Chapter 5 - I'm Going to School Again?!

254 21 10
                                    


Yuuki's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng mapunta ako dito sa mundong tinatawag na Zukuria at sa tatlong araw na iyon ay napakarami ng nangyaring hindi ko inaasahan

Mula sa pagiging personal knight ko sa prinsesa ng kaharian ng Edelphia hanggang sa pagtira ko sa palasyo, ang plano kong dapat ay lilibutin ko lamang ang buong mundo na ito ay naudlot muna ng kaunti dahil sa trabaho ko ngayon

Well pwede ko naman munang ipagpaliban yon kahit na ilang buwan or isang taon muna, hindi naman ako nagmamadali eh... hehe slight lang

Anyway sa dalawang araw na iyon ay marami rami din ang nakuha kong impormasyon sa kahariang ito, pati na din sa Zukuria katulad na lamang ng currency, language, pati na din tungkol sa mga race

Nga pala ang currency ng mundong ito ay tinatawag nilang Zen, binubuo ito ng mga perang gawa sa iba't ibang uri ng bato na mayroong iba't ibang halaga

Unahin natin sa pinakamaliit, ang copper, ang pinakacommon na Zen na makikita, ang limampung copper ay may katumbas na isang silver, ang silver din ay common na makikita sa pamilihan, ginagamit ito upang makabili ng mga medyo mahal na gamit, ang dalawampung silver naman ay mayroong katumbas na isang gold, ang gold naman ay ang Zen na kadalasang dala dala ng mga nobles sa mundong ito, ang sampung gold ay may katumbas na isang platinum, ang platinum ay maituturing na isa sa mga pinakararest na uri ng Zen dito sa Zukuria, sinasabing tanging ang mga pinakamayayamang nobles lamang ang mayroon nito, ang limang platinum naman ay mayroong katumbas na isang diamond, Ang diamond ang pinakarare na uri ng Zen dito sa Zukuria dahil sinasabing kayang bumili ng isang diamond ng isang buong village, tanging ang royal family lamang ang mayroong hawak na ganitong uri ng Zen

Anyway ngayong naipaliwanag ko na ang currency ay lipat naman tayo sa language, dito ay nagulat talaga ako dahil ang kanilang lenggwahe ay tinatawag nilang Fino at Glish, honestly grabe naman ata yung coincidence na ito

Ipapaliwanag ko na din ng mabuti para walang maguluhan, ang Fino ay Filipino language sa Earth, at ang Glish naman ay English sa Earth, honestly natawa ako dahil sa language nila, sinong magaakalang ang Filipino language at English language ay nageexist din sa ibang mundo

Anyways tungkol naman sa race, isasama ko na din dito ang tungkol sa iba't ibang kontinente dahil magkakonekta ang dalawang iyon

Mayroong walong race dito sa mundong ito, ang Humans, Demi-Humans, Elves, Dwarves, Angels, Demons, Dragonoids, at mga Fairies

Sunod naman ay tungkol sa mga kontinente, katulad sa race ay mayroon ding walong kontinente ang mundong ito at ang mga iyon ay nahahati sa bawat race

Ang mga pangalan ng kontinente ay ang mga sumusunod, Brunhild para sa mga Humans, Humestia para sa Demi-Humans, Elven para sa Elves, Dwarven para sa mga Dwarves, Tenshi para sa mga Angels, Maou para sa Demons, Dragia para sa Dragonoids, at Fae para sa Fairies

Ang pagsasaayos ng mga kontinente ay saka ko na ipaliliwanag tutal hindi pa naman ako maglalakbay, saka ko na gagawin iyon kapag naglalakbay na ako para ikutin ang mundo

Anyway back to reality na tayo kasalukuyan ako ngayong nagbibihis, nakabili na ako ng bagong damit ko noong nakaraang araw kaya hindi na school uniform yung suot ko

Nakasuot ako ngayon ng isang simpleng kulay brown na t-shirt na mayroong mahabang sleeves na tinernuhan ko ng isang kulay puting mahabang coat, bumili din ako ng isang pants na kulay itim at isang simpleng sapatos na kulay itim

Mukha akong isang normal na mamamayan ng Edelphia ngayon, todo reklamo nga ang mga kawal nila dahil sa suot ko lalong lalo na yung kawal na mainit yung ulo sa akin, pero wala din namang nagawa ang mga reklamo dahil isa naman akong personal knight

The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon