Yuuki's POV
Nang makarating kami ng prinsesa ng Edelphia sa harap ng gate ng kaharian nila ay agad na lumapit sa amin yung mga kawal na nagbabantay sa tarangkahan
Dahil doon ay ibinaba ko na mula sa pagkakabuhat ko yung prinsesa at akma na sana akong aalis nang pigilan ako ng isa sa mga kawal
"Ikaw yung lalaking tinakbuhan kami kanina hindi ba?!" sigaw niya sa akin tapos ay tinutukan niya ako ng espada sa dibdib, habang ang mga kasamahan niya naman ay pumalibot sa akin at hinugot na din ang kani-kanilang mga espada
Dahil doon ay napabuntong hininga na lamang ako at kikilos na sana ng maunahan ako ng prinsesa
"Ibaba niyo ang mga sandata niyo!" utos ng prinsesa sa mga kawal nila, dahil doon ay napatingin sa kanya lahat ng mga kawal na nakapalibot sa akin
"Ngunit mahal na prinsesa ang lalaking ito ay kahina hinala ang ikinilos sa amin kanina kaya naman maaring isa siyang espiya mula sa kalaban" sagot ng kawal na nakatutok sa dibdib ko ang espada
Dahil doon ay hindi na nakapagsalita pa ang prinsesa, gustuhin man niyang ipagtanggol ako ay wala na siyang magagawa dahil sa miski siya ay hindi din alam ang tunay kong pagkatao
Kahit na sabihin pa niyang ako ang nagligtas sa kanya mula sa mga lalaking dudukot sana sa kanya ay iisipin lamang ng mga kawal na to na ginawa ko lamang iyon para mapalapit sa prinsesa at makakuha ng mga mahahalagang impormasyon mula sa kaharian
Dahil doon ay tiningnan ko na lamang ang prinsesa at nginitian ko siya, nais pa sana niyang magsalita ngunit umiling ako sa kanya senyales na gusto kong sabihing huwag niya ng ituloy ang binabalak niya
Hinayaan kong dakpin ako ng mga kawal at ipasok sa loob ng kaharian habang siya naman ay inalalayan ng mga natitira pang kawal sa lugar na iyon at inisakay sa isang karwahe
Dinala ako ng mga kawal sa isang karwahe na para sa mga alipin at may kasalanan at ipinasok ako doon, aalis na sana ang karwaheng kinalalagyan ko ng biglang tumigil sa harapan namin ang karwaheng sinasakyan ng prinsesa
Napansin kong bumukas ng kaunti ang bintana ng karwahe ng prinsesa at tinawag ang isa sa mga kawal na dumakip sa akin, lumapit ito sa bintana ng karwahe at nakita ko itong bahagyang tumatango tango saka siya yumuko at umalis na ang karwahe
Nang makalapit sa akin ang kawal ay nakita ko itong tumingin ng masama sa akin pero hindi ko siya pinansin, umandar na ang karwaheng sinasakyan ko at dumiretso sa loob ng kaharian
Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin dahil hindi pa naman ako pamilyar sa kaharian pero kung ang common sense ang masusunod ay siguradong sa kulungan ang bagsak ko... or so that's what I thought
Imbis na sa kulungan ang bagsak ko ay dinala nila ako sa palasyo, dahil sa turn of events ay hindi ko mapigilang magtaka at balak ko na sanang tanungin ang isa sa mga kawal na nagbabantay sa akin ng makita ko ang masamang tingin nito sa akin kaya naman hindi ko na lang tinuloy ang balak ko
Mamaya masupalpal pa ako kapag tinanong ko siya eh, mahirap na haha
Ibinaba nila ako sa karwahe pero nanatili ang mga posas ko sa mga kamay, pero hindi ito normal na posas dahil sa magic type equipments ang posas na nakasuot sa akin ngayon
Hinatak ako ng isa sa mga kawal papasok sa palasyo, pinabayaan ko na lang siya sa paghatak sa akin dahil kung gugustuhin ko naman ay kaya kong makawala sa kanila anumang oras
Sadyang nacucurious lang ako sa kung ano ang ginagawa ko dito, actually ang talagang plano ko lang ay bisitahin ang kulungan nila pero imbis na sa kulungan ay sa palasyo ako dinala kaya naman nagbago ang plano
BINABASA MO ANG
The Ultimate Anti-Hero Wants To Be The Hero (ON HOLD)
FantasiWhat will happen if a person that believes he would be a heron in another world gets summoned in alternate world wherein Wars, Different Races, Demon Lords, Heroes and Magic exists. But there's a big problem... The boy expects he is summoned to be t...