Rachel's POV
Nandito na kami sa Xervelgard. Hindi ko inasahan na parang wala naman pala itong pinagkaiba sa Earth. Ang pinagkaiba lang, androids ang mga nandito...
Pinindot ni Android GPZ ang button at may lumabas na hagdan. Bumaba naman na kami ngunit nagulat ako nang paligiran kami ng mga androids. May mga sandata sila kaya napaatras kami.
Nagulat na lang ako nang umatake ang isa sa kanila. Mabuti ay mabilis ang aking reflexes kaya nakaiwas ako. Hmmm... Time for some fighting scenes again.
Sinipa ko siya palayo at inagawan ko ng baril ang isa sa kanila. Huh, pinipilit nila akong lumaban. Lalaban ako. Gamit ang baril na inagaw ko, sunod-sunod ko silang binaril.
Ubos na ang bala ng aking baril kaso may iba pang mga nakailag. Binilang ko sila, at anim pa silang natitira. Madali na lang 'to. Lumapit sa akin ang isa ngunit hinawakan ko ang kamay nito at pinilipit ito. May isa pang lumapit sa akin ngunit sinipa ko ito palayo. May isa na namang lumapit sakin at tinapon ko sa kanya ang hawak kong android.
"Catch this!", sigaw ni Android GPZ at may tinapon siya sa aking isang bag. Binuksan ko ito at nakakita ako ng mga kutsilyo. Throwing knives... these are useful.
May tatlong android na lumapit sa akin at isnaksak ko sa kanila ang mga kutsilyo. Natumba naman agad sila. Itatapon ko na sana ang mga kutsilyo sa mga natitirang mga android nang nagkaroon ng pagsabog sa harapan ko. Tumingin ako sa likod para malaman kung sino ang gumawa nun at nakitang si Android GPZ pala yun.
"Ang galing mo Rachel.", sabay-sabay na sabi ng mga girls at niyakap nila ako.
"Bakit ngayon mo lang naisipang pasabugin yung mga yun? Bakit hindi pa kanina? Pinahirapan mo lang ako.", tanong ko kay Android GPZ sabay irap. Nakakainis kasi. Nadumihan pa tuloy ako.
"Halika na guys.", sabi ni Android GPZ. Wow, hindi niya talaga sinagot yung tanong ko. Wala naman akong magawa, kaya sinundan na lang namin siya. May pinindot naman si Android GPZ sa kanyang sasakyan at lumiit ito. Nilagay niya ang sasakyan sa kanyang bulsa at nagumpisa na kaming maglakad. Kahit nakakainis itong nilalang na ito, nakakamangha ang sasakyan niya. Gusto ko rin ng ganun.
Naglakad kami nang naglakad hanggang makarating kami sa isang lumang bahay. Noong una ay nagtaka kami kung bakit dito kami pumunta pero noong pumasok kami roon ay nagulat kami na may tinatago pala siyang secret base sa loob ng lumang bahay na ito.
"Welcome to my secret base.", sabi ni Android GPZ na ikinamangha namin.
Hannah's POV
Wow! Ang ganda naman ng secret base ni Android GPZ. Akala ko isa lang itong bahay na hindi na ginagamit pero wow. Ang daming mga sandata na nakapaligid at saka meron din ditong malaking monitor para makita mo ang labas. Hindi rin daw ito matatrack ng kalaban dahil may mga nagiinterupt daw ng signals sa labas.
"Bago natin umpisahan ang ating mga gagawin, bakit hindi kaya muna kayo magpakilala sa isa't isa.", sabi ni Android GPZ at sinabi na ng mga boys ang kanilang mga pangalan.
"Ivan Lee."
"Daniel Quirino."
"Steven Quirino."
"Yuan Guevarra."
"John Mark Valenzuela. You can call me JM."
Sinabi nila ang kanilang mga pangalan. So, Ivan pala yung pangalan ng lalaking nakatabi ko kanina sa sasakyan. Si Daniel naman yung lalaking tinarayan ni Rachel sa sasakyan. Yung tatlong natira kailangan ko pang tandaan ang mga mukha. Sinabi naman namin ang aming pangalan.
"Hannah Reyes."
"Rachel Valdez."
"Vanessa Alvarado."
"Tiffany Rivera."
Sinabi na namin ang aming mga pangalan at nagkamayan kami.
"Guys, kulang pa kayo sa lakas. Sa nakikita ko, si Ms. Valdez pa lang ang may kaalaman at karanasan sa pakikipaglaban.", sabi ni Android GPZ kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Well, totoo naman yung sinabi niya, eh.
"Ngayon, para makatulong sa inyo, tutulungan ko kayong iactivate ang inyong nga super abilities.", sabi ni Android GPZ na ikinagulat naming lahat. Sini ba naman ang hindi magugulat, eh iaactivate daw namin ang aming mga super abilities. Meron ba kami nun?
"So magkakaroon po kami ng super abilities? Wow! Ang galing. Dati napapanood ko lang 'to sa movies. Ngayon magkakaroon na ako.", manghang manghang sabi ng isang lalaki na kung umasal parang bata. Sa pagkakaalala ko, siya si... JM. Oo, tama. Siya nga si JM.
"Yes. You will have your different super abilities that will help you in your task. I will also teach you how to wield weapons.", sabi niya na ikinagulat naming lahat.
"Weapons?", sabay-sabay naming sigaw. Hindi pa ako nakakahawak ng weapon sa buong buhay ko. Well, nakahawak na ako ng mga laruang baril, pero yung totoong weapons? Hindi pa. Grabe naman pala ang mararanasan namin dito.
"Hindi po ba sapat na meron na kaming super abilities.", tanong ko out of curiosity.
"Mas maganda siyempre kung meron kayong weapons.", sagot ni Android GPZ at tumango naman kaming lahat.
"Ngayon pumikit kayong lahat.", sabi ni Android GPZ at sinunod namin ang kanyang sinabi. Tapos, may sinabi siyang mga iba't ibang salita na hindi namin alam ang ibig sabihin. Mayamaya...
Ivan's POV
Nakita ko ang sarili ko... wait, nakikita ko ba ang sarili ko? Nakakita ako ng salamin at nagulat ako nang hindi ko makita ang aking repleksyon.
Ito ba ang aking super ability? Ang pagiging invisible?
***
Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko silang lahat na nakapikit pa rin hanggang ngayon. Mayamaya ay sabay-sabay silang nilang iminulat ang kani-kanilang mga mata at tiningnan ang kanilang mga sarili. Tiningnan nila ang isa't isa at sabay-sabay na tumingin sa akin. Bigla naman nag-snap si Android GPZ kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Have you already known your super abilities?", tanong ni Android GPZ. Tumango naman kaming lahat.
"Are you ready to fight?", tanong ulit ni Android GPZ sa amin. Hindi muna kami sumagot nung una pero mayamaya ay tumango si Rachel sila at sumabay na rin ang iba kaya sumabay na rin ako.
This is it. Ito na ang umpisa ng bagong kabanata ng buhay ko.
YOU ARE READING
Stuck
General FictionWhat will you do if you're stuck at an another world? Can you still make your way out? STUCK...