Isang araw na naman na puno ng pagkahabag sa sarili matapos gawin ang lumang task, binigyan na naman ng bagong gagawin...hindi pa nakuntento lahat na lang sa akin pinansin at pinagtawanan pa ako..oo maaaring ang iba ay patama sa akin subalit nakakapanggigigil pa rin..sa isip isip ko nasasavi mo yan kasi nakakapaglustay ka na hindi mo lang pinagpaguran nakalimuran mong may kasama ka sa pag abot kung nasaan ka man..noong walang wala ka pinuno mo ng pangako ang bawat pusong nakasama mo ngunit nasaan na ang mga mabulaklakin mong salita lahat iyun namatay kasama ng mga sakripisyo nilang ibinigay..ikaw lang ang namunga sila patuloy na nalalanta..at sasabihing mong iniisip mo rin sila...hindi na pipiliing maniwala pa sa matatamis mong salita dahila tulad ng tsokolate madali rin malusaw ang mga pangako mo...masasaktan lang ang puso...sasakit lang ang kalooban at mamamatay lang ng may sama sayo...magsaya ka hanggat oras mo pa..naniniwala ako darating din ang araw at kami rin ang magsasaya at tatawa sayo...wag kang mag alala hindi sa lahat ng pagkakataon nasa taas ka at sa ibaba lamang kami...darating din na magkakabuhay ang mga salitang bibitawan namin higit pa ang maaabot namin kaysa sa iyo...itaga mo sa bato...
BINABASA MO ANG
My Mourns Comes From You
RandomMga damdaming pinili na lang ilatag sa papel bigyang kahulugan sa bawat pantas na nasa duluhan..mga emotiong di mapigilan kusa na lang nagpaparamdaman sa pusong naguguluhan..