Day 12 Avoidance

546 21 5
                                    

WELCOME IN

               ≒ My Twins World

the world of my twins that I rarely know

The Twelve Day~

She is Faunna and one day she became Ford...............................

______________________________________

______________________________________

~Faunna~

Another day again. The result of the one day exam for ranking has been posted kaya nagkakaguluhan na naman ang lahat ng studyante sa announcement board para malaman kung anong place ang nakuha nila.

Hinintay kong medyo kumunti ang mga studyante dun saka ako pumunta sa board.

I look at the result.

7. Ford Avidska Launder Claudde.

Rank 7 si Ford sa buong fourth year. Sa total of 90 students. I felt happy sa resulta. I somehow give Ford a place in the ranking.

I look who top the ranking.

1.Dhailsen Suragi.

Napanganga ako. Umayos na yata talaga ang utak niya. Genius nga talaga siya.

Good for you Dhail. Congrats!!!

Hinanap ko ang mga pangalan ng mga kaibigan ni Ford. Si Sai ang inuna ko.

2. Isaiah Tora

Matalino naman talaga si Sai.

3. Denry Keile Leceister

Matalino rin pala si Derk.

15.Winter Azalia

19. Rin Estefan Dursely

32. Nileny Zero Azalia

I am very happy for them. Lalo na si Nile na nung nakaraan ay Rank 68. Nakakopya talaga siya.

Last time naman ay nasa rank 14 si Ford. Rank 21 si Winter, 27 si Red, 32 si Dhail. Top 1 si Sai at Top 2 si Derk.

Pumasok na ako sa classroom. Nagulat ako ng may yumakap na naman sakin. Nang tiningnan ko kung sino yun. As usual. It was Winter.

“ Nakapasok ka na sa top Ford. Congrats ”sabi niya sakin.

Tinanggal ko ang mga kamay niya na nakayakap sakin.

“Salamat.” sabi ko at pumunta ako sa upuan ko. Napansin ko si Dhail na nagbabasa.

“Congrats Dhail. You top the rank” sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sakin na hindi maipinta ang mukha.

“Anong problema mo?” nagtatakang tanong ko.

“Kinakabahan yan. Siya kasi ang top kaya bubugbugin siya ni Derk”sabi ni Red.

Tumawa ako. Si Derk pala ang dahilan.

“Relax ka lang Dhail. Mabait na si Derk ngayon. Walang magyayaring masama sayo” sabi ko sa kanya.

“Ewan. Natatakot talaga ako.”sabi niya.

Napansin ko si Sai na tahimik na nagsusulat.

“Sai. Ba't ang tahimik mo?”tanong ko sa kanya.

My Twins WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon