Chapter 9: Ang Mapaglarong Tadhana
Written By: Cristina_deLeon
"BILISAN mo, Beatrice, baka hindi na tayo umabot sa birthday party ni Nathan. Nakakahiya sa kanila!" sabi ni Lucas. Kasalukuyan silang nasa kotse ngayon papunta sa hotel kung saan ginaganap ang birthday ni Nathaniel Recaforte. Ang pamangkin ni Angelo.
"Ako pa ngayon ang minamadali mo, kuya? Samantalang noong nakaraang araw ko pa pinapaalala sa 'yo na ngayon ang birthday niya," reklamo ng nagdadrive na si Beatrice.
"Huwag ka nang magreklamo, Beatrice. Nawala lang talaga sa isip ko, e."
"At bakit naman? Dahil na naman ba ro'n sa girl na crush mong nagtatrabaho sa Jollibee? God, kuya! Why you're so obsess with that girl?"
"Iyon na nga, 'e, magtatapat na sana ako ngayon sa kanya kaya buong araw ko siyang hinintay kanina sa Jollibee. Sinakto ko talaga na rest day ni Karen para hindi niya makita ang pagtatapat na gagawin ko. Ang aga-aga ko pa roon para abangan ang shift ni Zoey pagkatapos nakaleave din pala siya," sabi pa ni Lucas.
"See? Nagmukha kang tanga sa wala, kuya. Bakit ba pagdating sa babaeng iyon ay palagi ka na lang minamalas? Baka naman kasi hindi talaga siya para sa 'yo?" pang-aasar pa ni Beatrice.
"Shut up!" sabi na lang niya na tinawanan lang nito.
Hanggang sa marating na nila ang hotel. Gaya ng inaasahan, pagdating doon ay tapos na nga ang birthday party pero mabuti na lamang at naabutan pa niya sa labas ng hotel ang buong pamilya Recaforte at ilang mga bisita. Nilapitan agad niya si Nathan at niyakap ito.
"Happy birthday, Nathan! Pasensya ka na, late ako!" nakatawang sabi niya sabay abot ng regalo niya rito.
Ang tagal din niyang hindi nakita si Nathan. Simula nang bumalik siya sa Pilipinas ay ngayon lang niya ito nakita ulit.
"Ayos lang. Ang mahalaga ay nakahabol ka. Salamat, Lucas," tipid na ngiti na sabi ni Nathan. Stoic ang mga mata pero kahit gano'n, mukhang natuwa rin naman ito na makita siya.
"Ikaw, Lucas, ha? Hindi ka man lang dumadalaw sa Villa Recaforte! Napanood namin ang commercial mo kaya alam namin na matagal ka nang narito sa Pilipinas pero hindi mo man lang madalaw ang tito mo!" reklamo ni Don Vertugo.
"Pasensya na po, busy lang talaga," nakangiting sabi niya.
"Sus. Busy daw. Baka naman katulad ka lang ni Angelo na busy sa babae!" panunudyo ni Donya Catarina.
"Nadale mo, tita! Talagang may kinalolokohang babae ngayon si Kuya Lucas! Kung alam n'yo lang, paulit-ulit niyang binabalikan sa Jollibee at iniistalk doon ang babaeng iyon buong maghapon! Torpe po 'yang si Lucas kung alam n'yo lang! Hindi man lang malapitan ang crush niya!" pang-aasar pa rin ni Beatrice sabay tawa.
"Jollibee? Mukhang parehas kayo ni Angelo, ha? Isang pipitsuging babae lang ang nagustuhan," komento ni Cindy na nakangisi pa.
"Cindy, stop it! Huwag mo ngang insultuhin ang girlfriend ni Angelo!" pagsaway ni Don Vertugo na hindi nagustuhan ang biro ng ampon.
Nanahimik na lang si Cindy. Hinanap naman ng mata niya si Angelo.
"Nasaan nga po pala si Angelo?" nagtatakang tanong niya dahil wala roon ang pinsan.
"Sinamahan lang saglit ang girlfriend niya si CR. Wait, nandiyan na pala sila. Angelo! Narito si Lucas!" sabi ni Don Vertugo.
Humarap siya kung saan ang kinaroroonan ni Angelo. Naglalakad na ito ngayon pababa sa kinaroroonan nila sa labas ng hotel kasama ang isang babae na talagang nagpatigagal sa kanya! Dahil ang babaeng iyon ay walang iba kundi si Zoey. Ang babaeng pinakamamahal niya na buong maghapon niyang hinintay kanina sa Jollibee!
![](https://img.wattpad.com/cover/155252954-288-k722337.jpg)
BINABASA MO ANG
1. Ang Lihim Ng Kahapon (SELF PUBLISHED)
RomanceIsang normal na babae na pinalaki ng dalawang unano. Mabibigyan kaya niya ng magandang buhay ang kinalakhang magulang kung makakalaban niya pa sa kayamanan ang dalawang lalaking mag-aagawan sa kanyang puso?