Prologue:
"Samantha, halika na! Nagkukulong ka na naman jan sa kwarto mo!"
"Tita, kailangan ba talaga nating gawin 'yan?"
"Samantha dalawang b'wan nalang, at mag didisi-otso ka na! Kung gusto mong mabuhay ng matagal kailangan mong mahanap yung lalaki sa propesiya at sipsipin ang dugo nito."
"Pero tita, wala na ba talagang ibang paraan? Gusto ko lang mabuhay ng normal."
"Tingin mo ba gusto ko rin itong ginagawa ko? Samantha, minsan ko na rin hiniling na sana mabuhay din ako ng normal, pero hindi maaari. Samantha gusto kong mabuhay ka ng matagal kaya pwede ba? Mag-ayos ka na diyan at aalis na tayo!"
"Tita!"
"Samantha Nicole Suarez!!"
"Okay fine!"
Hindi ko alam kung saan patutungo itong buhay ko. Ayoko ng ganito. Ayoko maging ganito. Lahat gagawin ko, matakasan lang ang bwisit na kapalarang ito.
Ayokong maging ganap na bampira habang buhay.
Ayokong pumatay para lang mabuhay.
Lahat gagawin ko, maging isang normal na tao lang.
At iyan ang aking kaisa-isang kahilingan.
•The Vampire's Wish•
YOU ARE READING
The Vampire's Wish
FantasySamantha Nicole Suarez-- isang simpleng dalaga na nagangarap maging isang normal na tao. Hunter Brixx Montrose-- Ang lalaking nakatakdang baguhin ang kapalaran ng munting dalaga. Pero paano kung malaman ng dalaga ang pinakatinago-tagong sikreto ng...