Kapitolo Uno

50 2 0
                                    

 

"Uy ang ganda nung babae ohh..." 

"Nako Cassy, tumigil tigil ka nga dyan! Magpakababae ka nga! Ang ganda ganda mo oh? Sayang peslak mo teh."

"Nagandahan lang naman ako sa kanya ahh? Anong masama? saka Hindi ako maganda! Yuck! Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo..."

"Hayy ewan ko sayo.."

CASSY'S POV:

Hi! Im Cassy Jane Delarosa. Isang 4th year student sa St. Celestine High. Isang school for girls -_- Sa totoo lang .. Ayaw ko talaga mag-aral dito. Iba nga kasi yung puso ko. Oo aaminin ko nagkakagusto ako sa babae. Pero hindi ako tulad ng iba na nagpapaiksi ng buhok or nagdadamit ng panglalaki. Im just a simple Girl? Ayyy basta! 

Ayun marami ding nalink nababae sakin. Nakakadiri man pakinggan pero, Oo nagkakagusto sila sakin. Ewan ko nga kung bakit eh. Pero hanggang doon lang yon. Hindi ako nakikipagrelasyon sa kanila. 

Yung kausap ko kanina, ay si Niña. Bestfriend ko. Pero babae talaga yun. Ewan ko kung bakit hindi ako nagkakagusto sa kanya. Para ko kasi siyang nakababatang kapatid. Sya lang ang laging nandiyan pag nagkaproblema ako, At siya lang ang natatanging Nagsasabe sakin na "MAGPAKABABAE KA NGA!" kaya yun.

----

CRRIINNNNGGGGGG!!!!!

"Class Dismissed" 

Tapos na pala yung Klase? Ano bayan tulala nanaman at lumilipad ang utak ko

"HUY!" 

"Arrrckk!" whaa!! mamatay na ata ako eh "Niña?! Bakit ka naman ng gugulat??!!"

"Eh ikaw kasi, bakit ka ba tulala? lumilipad nanaman yang utak mo!"

"Hmm .. wala may naisip lang ako"

"At sino naman yan? Si Debi nanaman ba?"

"Huh? Pano naman nasama yun? Saka bakit ko siya iisipin? Ano pang dahilan para isipin ko siya"  Hayyy .. Naalala ko nanaman

"Hay nako ... Tara nga! Libre na lang kita, baka mamaya magdrama ka nanaman diyan!" tapos hinila niya ako patayo

"Mabuti pa nga.."


Si Debi Monterde ay ang kaisa-isang babae na minahal ko. Kadiri mang pakinggan pero totoo. Naging Legal kami sa mga pamilya namin. Pero sa huli niloko niya lang ako. Nagkaroon siya ng Boyfriend habang kami pa. Mahal niya daw yung lalakeng yun at hindi na niya kayang mahalin ang isang tulad ko. Masakit yun sakin :'( Syempre naiiwan nanaman ako. Kaya ayun simula talaga noon ayaw ko ng magmahal.

Not a Girls HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon