mga Pilipinong nagsisipagtago sa kagubatan dahil sa pagdating ng mga hapon.
Ang tunog din ng mga sasakyang panghimpapawid ng mga hapon ang dagdag sa ingay ng paligid ngunit tila wala silang pakialam dahil pirming nakatitig ang lahat sa sanggol na biyayang nasa kanilang harapan.
'Isa itong milagro' sa isip isip ni Ella. Ang sanggol na bunga ng pagkakamali ay ngayong kinagigiliwan ng lahat.94
Si Maria na tumulong sa pag aasikaso ng mga gagamitin ay tulala rin dahil sa pagkamangha at pagkagulat dahil iyon ang unang beses niyang makasaksi nito.
Sina Totoy at Lucio naman na ay hindi maitago ang saya. Ito ang unang pamangkin ni Totoy at unang apo ni Lucio. Walang mapaglagyan ang kanilang saya na kitang kita naman sa kanilang mga mata.Nababalot pa ng dugo ang katawan ng sanggol kaya kinuha ni Lola Batis ang malinis na puting tela at ibinalot ito dito ngunit hindi ito gumagawa ng kahit anong ingay, hindi umiiyak.
Si Feli ang nakapansin at kinabahan na sila. Kahit sa mga tinginan nila ay mababanaag ang kaba lalo na kay Sigan na tahimik na nakabantay sa labas. Hindi maaring hindi umiyak ang bata, hindi ito maaring mamatay.
Ang matandang si Batis ang bumitbit sa sanggol at tinapik tapik ito ng marahan hanggang sa pumalahaw ito ng iyak. Si Marikit na hinang hina noon ay nabuhayan ng loob ng marinig ang unang iyak ng kaniyang anak. Tumulo ang mga luha niya at napapikit "Diyos ko, maraming salamat" bulong nito.
Magkahawak ang mga kamay nilang mag ina habang sabay na tumutulo ang mga luha kasabay ng pag iyak ng panibagong miyembro ng kanilang pamilya. Isang sanggol na hindi man inaasahan ay isa pa ring biyaya.
Nanatiling tulala si Ella sa isang tabi. Hindi niya malalaman kung siya ba ay nabigla, namangha o nandiri sa nasakhihan. Madalas niya lang masaksihan ang ganitong eksena sa mga video tuwing science class, ngayon lamang niya nakakita ng aktwal na nanganak sa mismong harapan pa niya. Walang kamalay malay niyang ibinabaling ang kaniyang ulo sa paligid habang
95
inaasikaso nila Lumeng, Feli at Batis ang mga gamit maging si Marikit.
Gumaan ang pakiramdam ni Sigan nang marinig ang iyak ng sanggol at ito ay naging hudyat "Oras na" bulong niya. Hudyat ng muling paghinto ng oras at doon niya nakumpirma ang kaniyang hinuha. Huminto ang mga ingay, ang ng mga sasakyang pang hinpapawid, ang buong pamilya. Maliban sa sanggol.
"Sa wakas, nakita rin kita" saad ni Sigan habang papalapit sa sanggol na nasa mga kamay ngayon ni Lola. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Ang mga kilay ni Ella ay nagsalubong at ang noo'y kumunot. Anong nangyayari? Tanong niya sa sarili. Huminto ang lahat sa harap niya. Si Lumeng na hawak ang kamay ng anak, si Feli na inaayos ang plangganang may tubig at si Lola Batis na inaasikaso ang sanggol. Lumapit siya dito kumaway ngunit walang tumugon. Wala rin siyang marinig na kahit anong tunog na tila ba ang magulong lugar na pinangyayarihan ng digmaan ay biglang naging tahimik na paraiso -liban sa pag iyak ng sanggol. Papalapit na noon si Sigan sa sanggol at nagulat ito ng makita si Ella na na hindi kasama sa paghinto ng iras.
"Anong nangyayari?"Tanong nila sa isa't isa nang magtama ang kanilang mata.
Pumalahaw na naman ng iyak ang sanggol. Mas malakas kaysa kanina. Hinawakan ni Ella ang kaniyang ulo at bumaling baling ito. Hindi makuhang intindihan ng kaniyang utak ang nangyayari. Anong? Paano? Huminto ba ang oras? Ewan? Hindi niya alam. Umupo sa sa sahig at bumulong "Anong nangyayari?" Ang boses niya'y mahina at nanginginig.96
Nakita niyang papalapit sa kaniya ang isang pares ng paang nakasuot ng itim na sapatos na gawa sa balat, si Sigan. Iba na ang suot nitong damit.
Tumayo ito at agad na nakaramdam na may sagot na sa katanungan niya. Hindi pa din bumabalik ang lahat sa ayos, tanging silang tatlo lamang ang gumagalaw.
"Sigan, anong nangyayari?" Tanong niya. Maghahanap siya ng sagot sa taong akala niya'y kakampi niya. Kahit pa kaharap na si Sigan at gumaan na ang nararamdaman ay naguguluhan pa din siya. Kailangan niya ng sagot sa hindi maipaliwanag na bagay na nasasaksihan niya.
"Huminto ang oras" tugon ng binata. Walang buhay ang kaniyang sagot. Tonong halos ayaw nitong sumagot ng kahit anong tanong. Inasahan na niya ang ganitong sagot dahil maliwanag sa pa sikat ng araw kung anong nangyayari ngunit hindi sapat ang sagot na ito upang sagutin ang lahat ng tanong sa utak niya sa mga oras iyon.
Tulala ito sa kaniya dahil sa pagkabigla. Anong nangyari? Bakit si Ella ay hindi tumigil ang oras gayong noong nakaraan lamang ay huminto ito. Ano na? Nagkamali na naman ba siya? Ngayon lalo na siyang nalito. Muli ay sinilip niya ang orasan niya at kinausap "Oras, nagsusumamo ako. Pilitin mong maintindihan ko ang aking saksihan"
"Hoy, bakit kinakausap mo ang orasan?" Tanong ni Ella "At bakit change outfit ka? Saan mo nakuha yan?" Naguguluhan siya sa mga nakikita. Iniangat ni Sigan ang kaniyang tingin dito.
"Manahimik ka" walang gana nitong sagot.
97
"Why? I mean, bakit? Ikaw? Ikaw ba ang ay gawa nito?" Tumango ito ang nilingon ang sanggol na patuloy sa pag iyak. Sinundan ni Ella ang tingin nito at mas lalong dumami ang tanong sa kaniyang isipan.
"Sandali? Paano mo nasabing ako ang may gawa?" Tila nanatuhan si Sigan ng makonsumo na ang tanong nito
"Dahil umpisa pa lang, alam ko ng kakaiba ka" panimula nito "Kung paano ka kumilos, magsalita. Ang pagmamasid mo sa paligid. Kahit pa noong sinabi mong hindi ka taga dito, may ideya naman na ako na hindi ang present ang tinutukoy mo" seyoso niyang sagot
Pirming nakatingin sa kaniya si Sigan na nagulat sa itinugon nito.
"Hindi ko lang pinansin at ipinahalata dahil masyado akong nexcite na may kadamay ako" walang salitang lumalabas sa bibig ni Sigan ngunit ang mga mata nila'y malinaw na may gustong sabihin sa isa't isa.
"Bakit hindi ako kasama sa mga huminto?" Tanong muli ni Ella. Ngayon ay hindi napigilan ang pagtaas ng kaniyang boses. Naiinis siya, nagagalit, naguguluhan. Ano ito? Bakit nangyayari ito? "Bakit yung baby hindi huminto!" Patakbo niyang nilapitan ang bathala at hinawakan niya si Sigan sa magkabilang balikat at niyugyog.
"Dahil hindi kayo nabibilang sa panahong ito" nanlamig ang mga kamay ni Ella nang marinig ang mga salitang iyon dagdag pa ang walang emosyong mga mata nito na nakatingin sa kaniya. Bumitaw siya pag kakakapit sa balikat ng binatang kaharap at nanlalambot na nilingon muli ang bata "Paanong hindi kami kabilang? Ang sabi mo..." napalunok siya ng laway ngnunit halos
98
wala ng malunok dahil nanunuyo na ang kaniyang lalamunan "Hindi naman talaga ako kabilang dito e" natatawang saad niya"No way. It can't be..." hindi makapaniwalang bulong niya. Napatingin siya sa sanggol na pumapalahaw pa din ng iyak
"Sa mga oras na ito ay pareho kayong hindi parte ng panahong ito" saad ni Sigan. Ang mga singkit na mata ni Ella ay nanlaki at tumingin sa walang buhay na mata ng binata
"Hindi parte... anong? Anong dapat kong gawin? Anong dapat mangyari?" Muling tanong ni Ella. Naguumapaw sa tanong ang kaniyang utak. Ang mga mata niya ay hinanap ang mga mata ni Sigan. Tinitigan niya ito na akala mo ba ay mayroon siyang makukuhang sagot dito.
"Ano?"
"Ikaw? Hindi ka din parte, hindi ba?"
"Malamang hindi"
Napaismid siya "Hindi ka tao. Tama ba?" Hindi ito sumagot at umiwas ng tingin "Silence means yes. Anong klaseng nilalang ang kaharap ko ngayon?" Mahinanang saad niya "SINO KA!" biglang sigaw nito. Napa atras ng isang hakbang ang bathala dahil sa gulat.
Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita "Gusto mong malaman kung sino Ako? Sige. Ako si Sigan. Isa akong Bathala na nangangalaga sa oras at misyon ko ang hanapin ang mga nilalang na paulit ulit na sumisira sa takbo nito" seryosong sagot nito.99
Hindi nagkaroon ng kahit anong pagdududa si Ella sa narinig. "Misyon mo na hanapin ako? Kami?" Muli na naman siyang napa ismid
"Isa kayong pagkakamali ng isa pang Bathala. Kailngan kayong maitama"
"Pagkakamali? Ano? Pagkakamali kami?" Pagalit na tugon nito. Hindi na pinakinggan ni Sigan ang iba pang sinabi nito. Pilit niyang inaaral ang sitwasyon. Nauubusan na siya ng oras, wala na
siyang panahon para sagutin pa ang mga tanong nito. Ang alam niya lang ay galit na galit ito.
Hindi tumutugon si Sigan na lalo niyang ikinagagalit. Ang dami niyang tanong ngunit wala na siyang nakukihang sagot. Dagdag pa sa inis niya ang iyak ng sanggol na hindi matigil tigil. Nilingon niya ito at nakita niyang malapit na itong malaglag sa kamay ng matanda. Lumapit siya para alalayan ang sanggol.
"HUWAG!" Nakakabinging sigaw ng Bathala. Umalingawngaw ito sa buong kweba. Napatakip ng tainga ang dalaga.
"ANO BA! NAKAKAGULAT KA!" sigaw niya pabalik
"Huwag mo siyang hahawakan" banta ni Sigan "mamatay ka"
Sandaling patulala si Ella "Bakit? Papatayin mo ako?" Umismid siya
"Hindi. Ang oras ang papatay sa iyo" naiintindihan na ni Sigan ang sitwasyon. Sa wakas ay nalinawan na siya. Ang sanggol at si Ella ay iisa. Ito ang dahilan kung bakit nang hindi pa ito isinisilang ay sumasabay sa oras sa panahong ito si Ella at ang sanggol ay hindi.
100
Ngayong pareho na silang nasa iisang lugar at panahon, hindi na makapili ang oras kung sino sa kanila ang dapat na naroon.
"Isa lang sa inyo ang dapat matira dito" saad ni Sigan.
"Ano ba! Pwede bang ipaliwanag mo na lang sa akin!" Sigaw ni Ella "Litong lito na ako"
"Ikaw ang sanggol na iyan, Ella. Iisa kayo. Ngayon, nahihirapan ang oras kung sino sa inyong dalawa ang dapat matira" paliwanag nito
"Ako siya? Ito ba ang pagkakamaling tinutukoy mo?"
"Oo. Ngayon, hahayaan kong ang oras ang magdesisyon para sa inyong dalawa"
"Paano siya magdedesisyon? Ano? Pagkatapos ba nito makakabalik na ako sa present?"
"Oo" sagot ni Sigan. Natigilan si Ella. Makakabalik na siya sa hinaharap, ngunit si Mayumi ay siya. Ibig sabihin, ina niya sa Marikit. Tinignan niya ito. Saktong magkahawak ng kamay si Lumeng at ang anak. Parang pinupunit ang puso ni Ella.
Buong buhay niya ay iniisip niyang masasamang tao ang kaniyang mga magulang dahil nagawa siya nitong iwan lang sa gubat at hinayaang mag-isa ngunit ngayon na nalaman niyang siya at si Mayumi ay iisa, nagkaroon na ng sagot ang matagal ng tanong sa utak niya.'Bakit ninyo ako iniwan?'
Hindi siya iniwan. Higit sa lahat, minahal siya bago pa man isilang. Tumulo ang mga luha niya at napaupo siya sa sahig.101
"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Sigan. Tinignan niya ito nang magkahalong lungkot at saya.
"Buong buhay ko, akala ko hindi ako mahal ng magulang ko. Akala ko pinabayaan lang ako sa gubat at iniwang mag-isa. Buong buhay ko akala ko wala silang kwenta pero tignan mo. Kaharap ko sila ngayon. Nakasama ko sila ng dalawang araw. Nalaman kong minahal nila ako bago pa ako isilang... Sigan, sobrang saya ko" umiiyak niyang sabi.
"Masaya? Bakit ka umiiyak?" Hindi talaga niya maintindihan ang mga tao? Umiiyak ng masaya. Tumatawa kung malungkot.
"Tears of joy!" Natatawang tugon naman nito. Tumayo siya at Nilapitan isa-isa ang mga ito. Niyakapa niya ang bawat miyembro ng pamilya at sa bawat yakap palakas ng palakas ang iyak niya lalo na ng yakapin niya si Marikit. "Mama, Inay, Ma, king ano man ang pwede kong itawag sa inyo, mahal na mahal kita" saad nitosa yumakap pang muli.
Pahina na ng pahina ang iyak ng bata at parang nahihirapan na din itong huminga.
"Sigan, gusto ko pa silang makasama" saad ni Ella. Dumako ang tingin niya sa tinitignan nito, ang sanggol na si Mayumi. Hindi ito makahinga. "Sigan, anong nangyayari?"
"Mukhang nakapili naang oras" sagot nito. Parabg malalagutan na ng hinibga ang sanggol. Akmang hahawakan ito ni Ella kaya pinigilan ni Sigan.
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?nakapili na ang oras!"
"Oo nga, pero may karapatan din akong mamili" malungkot niyang saad
102
"Ano?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Sigan "Mas pipiliin mo siya? Kaysa sa iyo?"
"Mas kailangan niya..." sagot nito saka hinawakan ang sanggol. Naging hudyat iyon ng pagbalik sa dating takbo ng oras kahit pa hindi pa ibinabalik ni Sigan. Segundo lamang ang lumipas at nadaan ang isang sasakyang panghimpapawid. Mayroon ding nagpaputok ng baril. Pilit pinahihinto ni Sigan ang oras para pigilin ang pagtama ng bala ng baril kay Ella dahil panigurado siya ang punterya nito ngunit sa kaunaunahang pagkakataon ay hindi niya mapahinto ang oras.
"Nakapagdesisyon na nga talaga ang oras" bulong niya.
Tumama sa mismong likod ni Ella ang bala at dumanak ang dugo sa paligid. Sa oras din na iyon, nilagutan ng hininga ang dalagang mula sa hinaharap ay kailangan mong mahanap ang taong maaring ikaw sa paahong ito at siya ang magiging susi sa pagbalik mo sa kasalukuyan kung saan ka nabibilang"
BINABASA MO ANG
Balik 1942 //Completed//《Lee Dong Wook And Yoo In Na Fanfiction》
Fanfiction///Kasalukuyan ko pong ineedit/// Si Abby ay 18 taong gulang na nabubuhay sa kasalukuyan na paulit ulit na bumabalik sa taong 1942, sa panahon ng World War II sa Bataan. Sa muli niyang pagbalik sa nakaraan ay makikilala niya si Sigan, isang binata...