"Listen, school leaders, here in this conference, we aim to pass to you the art of motivating and influencing people so that you all could work together to achieve the goals of your respective organization. We also aim to improve your communication and interpersonal skills..."
Napabuntong hininga ako sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Paano ba naman ako makakapagfocus sa chinichikka ng speaker kung may pranella akong katabi na kanina pa pinipisil ang hita ko?
Well, sino pa nga ba ang reyna ng kapranellahan? Edi si anteh niyo Rylee! Kanina ko pa siya sinisita na itigil na ang ginagawa pero ang gaga, go na go pa rin.
Magkatabi lang naman kami sa upuan at hindi naman talaga nakikita ang ginagawa niya dahil nasa ilalim ng lamesa ang mga hita namin. Pero kahit na! Nakakaemberika pa rin. Porket may panakot sya sa akin, lakas loob akong ginagawang shotololong ng lucrecia na 'to.
Bakit kamo kami magkatabi? Well, kami lang naman ang nakaassign sa registration booth. As if naman naniwala ako na napili lang kami randomly no? Alam kong pakulo lang lahat 'to ni Rylee. Baka malakas ang kapit nito sa nag-organize ng event. Eme.
"Rylee, tigil-tigilan mo nga yang pagkurot-kurot sa hita ko. Baka magkapasa ako!" iritable kong wika sa kanya.
Pero ang gaga, lumingon lang sa akin at mas lalong diniinan ang pagpisil-pisil sa akin.
"Don't wanna." Tipid niyang sagot bago muling ibinalik ang tingin sa speaker.
Napailing na lamang ako at walang nagawang nairolyo na lamang ang mga mata.
Nasa ganoon kaming posisyon nang maya-maya'y may lumapit sa amin na chopopo. Mukha siyang may lahing koreano o instik o hapon o kung ano mang lahi ang singkit ang mga mata. Malawak itong nakangiti habang papunta sa gawi namin at habang bahagyang nakayuko para hindi niya masyadong maagaw ang atensyon ng speaker.
"Hi there, gorgeous!" magiliw niyang bati sa merlat na katabi ko bago humatak ng isang upuan at tumabi kay Rylee.
Agad ko namang pinagkukurot ang likod ng kamay ni Rylee para alisin niya ang kamay niya sa ibabaw ng hita ko dahil baka iba ang isipin ng singkit na lalaki sa amin. Pero dahil nga may pagkalukring itechlavung merlat na 'to, wit niya pinansin ang kurot ko at pinagpatuloy lamang ang pag-touch mobile sa akin habang bored na tiningnan ang lalaki.
"What do you want?" cold lang na tanong niya.
"Are you busy later? Maybe we can have a dinner somwhere? Just like before." All smiles naman na wika nung lalaki.
Ako naman ay napatingin na lamang sa ibang gawi at sinamantala ang pagkakataon na makinig sa speaker. Ayaw kong makinig sa usapan nila. Hindi naman ako chismosa at hindi ako interisado sa mga jowawis nitong si Rylee. Opo, MGA jowawis kasi malay ko ba kung marami pala siyang jowabella, dibey? Kung sinu-sino na lang ang nileleptolelang e. Kaloka!
"Don't wanna." Simpleng saad niya kaya naman nawala ang ngiti nung lalaki.
Habang nakikinig sa speaker, nahagip ng mga mata ko na nakatingin sa gawi namin si Luna. Matalim ang tingin nya roon sa lalaking singkit na parang anytime ay papaslangin niya na ito.
"I can smell jealousy... hmmm..." wika ko sa isip ko habang nangingisi-ngisi.
Isa rin 'tong si Luna. Nahawa na ata sa ka-pranellahan ni Rylee. Bakit kaya hindi niya na lang bakuran 'tong mujer na 'to at nang magtigil sa pakikipag-kissing scene sa ibang mga jutaw?
"Why?" tanong nung lalaki na mahihimigan ang pagkadismaya.
Sumandal si Rylee sa upuan niya kaya naman napatingin ako sa gawi niya bago napatingin naman dun sa lalaki.
BINABASA MO ANG
HER TWISTED MIND
RomanceWould you let your lips be harassed by a girl with a twisted mind? - credits to the owner of the photo that I used as my book cover for this story.