Ivan's POV
"I've given you enough time. Now, answer my question, are you willing to help us?", tanong sa akin ni Android GPZ - ang nakausap ko sa huli kong panaginip.
Sabi ko nga ba mangyayari ito. Inaasahan ko na ito. Tama ang aking hinala. Hihintayin niya ang aking sagot at ngayon na ang oras na kailangan kong sagutin ang kanyang tanong.
"Oo.", matipid kong sagot kasabay ng aking pagtango. Katulad nga ng sabi nina Daniel at Steven, wala namang masama sa pagtulong.
"Good. Maraming salamat. Buti naman pumayag kayong siyam.", sabi niya nakapagpaguli ng aking isipan. Siyam? Sino namang siyam yun?
"Siyam? Bakit siyam? Sinong siyam?", hindi ko namamalayang sabi. Bakit nga ba kasi siyam, eh lima lang naman kaming magbabarkada na nagkaroon ng pare-parehong panaginip. Ibig sabihin may apat pa... Sino naman yung apat na yun?
"Siyam, siyam kayong pinaghingan ko ng tulong at masaya ako dahil pumayag kayong lahat na tumulong sa amin. Now prepare, I shall meet you tomorrow.", sabi niya at katulad ng dati, nawala ang lahat.
***
Bigla akong nagising sa pagkakatulog. Sa pagkakaalala ko, may panaginip ako...
Oo, may panaginip ako, hindi ko ito nakakalimutan. Ang sabi ko sa kanya ay handa akong tumulong, pero may sinabi siya na pumayag daw kaming siyam. Nakakapagtaka, sino kaya yung apat na natitira. Naaalala ko, may isa pa pala siyang sinabi, maghanda raw ako dahik magkikita raw kami. Nakakastress, bababa nga muna ako.
Pagbaba ko, dumiretso ako sa sala at nakita ko ang apat kong kaibigan na nag-uusap. Nilapitan ko naman sila.
"Bakit hindi ako diyan kasama?", malamig kong sabi sa kanila.
"Ang tagal mo, eh. Ikaw na nga lang ang hinihintay, Ivan.", sabi ni Daniel.
"Ano palang pinag-uusapan niyo? Ang aga pa, ah. Alas singko pa lang.", sabi ko at umupo naman sa malaking couch kung saan nakaupo sina Daniel at Steven.
"Yun na nga, Ivan. Katulad kahapon, iisa ulit ang ating mga panaginip.", pag-eexplain ni Yuan.
"Oo. Tama, nagkapanaginip din ako. At kung hindi ako nagkakamali, tinanong niya na kayo katulad ko. Siyempre, ang sagot ko ay oo.", pagsang-ayon ko kay Yuan.
"Edi pare-parehas lang pala tayo. Kaso nga lang medyo naguluhan ako doon sa sinabi niyang buti naman pumayag kayong siyam. Eh diba, lima lang tayo.", gulong-gulo na sabi ni Daniel. Maski rin naman aki naguguluhan, eh. Ang sabi kasi ni Android GPZ, siyam daw kaming hiningan niya ng tulong. Hindi kaya magkaroon pa kami ng iba pang mga kasama. Kung tama ang aking hinala, sana naman mababait yung mga yun.
"By the way, may sinabi rin siya na kikitain niya tayo. May sinabi rin siyang maghanda raw tayo. In what way?", tanong ni JM.
"Physical and emotional.", ewan ko kung sarcastic ba yung pagsagot ni Steven, pero mukha naman siyang tama, eh. Wait lang, parang nakaramdam ako ng kaunting gutom, ah.
"Yuan, nakuto ka na ba ng breakfast?", tanong ko sabay hawak sa aking tiyan.
"Of course, Mr. Ivan Lee, breakfast is ready. Ang aga ko kayang gumising.", sabi ni Yuan sabay bow sa harapan ko. Samantalang halos lahat kami, especially JM, ay kumuripas ng takbo papunta sa lamesa at kumain na.
YOU ARE READING
Stuck
General FictionWhat will you do if you're stuck at an another world? Can you still make your way out? STUCK...