Chapter Four

4 1 2
                                    

Samantha Nicole Suarez
---
"Nics tulala ka na naman!"

Agad akong napabalik sa reyalidad ng bigla akong kinurot sa pisngi ni bebs. -.-

"Makinig ka kay si Sir David." Impit na sabi ni bebs.

Tumango lang ako kay bebs bilang sagot.

Nasa klase kame ngayon ni bebs. Biology ang subject namin ngayon.

"The cell is the smallest living unit of organisms. There are four types of cell. The Eukaryotic Cell, The Prokaryotic Cell, The Plant Cell and The Animal Cell. But, today I will discuss the first two cell, The Eukaryotic Cell and The Prokaryotic Cell." Sunod-sunod na sabi ni Sir David.

"Bebs, CR tayo." Pangungulit kong sabi.

"Wait lang Nics, patapusin muna natin si Sir." Sabi niya ng 'di inaalis ang mga tingin kay Sir David na patuloy pa rin sa pag didiscuss. I hate biology! -.-

"Ms. Suarez, can you differentiate the Eukaryotic Cell and Prokaryotic Cell?" Sir David with his terror voice.

Oh-o!

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo.

"S-sir, the Eukaryotic Ce--"

*booogsh!*

Hindi pa ako natatapos sa pagsasalita ng biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng aming silid-aralan. Iniluwa nito ang halos naghihingalo at pawisang si Brixx.

"S-sorry I'm l-late" Nauutal niyang sabi habang pinupunasan ang gabutil ng bigas niyang mga pawis.

"Mr. Montrose where have you been?" Puno ng otoridad ang boses ngayon ni Sir. David. Yare ka boy!

"Sorry Sir, may inasikaso lang."

Psh! Lumandi ka lang 'e.

"Okay, you may sit."

What?! Ganun lang 'yon?! Bakit kapag ako nalalate detention agad ang bagsak ko? Tapos siya na baguhan lang dito walang parusang matatamasa? Balimbing si Sir! -.-

"Ms. Suarez baka gusto mo ng sagutin ang tanong ko."

Paktay na!

"The Eukaryo--"

"The Eukaryotic Cell have an organelles that include nucleus and other special part. While, the Prokaryotic Cell don't have nucleus or membrane includes organelles." Nakangiting sagot ni Brixx.

Wtf?! Anong akala niya sakin, bobo na 'di masasagutan 'yon? Ang yabang mo! Sarap mong sipsipan ng dugo bwisit!

Agad nagpalakpakan ang lahat dahil sa sagot ni Brixx.

Feeling ko tuloy pinagkaisahan ako ng lahat. -.-

"Very good Mr. Montrose you may take your seat. And Ms. Suarez better luck next time you may take your seat."

Sige lang! Pagkaisahan niyo lang ako! Sisipin ko 'yang mga dugo niyo 'e! -.-
***

"Nics, ayos lang 'yun! Lutang ka lang talaga kaya 'di ka kaagad nakasagot. Smile na ok?" Pag checheer up sakin ni bebs.

"Bebs, pinagkaisahan nila ako. Pinahiya nila ako. Bebs pag tumubo na yung pangil ko sila ni Sir David at yung jerk na Brixx na yun ang una kong bibiktimahin!" Gigil na gigil kong sabi.

The Vampire's WishWhere stories live. Discover now