Samantha Nicole Suarez
---
"Nice to see you again Samantha." Nakangiting bati sa akin ni Denise. Plastic!"Nice to see you too." Plastic ko ring pagbati.
Anong akala niya? Siya lang marunong makipagplastikan? Ha!
Nandito na kami ni bebs sa Dean's office. Tahimik lang na nagmamasid sa paligid si bebs. Habang ako naman ay busy sa pakikipagplastikan ng pagngiti kay Denise.
Hanggang ngayon, wala pa rin talagang kibuan ang dalawa. Sabagay, ikaw ba naman makasama mo sa iisang bahay yung mortal enemy mo diba?
"Nics, gutom ka na ba?" Out of nowhere na tanong ni bebs.
Bigla akong napangiti ng mapagtanto ko kung anong gustong sabihin nitong si bebs. Naiinip na 'to.
"Oo bebs, ewan ko ba naman kase kung bakit nalang tayo biglang pinatawag tapos wala naman palang ipapakain." Umakto pa ako na parang gutom na gutom talaga kahit hindi naman talaga.
"Kaya nga, tara na't umalis, wala naman tayong mapapala di--"
"Claire, magdala ka ng mga pagkain dito. ASAP!"
Biglang sabi ni Denise sa kaniyang secretary.
Agad kaming nagtinginan ni bebs at pinipigilan namin na h'wag tumawa.
"Maya maya darating na rin yung mga pagkain. Antayin niyo na lang." Plastic ulit na sabi ni Denise. Psh! Ngiting aso!
"Get to the point Denise, ano ba kasing dahilan at bakit mo kami pinatawag dito?" Seryoso kong sabi. Bipolar ako, bakit ba?
"Easy Sam, sasabihin ko rin pag dumating na s--"
Hindi pa natatapos sa pagsasalita si Denise ng biglang bumukas ang pintuan.
"I'm here."
"Hunter/Brixx!" Sabay na sabi namin ni bebs. Bakas sa mukha namin ni bebs ang pagkagulat. Anong ginagawa niya dito?
"Oh! Hi?" Nakangiti niyang sabi. Cute niya ngumiti. Lol!
"Babe san ka galing? Late ka na naman!" Biglang yapos ni Denise sa braso ni Brixx. Ahh! Isang puno at unggoy, what a perfect couple.
"May inutos lang sakin si Sir David. So, shall we start?"
At umupo na si Brixx sa bakanteng upuan na katabi ni Denise.
Feeling ko, napahiya si Denise sa part na yun. Hahahaha.
***"Sana naman at tumupad ka sa usapan natin Samantha, kung ayaw mong mabulgar ang pinaka tinatago-tagong sikreto mo." Pagbabanta sakin ni Denise.
Nandito kami ngayon sa CR. Naihi kase ako pagkatapos ng pinag-usapan namin. Kaso sa sobrang ganda ko, ayan yung aso-- este si Denise sumunod sakin dito sa CR.
"O, talaga ba? Nakakatakot." Pang-asar na sagot ko. Maiinis ka please!
"Dapat lang na matakot ka! Hindi ka pa bayad sa ginawa mo sa akin noon! Siguro naman panahon na para singilin ko yun ngayon?" Sabi niya sabay smirk at lumabas na ng CR.
Uh-o!
Bakit mo pa kase inasar Sam? -.-
***
Third Person
---
"Nasabi mo na ba?""Oo mommy, at sisiguraduhin kong papayag siya."
Agad pinatay ni Denise ang kaniyang cellphone.
"Subukan mo lang na hindi pumirma Samantha, magkakaalaman na." Sabi niya sa kaniyang sarili at nilagok na ang baso ng alak na kanina pa niya hawak.
Kasalukuyang nasa bar ngayon si Denise upang i-celebrate ang kaniyang pagbabalik Pinas.
"Can I join?"
"Christopher!!" Gulat na sabi ng dalaga ng mapagtanto niyang boyfriend niya ang nasa harap niya.
"So, where's your 'boyfriend'?" Natatawang sabi nito sa dalaga.
"Here at my front." Sabi niya sabay halik ng mariin sa lalaking nasa harap niya.
***
Samantala, inis na inis si Samantha mula ng makauwi siya sa kanilang bahay at nagkulong sa kaniyang silid. Wala doon ang kaniyang Tita Maricar na nagsisilbing pangalawang magulang na niya. Kaya malaya siyang magsisigaw sa loob ng kaniyang kwarto."Bwisit! Demonyitang Denise! Wait for my pangil talagaaaaa!" Halos mapaos na ang dalaga sa kakasigaw nito.
***
"Ano nang plano natin ngayon boss?""Maging sunod-sunuran sa kanila."
"Ano? Hindi naman ata pwede 'yan boss, gumawa tayo ng paraan."
"Lance.. Lance.. Lance, parang wala ka namang bilib sakin. Leave it to me and trust me." Sabay lagok nito sa kaniyang hawak na baso na may laman na mamahaling beer.
"Sige boss, pero sabihin mo lang kung oras na, ipapahanda ko agad yung mga bata ko."
'Samantha Nicole Suarez, konting panahon na lang at magkikitang muli tayo. I can't wait to see you Ms. Suarez.'
***
Abbie Gail Imperial (Samantha's BFF)
---
"Hello Nics, ba't napatawag ka?""Puntahan mo'ko ngayon dito sa bahay at samahan mo ko mag shopping!"
"Anong me-- *toot toot toot*"
What the heck?!
Ano na naman kayang trip nun? Himala at nagyaya mag shopping e' bagot na bagot yun pag nasa mall.
From: Nics my luvs <3
Nagbago isip ko, ayoko na pala mag shopping. Food trip nalang tayo dito sa bahay.PS: Wala na kong pantawag!
See? May sayad siya sa utak. Malala na talaga.
To: Nics my luvs <3
OTW! -.-Minsan talaga mapapaisip na lang talaga ako kung bakit ko siya naging best friend. Sabagay, Hindi siya magiging si Nics kung hindi siya ganiyan.
***
Nang makarating na ako sa subdivision ng bahay nila bigla akong nagulat ng may makita akong pamilyar na mukha sa harap ng bahay nila Nics.Agad kong itinabi ang aking kotse, medyo malayo sa bahay nila Nics, pero kita ko pa rin ang kaniyang mukha. Hindi naman niya ako makikita dahil tinted ang window ng aking kotse. Pinatay ko agad ang makina nito at sinimulang titigan ang lalaki na titig na titig ngayon sa harapan ng bahay nila Nics.
Si Hunter.
"Anong ginagawa niya?" Pagkakausap ko sa aking sarili.
From: Nics my luvs <3
Ang tagal mo inip na inip na ako. -.-Hala si Nics, kelangan ko na siyang puntahan.
Agad akong bumaba sa aking kotse at nagsimula ng maglakad patungo sa bahay nila Nics.
Andun pa rin si Hunter. Para siyang isang Manikin dahil halos hindi na siya gumagalaw.
"Hunter, hello! Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong sabi ng makarating na ako sa tapat ng bahay nila Nics.
Agad lumingon sa gawi ko si Hunter at bakas sa mukha niya ang pagkagulat ng makita ako.
"A-anong g-ginagawa mo dito?" Nauutal niyang sabi.
"Pinapunta kase ako dito ni Nics. Ikaw?"
"Kina Samantha 'tong bahay?"
"Oo, bakit? May problema ba?"
"Wala naman sige alis na ako." Nakangiti niyang sabi at nagsimula ng maglakad papunta sa Motor niya.
Nilingon niya muna ako saglit at nginitian bago niya isuot sa kaniyang ulo ang helmet na hawak niya at pinaandar na ang kaniyang motor.
Weird.
YOU ARE READING
The Vampire's Wish
FantasiSamantha Nicole Suarez-- isang simpleng dalaga na nagangarap maging isang normal na tao. Hunter Brixx Montrose-- Ang lalaking nakatakdang baguhin ang kapalaran ng munting dalaga. Pero paano kung malaman ng dalaga ang pinakatinago-tagong sikreto ng...