(3RD PERSON'S POV)
"Hoy Lucresia Kasilag! Ano bang problema mo sa akin ha?!"
Iyan ang bungad na tanong ni Eli pagpasok na pagpasok niya sa unit nila ni Rylee. Imbes na makakuha ng sagot sa babae, nanatili itong nakatalikod habang nagsasalin ng mainit na tubig sa isang tasa. Mas nauna kasi itong umuwi kesa sa kanya dahil mas naunang natapos ang klase nito.
Inirapan ni Eli ang babae kahit nakatalikod ito sa kanya at hinipan niya ang bangs niya sa inis.
"Kung ililipat lang din naman ako ng kwarto, aba mas mabuting magtuos na kami ng putanggrang mujer na 'to!" sigaw ni Eli sa isip niya.
Hindi na niya kasi matiis ang ginagawa sa kanya ni Rylee. Bigla-bigla siya nitong haharassin tapos ay bigla-bigla siyang ipapahiya tulad ng ginawa nito kanina sa studio.
Padabog siyang lumapit sa babae at hinawakan ang braso nito at marahas niya itong pinihit papaharap sa kanya dahilan para matapon ang sinasalin nitong initubig sa may bandang tyan ng babae.
Hindi ito humiyaw pero bakas sa mukha nito na nasaktan ito dahil napahigpit ang hawak nito sa takure.
"Sushmita sen! Sorry Rylee! Sorry! Sorry!" natatarantang paghingi ng paumanhin ni Eli na hindi malaman ang gagawin.
Sa sobrang taranta, imbes na kumuha ng basahan o malinis na tela na maaaring ilapat sa napasong balat ni Rylee, hinubad niya ang sariling t-shirt at akmang ilalapat sa parte kung saan natapon ang mainit na tubig pero tinapik ni Rylee ang kamay niya.
Lalagpasan na sana siya ng babae at hindi papansinin pero naagaw ang atensyon nito ng mga peklat sa katawan ni Eli. Napakunot ang noo niya at hindi napigilang hawakan ang mga peklat nito.
"A-Ah hahaha. W-Wag m-mo na lang pansinin 'tong mga p-peklat k-ko." Nauutal na wika ni Eli na halatang di komportable sa mga peklat niya at halos ikapiyok pa niya ang pagsita kay Rylee.
Hinawakan niya ang kamay ni Rylee para sana tanggalin ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa peklat niya na tila ba naaamaze pa ito sa nakikita pero tinapik na naman ng babae ang kamay niya.
"So, ito ang resulta nang pang-aabuso sa'yo noong bata ka pa?" tanong ng babae habang isa-isang tinetrace ng mga daliri niya ang mga peklat ni Eli.
Napakunot naman ang noo ng bakla dahil sa sinabi ng babae.
"P-Paano m-mo nalaman?"
"Marami akong alam na di mo alam." Simpleng wika ng babae.
"Kaya ba iniiwasan mo ako? Kaya ba hindi mo ako hinahalikan kasi nandidiri ka sa akin?"
Napahinto si Rylee sa ginagawa niya ganun din si Eli ay nagulat dahil sa naitanong niya.
"Owemjiiiii!~" hiyaw niya sa isip niya.
Pagkalipas ng ilang segundo, nasilayan niya ang ngisi ni Rylee. Tila nasa isa itong thriller movie at ito mismo ang serial killer.
"R-Rylee?"
Nag-angat ito ng tingin at mas lumawak ang ngisi nito nang magkasalubong ang mga mata nila at hindi gusto ni Eli ang way ng pag-ngisi nito.
At hindi nga siya nagkamali.
Dahil ipinulupot ni Rylee ang braso nito sa bewang niya at hinatak siya papalapit.
"What did you just say, dear?" tila nang-aakit na tanong nito habang nakatingala sa labi niya dahil mas matangkad siya ng bahagya dito.
"W-Wala." Pagtatanggi niya. Kung bakit ba naman kasi ganoon ang tanong niya?
BINABASA MO ANG
HER TWISTED MIND
RomanceWould you let your lips be harassed by a girl with a twisted mind? - credits to the owner of the photo that I used as my book cover for this story.