Samantha Nicole Suarez
---
"Samantha, kainin mo na 'yan!""Tita atay, dugo, balunbalunan at isaw na naman?!" Pagrereklamo kong sabi.
Mula sa mga manok at baboy lang ang kinakain namin at hindi mula sa tao. Except lang sa dugo, galing sa hospital kaya malamang galing sa tao 'yun.
Ewan ko ba! Alam ko namang bampira kami-- sila (hindi pa ako isang ganap na bampira dahil wala pa ako sa edad na disi-otso.) Pero, nakakasura lang kasi na araw-araw ito palagi ang kinakain. Tita bampira ho tayo, hindi aswang! -.-
Sorry Tita, pero hindi ko gagawin ang gusto niyong mangyare. Hindi ko alam kung bakit pero, ayoko talagang makapanakit ng tao. Ayokong pumatay para lang mabuhay.
***"Nics! Kanina ka pa walang imik jan! Are you ok?" Si Abbie, bestfriend ko.
"Yeah." Tipid kong sabi.
Nandito kami ngayon ni Abbie sa Cafeteria ng school. Tambay lang, dahil vacant time naman.
"Nics, napanaginipan mo na naman ba?" Nag-aalalang tanong niya.
Si Abbie. Ang bestfriend ko since grade five. Siya din ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko. Ang swerte ko sakanya.
"Bebs, napanaginipan ko ulit siya. Bebs, ganun pa din siya. I mean, paulit-ulit lang yung panaginip na iyon. Yung mukha nung lalaki, hindi ko pa rin matandaan t'wing gigising ako. Bebs naguguluhan ako." Mahina ngunit may mga diin kong sabi.
"Nics, baka yung lalaki sa panaginip mo yung daan para maging normal kang tao. I mean, diba sa panaginip mo niligtas ka niya? Baka siya ang magliligtas sayo para hindi matuloy ang kapalaran mong maging isang bampira!" Gulat na sabi ni bebs.
"Ewan ko sayo bebs! Tara na nga baka malate na naman tayo."
"Whatever Nics! Gusto lang kitang tulungan."
Agad niyang kinuha ang kaniyang bag at nauna ng umalis. Nagtatampo na naman.
Sorry bebs, pero ayoko ng umasa. Siguro tama si Tita Maricar, Hindi madaling maging normal.
***
"Aaarghhh! Gulong gulo na ko sa buhay!!"Sinipa ko ang mga upuan. Nandito ako ngayon sa abandonadong classroom. Nasa pinakadulong bahagi ito ng Mathay Hall building kung nasaan din ang classroom namin.
Kanina pa ako nagwawala dito. And who cares? Wala namang makakarinig sakin since walang may balak na pumunta sa area na 'to sa balibalitang may evil spirits 'daw' na gumagala dito at may white lady pa na nagpapakita. What the heck? Seriously?!
Si bebs pumasok na sa next class niya which is, Entrepreneur. Magkaiba kami ng schedule. Pero magkaklase kame sa Biology at Research. Senior high school palang kami. Grade 12-SHSACHUMSS.
Hindi ako pumasok sa Empowerment Technology class ko. Nakakatamad.
"Pero t*ngina talaga! Nagugulahan pa rin ako! Fvck this life!" Muli kong sigaw at pinagsisipa muli ang mga upuan.
Pano ba naman kase, kapag kausap ko si tita ang lakas ng loob kong sabihin na 'ayoko maging bampira!" Tapos pagdating kay bebs, nawawalan na ako ng pag-asang maging normal? Anong trip ko?
"Aish! Ang ingay mo naman, kita mong may natutulog dito 'e"
Gulat akong napatingin sa aking likuran kung saan nanggagaling ang boses.
White lady? Pero lalaki yung boses?! Ah, baka Baklang white lady na napaos? Ewan.
"Sino ka? Hindi ako natatakot sayo! Magpakita ka. Bampira ako! Arrrgh!" Sunod-sunod kong sabi at umakting pa ako na bampira kung saan kunwari may pangil ako kahit wala naman talaga. Nababaliw na talaga ako!
Hindi ko siya makita. Dala na rin siguro ng walang ilaw ang silid na ito at kaunting liwanag lang mula sa sirang bintana ang nagsisilbing liwanag sa buong classroom na 'to.
"..."
Walang sumagot. Ibig sabihin walang ibang tao dito kundi ako lang? So sino pala yung kumausap sakin?
"Hoy! Baklang ulikba na multo o kung sino ka man, magpakita ka sakin! 'Di ako natatakot sayo!" Sigaw ko habang kinukuha ko yung walis tambo sa gilid. Kalbo na yung walis tambo pero 'di naman ako maglilinis. Tsaka yung hawakan na gawa sa kahoy yung kelangan ko 'no!
"Hindi daw takot pero may walis na hawak!" Muling sabi nung baklang ulikba na multo.
"Nag-iingat lang! Malay ko ba kung rapist ka pala o kaya serial killer." Muli kong sambit habang iginagala ko sa paligid ang aking paningin. Ugh! Nasaan ba siya? Wala akong makita!
"Wow ha! Nahiya naman ako sayo."
"Magpakita ka nalang kaya baklang ulikba na multo!"
"..."
Katahimikan. Ilang minutong walang nagsalita saamin. Pinakikiramdaman ko rin ang paligid.
"Natatakot ka sa-- WAAAAHHHHH~ MULTOOOOOOOOOOO!"
Bigla kong sigaw ng may humawak sa aking kanang balikat.
Kumaripas agad ako ng takbo palabas ng silid na iyon.
Hinding-hindi na ako babalik dito. Promise!
YOU ARE READING
The Vampire's Wish
FantasySamantha Nicole Suarez-- isang simpleng dalaga na nagangarap maging isang normal na tao. Hunter Brixx Montrose-- Ang lalaking nakatakdang baguhin ang kapalaran ng munting dalaga. Pero paano kung malaman ng dalaga ang pinakatinago-tagong sikreto ng...