[two]

2.5K 137 38
                                    


(ELI'S POV)

Halos hindi na ako nakapagsuklay dahil nagmamadali na akong lumabas ng unit namin ni Rylee. Malelate na kasi ako. Naabutan ko pa si Rylee na naglalakad papunta sa elevator pero nilagpasan ko na siya at di man lang binati. May sasakyan naman kasi si ate mo gurl. Kaming mga iskolar kasi ay may service na bus na siyang maghahatid sa amin sa Maverick.

Kaso napakamalas ko nga ata talaga sa unang araw ng pasukan. Kahit nagpaka-Lydia De Vega na ako, nganga pa rin kasi di ko naabutan yung bus namin. Sushmita Sen!

Napayuko akembang at itinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod ko. Hiningal ako dun mga atii. No choice si lola niyo kundi ang pumara ng taxi. Susme. Kamahal pa naman ng mga taxi jitis!

Halos mapalundag ako nang makarinig ako ng malakas na pagbusina. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang sasakyan sa harap ko. Nang bumaba ang salamin ng bintana nito, tsaka ko lamang nakilala na si Sir Jim, ang personal bodyguard ni Rylee, at si Rylee ang sakay nito.

"Hijo, bakit nandito ka pa?" nakangiting tanong sa akin ni Sir Jim.

"Na-late po kasi ako ng gising. Nakaligtaan ko po kasing mag-alarm. Hehehehe." Nahihiyang tugon ko sabay kamot sa ulo ko.

"E kung ganon, sumabay ka na lang sa amin." Offer niya.

"Po? E-E o-okay lang p-po ba k-kay Ms. Rylee?"

Lumingon si Sir Jim sa backseat. Hindi ko makita si Rylee dahil hindi naman bukas ang bintana sa gawi niya. Nang humarap muli si Sir Jim, nakangiti itong tumango sa akin ng dalawang beses.

Nakahinga ako nang maluwag at dali-daling binuksan ang pinto ng backseat. Ni hindi man lang nakuha ni ate niyo Rylee na lumingon sa akin. Dineadmatologist lang niya ang grand entrance ko. Nakatingin lang siya sa labas at mukhang Bitter Ocampo.

Hindi ko na lamang siya pinansin at hinipan ang kakaunti kong bangs at hinayaan ang sarili kong maging komportable sa loob ng sasakyan.

Mabuti na lang talaga at malapit lang ang Maverick sa Hotel na tinutuluyan ko. Mabilis kaming nakarating dun. At dahil tinuruan ako ng titser ko nung grade 1 ng good manners and right conduct, hinabol ko si ate niyo Rylee para personal na mag-thank you. Pero aba ang lola niyo! Biglang nagsuot ng earphones at nilagpasan ang beauty ko. Ang attitude ni ate niyooo! Mabyonda nga, chaka naman ang ugali. Eww.

---

Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ko ang unang kalahating araw ko jitis sa Maverick. Waley pa naman masyadong ginawa. Puro pakilala lang at mga rasones kung bakit ang course ko ngayon ang kinuha ko. Masyado nang gasgas yung ganun. Sana naman makaisip ng bagong pakulo ang Maverick next year.

Hinipan ko muna ang bangs ko bago umupo. Dahil sa sobrang gutom, rumampa na ako agad dito sa cafeteria ng school. Excited na akembang matikman mga foods nila ditey. Balita ko masarap daw. Aba syempre mga rits kid yung mga nanditey!

Papunta naman talaga ako sa counter para umorder pero ewan ko ba dito sa napaka-fab kong mga mata, bigla-biglang naggala ang mga tingin ko at nakita ko si ate niyo Rylee na nag-iisa sa isang sulok habang nakatingin sa labas ng bintana. Konti na lang talaga, iisipin kong nagshushoot siya ng music video. Emotera ang ganap ng ate niyo.

"Titig na titig kay Rylee a!"

Nabalik ako sa realidad nang may biglang umakbay sa akin at sino pa nga ba? Edi ang cutie patootie kong bagong prennywap na si Sky.

"Oy hindi a!" deny ko. Kasi hindi naman talaga. Duh! Issueee.

"Baka nafofall ka na diyan kay Rylee. Well, marami naman talagang nagkakagusto diyan." Lumapit siya sa akin at bumulong. "Pati mga babae!"

HER TWISTED MINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon