Chapter 1

5 2 0
                                    

Ivan's POV

     "ANONG GINAGAWA MO RITO, DANIEL?! GET OUT OF MY ROOM!!!", sigaw ko kay Daniel nang makita ko siya sa room ko at sobrang gulo ng kama ko.

     "Ah? Room mo ba 'to? Sorry, naligaw.", mahinahon niyang sabi pero bago siya lumabas sa room ay hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang braso para hindi muna siya makalabas. May kailangan pa siyang gawin.

     "Fix. My. Bed.",malamig kong sabi rito with my cold and deadly stare. Pagdating sa aking kwarto, gusto ko malinis at maganda itong tingnan kaya umakyat lahat ng dugo ko sa ulo nang makita ko kung gaano kagulo ang kwarto ko.

     "Eto na boss. Aayusin na.", sabi ni Daniel at nagmartsa ng padabog papunta sa aking kama para ayusin ito.

     Ha! Wala siyang takas sa akin. Iwanan niya lang yan ng magulo at bugbog ang abot niya sa akin.

     Kung nagtatanong pala kayo kung kaano-ano ko siya, hulaan niyo...

     Pinsan...

        Hindi.

     Kapatid...
     
       Hindi rin.

     Stepbrother...

       Hindi mangyayari.

     Tatay.

       Mas lalong hindi.

     Hindi talaga kami blood-related. Kaibigan ko siya at kaming magbabarkada ay nakatira sa iisang bahay. Last year kasi, on my 20th birthday, itong bahay na ito ang niregalo sakin ng parents ko. Para raw maging independent na ako. Dahil napakalaki ng bahay na ito para sa akin lang, sinuggest ko kina Mommy at Daddy na patirahin sila dito sa bahay para naman may kasama ako at hindi boring dito. Only child lang kasi ako. Pumayag naman ang parents ko at pumayag rin ang parents nila kaya nasa iisang bahay kami ngayong lima.

     "Guys, baba na kayo. Nakaluto na ako ng dinner.",sigaw ni Yuan. Wala kaming kasambahay rito since marami naman daw kami sabi ni Mommy. Kaya ngayon, si Yuan ang aming tagaluto. Bukod sa siya lang ang marunong magluto sa aming lima, masarap pa ang kanyang luto.

     Bababa na sana ako nang sumunod sa akin si Daniel. Hinarangan ko ang pintuan at tumingin sa kanya nang matalim.

     "Ayusin mo na rin yung kwarto ko at walisan mo na rin.", utos ko kay Daniel. Siyempre, inayos niya na yung kama ko, bakit hindi niya pa lubus-lubusin. Para hindi na rin ako maglilinis ng kwarto ko. Haha.

     "What?", sabi niya in a flat tone. Nawalan ng emosyon ang kanyang mukha at kumunot ang kanyang noo kasabay ng pagtingin saking ng masama.

     Tsk. Hindi ako natatakot. Sanay na ako sa lalaking 'to.

     "Aangal ka?", tanong ko at inihanda ang aking kamao. Umirap naman siya at inayos ang aking kwarto. Tingnan mo' to kung makairap akala mo babae.

     Bumaba naman ako at nakita kong hinahanda na nina Yuan at JM ang lamesa. Ito talagang batang 'to. Ang bilis gumalaw pag nakarinig ng salitang may kinalaman sa pagkain. Kumislap naman ang aking mga mata nanag makita ang luto ni Yuan - beef steak, kaya naman tumulong naman ako sa kanila. Mayamaya, dumating na rin si Steven at umupo na kami.

     "Nasaan po si Kuya Daniel?", tanong ni Steven, ang nakababatang kapatid ni Daniel. Nakilala ko lang siya nung dinala siya rito ni Daniel last year. Mabilis naman kaming naging close kahit may tatlong taon kaming agwat sa isa't isa. Pinatira ko na rin siya rito para masaya.

  "Ah, mamaya na lang daw siya kakain. May ginagawa pa siya.", I half-lied. Totoo naman na may ginagawa pa siya pero wala siyang sinabing mamaya na lang siya kakain. Nevermind. Kakain na lang ako dahil ang sarap ng ulam.

     Tapos na kaming kumain nang dumating si Daniel. Yan tuloy wala nang ulam. Hahaha. Ininit na lang ni Yuan ang ulam namin kahapon na adobong kangkong.

Hannah's POV

     "HAAANNNNAAAHHHH!!!", sigaw ni Tiffany. Kahit kailan talaga napakalakas ng boses ng babaeng ito. Hindi pa ako nirespeto, eh mas matanda ako sa kanya.

     "Tiffany, can you please lower your voice? Can't you see I'm reading?", sagot ko sa kanya pero siyempre hindi kasing lakas ng boses niya. Ayokong gumaya sa kanya.

     "Tsk. If I know, nagfa-facebook ka lang. Meron bang nagbabasa na ang gamit ay cellphone?", sagot naman ni Tiffany na ikinainit ng ulo ko. Hindi naman talaga ako nagsisinungaling, nagbabasa ako.

     "Hindi ka ba nausuhan ng e-books?!", bulyaw ko sa kanya at ipinakita ang aking phone. O ano ka ngayon? Napakajudgemental kasi. Hindi niya ba alam na marami na ang nagagawa ng technology nowadays? Hay naku.

     "Okay ate, chill. Pumunta lang naman ako dito para magtanong kung meron ba akong naligaw na damit dito. Para kasing ang konti na lang ng mga damit ko nung nagpalaba tayo dun sa laundry shop.", sagot niya. Infairness, tinawag niya akong ate.

     "Konti? Eh parang umaapaw na nga sa damit yung aparador mo. Nasasara mo pa ba yun?", kumunot ang kanyang noo sa sinabi ko. Eh, totoo naman. Ang hilig niyang bumili ng bagong damit tapos minsan hindi niya naman sinusuot. Minsan nakadisplay lang. Minsan naman nakatago lang. Sabi niya masusuot niya raw yun pagdating ng panahon. Kailan naman yun? Kung anu-ano talagang pumapasok sa isip nito, eh.

     "Pero sige, dahil sabi mo mag-chill ako, go. Tingnan mo na lang ang closet ko.", sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

     "Nang maayos.", dugtong ko pa na may diin. Tumingin naman akong sa kanya at nakita ko siyang tumango. Pinagpatuloy ko naman ang aking binabasa.

     "Ok po.", sabi niya ng may paggalang at humakbang na papunta sa closet ko. Sana lang talaga alam niya definition ng 'maayos.'

     Nasa iisang bahay kaming magkakaibigan. Ang mga magulang kasi namin ay magkakaibigan rin since highschool pa raw kaya naging close din kami. Itong bahay na 'to ay binili ng mga magulang namin para sa aming apat. Para raw matuto kaming tumayo sa sarili naming mga paa. Para rin daw lagi kaming magkakasama. Lastly, para raw malapit lang kami sa school.

     "Ok na ate, wala naman. Thank you. Baka nasa closet ni Vanessa yung hinahanap ko.", sabi ni Tiffany at nagmartsa na palabas.

     "By the way, Tiffany, ano pala ang dinner?", tanong ko kay Tiffany bago pa man siya makalabas. Magaalas-otso na kasi tapos hindi pa rin kami naghahapunan.

     "Ewan.", maikli niyang sagot na ikinunot ng aking noo. Anong ewan? Hindi pa ba kami kakain? Hindi pa ba sila nagugutom?

     "Anong ewan? Bakit ewan? Hindi pa ba kayo nagugutom?", sunod-sunod kong tanong kay Tiffany. Ewan ko, para bang nay sariling will yung bibig ko at minsan hindi ko na lang napipigilan.

     "Ewan ko ate, Kanina kasi, nakita ko si Vanessa nakaearphones. Tapos si Rachel naman kasama ang kanyang laptop. Mga walang balak yata kumain yung mga yun.", sagot ni Tiffany. What? Wala talaga silang balak kumain?

     "Pano ba yan, nagugutom na ako?", bulong ko sa sarili na narinig ni Tiffany. Lumapit naman siya sakin at bumulong.

     "Ate, gusto mo pa-deliver na lang tayo. Dito na lang tayo kumain sa loob.", bulong niya na ikinagusto ko. Tumawag naman ako sa pinakamalapit na restaurant para mabilis.

     Pagkatapos ng mga sampung taon, este sampung minuto, dumating na rin ang inorder namin. Pinakuha ko naman agag iyon kay Tiffany. Mahirap na baka malaman pa nung dalawa.

     Pagdating niya sa kwarto ko ay nilamon na namin ang aming pinamili. Actually, sa tatlo kong pinakamalalapit na kaibigan, kay Tiffany ako pinakaclose. Siya ang pinakabata sa aming apat pero ako lang ang tinatawg niyang ate. She's not just a bestfriend to me. I also treat her as my younger sister. I treasure my friends kaya anuman ang mangyari, hindi ko pababayaan ang aking mga kaibigan dahil sila na ang mga tinuring kong pangalawang pamilya.

    

StuckWhere stories live. Discover now