Ivan's POV
Nagkakagulo ang lahat. May mga nagpapaputok ng baril, may mga nagpapasabig ng bomba. Sila ay nagpapatayan. Sila ay nagdidigmaan.
Napukaw ng isang magandang babae ang aking atensyon. Blond ang buhok nito na hanggang balikat lang ang haba. Maputi ang balat nito at may suot siyang itim na T-shirt sa loob ng kanyang asuk na tsaleko. Meron rin siyang kumikinang na gintong kwintas na nakasabit sa kanyang leeg at nakasuot siya ng maong ng pantalon. Napagtanto ko na lang na kinakausap ako nito nang lumapit ito sa akin.
"Please. Please protect for our world from devastation.", sabi nito sa akin.
"Please help our world, our nation.", nagulat ako ng lumuhod ito sa harapan ko at nagsimulang umiyak. Maraming tanong ang tumatakbo ngayon sa isip ko, kagaya ng nasaan ako? Ano ba ang nangyayari? Bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko? Naguguluhan ako at kahit isang salita, hindi ko magawang bigkasin.
"Ako si Android GPZ. Tulungan niyo ako at aming mundo.", sabi niya. Gusto ko talagang magsalita pero parang ayaw bumuka ng bibig ko.
"Hihintayin ko ang iyong sagot.",sabi niya.
"Bakit ako? Bakit ako ang hiningan mo ng tulong?", bigla ko na lang nasabi ang mga tanong na iyon sa aking isipan.
"Dahil kayo ang mga napili.",sagot niya.
"Kayo?", tanong ko. Tunango naman siya at nawala ang lahat.
***
"Kuya Ivan, gising na!", nagising ako sa sigaw ni Steven. Inikot ko ang aking paningin sa buong kwarto. Parang hindi pa ako nakakaget-over sa panaginip ko kagabi.
"Kuya, kakain na tayo. Kanina ka pa namin tinatawag. Ikaw na lang ang hinihintay.", sabi niya at tumango naman ako.
"Paano ka nakapasok? Eh diba nakalock yung kwarto.", tanong ko bago ako bumangon.
"Eh kuya, nasa labas yung susi, eh. Nakasuksok pa sa doorknob. Sino ba namang matino ang gagawin yun?", What? Ah, naaalala ko na. Ni-lock ni Daniel yung kwarto. Tapos antok na antok na ako nun kaya nakalimutan ko nang alisin yung susi sa doorknob. Minsan talaga ulianin na ako.
"Ah, ganun ba? Halika na nga.",sabi ko at pumunta na sa baba para kumain.
Habang kumakain, napansin ko na may parang kakaiba. Parang lahat sila may iniisip; at bilang isang concerned citizen, kailangan ko malaman kung ano'ng meron.
"Guys, may problema ba? Parang ang lalalim ng mga iniisip niyo, ah.", tanong ko. Nung una hindi pa nila ako sinagot pero...
"Nagkaroon kasi ako ng kakaibang panaginip.", sabay-sabay nilang sabi. Wow, infairness, in chorus. But wait. Naaalala ko nagkapanaginip din pala ako; at hindi lang siya basta panaginip... It's a vivid dream. Yung parang nandun talaga ako mismo sa panaginip... Ah basta...
"Ano namang panaginip 'yun? Bakit sabay-sabay kayo?", tanong ko sabay subo ng pagkain.
"Kakaiba siya.", sabay-sabay ulit nilang sabi. Unti-unti na akong naiirita dahil dito.
"Panong kakaiba? I-explain niyo.", sabi ko.
"One by one.", dugtong ko bago pa sila magsalita.
"Nagkakagulo ang lahat. Nasa gitna ako ng digmaan.", kwento ni Yuan habang nakatingin sa hangin.
"Oo nga. Parang ganun din yung sa'kin. Tapos may android ba yun? Humihingi siya sa'kin ng tulong.", sabi naman ni Daniel.
YOU ARE READING
Stuck
General FictionWhat will you do if you're stuck at an another world? Can you still make your way out? STUCK...