Kapitolo Dos

29 2 0
                                    

"Hi Cassy! Ako pala si Steven" Inabot niya ang kamay niya sa akin. Tsk asa ka namang hahawakan ko yang kamay mo? .. Eeew! 

Tinarayan ko siya at tumingin ako kay mama, nakita kong itinago niya sa kanyang likod ang kamy niya at parang nahiya 

"Ma! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw ko sa lalake!? Ang kulit kulit naman!" pumasok ako sa kwarto ko at nagdabog

"Iho, pasensya ka na ahh .. Saglit lang kakausapin ko lang siya"narinig kong pagsorry ni mama. Tsk. Grabe lang

"Okay lang po"

Narinig ko ang pagpasok ni mama sa kwarto ko

"Cassy! ... Gumalang ka nman kahit Konti! Kausapin mo siya dun"

"Ayoko nga?! Bat ang kulit niyo?" inis na sabi ko

"Aba! Sumasagot ka na ngayon ah! Wala kang galang!" Sabi ni mama  na siyang nagpapintig ng tenga ko.

"Walang galang!? Wow. grabe! Ma ako? ginalang niyo ba ako? Eh kung kani-kaninong lalake niyo ko nirereto!! Ma ayoko nga sabi eh! Bakit niyo ba ako pinipilit?" hindi ko na napigilang sumagot kay Mama. Sobra na kasi eh

SLAAPPP!! 

Tumulo ng tuluyan ang mga luhang kanina ko pa pilit tinatago 

"Baket?! Kapakanan mo lang naman yung iniisip ko ha .. nalulungkot ako sa tuwing nakikita kang umiiyak! Anak, gusto kong maramdaman mo ang tunay na pagmamahal" Huh! Ano ulit sabi niya? Pagmamahal?

"At ano Ma?! Pagnaramdaman ko na yung pagmamahal na sinasabi mo! Ano? Lolokohin din nila ako!? Katulad ng pangloloko satin ni daddy!" nakita kong napahinto si mama sa mga sinabi ko.

"Ibang usapan na yan Cassy!" sigaw niya nakita kong may tumulo naring luha sa kanya

"Basta! Ayoko." matuwid kong sagot

"Ana------"

"Lumabas na Kayo! Ayoko ma at hindi mo ako mapipilit!" wala akong narinig na salita sa kanya "Lumabas na kayo!" sigaw ko sa kanya at narinig kong lumabas nasiya.

"Ayoko na. Matutulog na lang ako.."


Naidlip ako sandali. At nagising ng mga 9:00 ng gabi. Lumabas muna ako ng kwarto para kumuha ng Juice. Hindi ko parin makalimutan ang mga nangyari kagabi. =__= "Erase mo na yan Cassy" bulong ko sa sarili ko. Pagkainom ko ng Juice ay bumalik agad ako sa kwarto ko para umakyat ng bubong.

Not a Girls HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon