[six]

2.4K 118 71
                                    

(ELI'S POV)

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa University, agad na sumalubong sa akin ang mga abalang jutaw. Paano ba namang hindi? Ngayon ang unang araw ng University Games namin. Lahat ng organization dito ay may booth. Ang mga estudyante namang hindi myembro ng student org ay abala sa paglilibot habang ang iba naman ay abala sa pagpaplano kung paano nila susuportahan ang paborito nilang team.

Mula sa malayo ay natanaw ko pa ang chiquito kong kaibigan na si Sky. Kahit pawisan na ang chaka niyang krefaz at kahit halatang pagoda na siya, go pa rin ang lola niyo. Ang pinakaabala kasi talaga sa araw na 'to ay ang member ng student council since sila ang nagsusupervise sa event.

Napailing na lamang ako ng ilang ulit at nagsimula nang maglakad. Kailangan ko pang hanapin ang Moody Diaz kong ka-roommate. May naisip na akong paraan para gawin niya akong kapartner sa Perfect Art. Kailangan ko siyang mapapayag as soon as possible dahil na-move ang deadline ng submission ng entry para sa Perfect Art. A week after retreat na siya ipapasa. Meaning, meron pa akong tatlong linggo para kulitin si Rylee.

Nang makarating na ako sa building nila, agad ko naman siyang nakita pero napakunot din agad ang noo ko. Paano ba naman kasing hindi? Habang abala ang madlang pipol na mag-ayos ng kani-kanilang mga booth, si ate niyo Rylee naglalampaso ng sahig.

"Punishment sa kanya yan ng dean nila. Nahuli kasi siyang nakikipaghalikan kay Jerome. Yung gwapong second year ng tourism."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang aking ooh lalang crush na si East. Abot tenga ang ngiti niya sa akin. Nakasuot din siya ng magkaternong jersey at ang sapatos niya'y nakasabit sa mga balikat niya.

"Hi!" masayang bati niya sa akin.

"H-H-Hi!"

Shet. Nautal ako! Kinikilig kasi ako. Huhu.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin.

"A-Ah. M-May sasabihin lang kay Rylee. Hehehe. Sige una na ako!" Paalam ko at tinalikuran na siya. Ramdam ko kasing nag-iinit na ang mga pisngi ko.

Pero pinigilan niya ako.

Oo! Pinigilan niya ako. Hinayupak! Hinawakan niya braso ko!

"Sandali." Saad niya.

Dahan-dahan naman akong lumingon. Slow motion, ganern.

Itinaas niya ang isang toblerone at nakangiting iniabot sa akin.

"A-Ano y-yan?" tanong ko.

"Ah. Para sana kay Sky yan kaso ayaw niya raw. Kaya sa'yo na lang. Sige una na ako!" sabi niya at nagtatatakbo na.

Napatingin ako sa hawak kong toblerone at dali-daling sumilay ang isang malawak na ngiti mula sa labi ko.

Yieeee.

Agad ko 'tong itinago sa bagelya ko at humarap na sa direksyon ni Rylee na ngayon ay may kausap ng babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Amber, ang sunod na nakakuha ng mataas na score sa exam para sa scholarship program ni Mr. Colton.

Nakita kong inabutan ni Amber ng tubig si Rylee. Nang tinanggap naman ito ni Rylee, halatang kinilig si Amber. Mahiyain si Amber pero bilib ako dahil marunong siyang duma-moves kay Rylee.

Hinayaan ko munang matapos ang eksena nilang dalawa bago ako nag-enter the dragon. Nakita ko pa ngang hinalikan ni Rylee sa pisngi ang nahihiyang si Amber bago ito umalis. Harot talaga ng babaeng 'to. Tsk. Tsk.

"Rylee!" masayang bati ko sa kanya pero syempre kimiladoo lang yun para akalain niyang interisado talaga akong makita siya.

"What do you want?" masungit niyang asta sa akin.

HER TWISTED MINDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon