Chapter One

8 1 1
                                    

Samantha Nicole Suarez
---
"Hi miss! Mukhang nag-iisa ka lang, gusto mo bang paligayahin kita?" -Lalaking manyak.

Andito ako ngayon sa may gilid ng bar, nakaupo sa isa sa mga sofa at umiinom ng juice.

Isinama ako ni Tita Maricar, upang maghanap ng lalaking bibiktimahin. Dahil umaasa siya na baka dito na namin makita ang lalaking nakatakdang bumago ng aking buhay.

"Miss, hindi naman nakakabawas ng ganda ang pagsasalita." Sambit niya na may nakakalokong ngiti. Sabay himas niya sa bewang ko at inamoy pa ang leeg ko.

Agad akong umusog para iwasan ang kamanyakan niya, at ininom ang natitirang juice sa aking baso.

"Hard to get? Gusto ko 'yan!" Muli niyang sabi at ininom ang isang basong alak na kanina pa niya hawak.

Dumampi muli sa aking katawan ang mga maiinit at sabik na sabik niyang mga kamay.

Agad akong umiwas bago pa ako makapanakit. Ayoko na ulit makapatay.

"Miss, gusto ko lang malaman mo na wala pang babae ang tumatanggi sa gusto ko." Sabi niya at agad akong sinunggaban ng halik sa leeg.

Pigilan mo Sam! Pigilan mo!

"B-bitawan mo a-ako!" Nauutal pero seryoso kong sabi.

Ngunit, hindi siya umimik at nagpatuloy lang siya sa paghalik at paglakbay ng malilikot niyang kamay sa aking katawan hanggang sa pinipilit niya ng tanggalin ang mga butones ng aking suot na polo shirt.

"Sabing b-bitawa--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng isang malakas na suntok ang kumawala sa pagmumukha ng manyak na lalaking ito. Gulat pa rin ako sa pangyayari. Hindi ko inaasahan ito.

"Ayos ka lang ba miss?" Tanong sa akin ng isang lalaking matipuno ang pangangatawan at may taglay na labis na kagwapuhan.

Hindi ko sinagot ang kaniyang tanong, dahil itinuon ko ang aking pansin sa lalaking nangmanyak sa akin. Isang suntok lang, tumba na agad. Grabe.

"Ah, lasing na lasing na kasi 'yan. Actually, kanina pa siya nandito sa bar at nag-iinom. Palagi rin siyang nangugulo dito, hindi naman ma banned kasi isa siya sa may-ari ng bar na ito. Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa niya. Sorry talaga miss." Sunod-sunod niyang sabi habang nakatitig sa lalaking naka handusay pa rin sa sahig.

Agad ding bumalik sa kasiyahan ang mga taong kanina lang ay nakikitsismis sa nangyare.

"Miss, ok ka lang ba? Pansin ko lang, kanina pa ako nagsasalita dito pero hindi ka pa rin nagsasalita. Pipi ka ba?"

"Samantha!"

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na tumatawag sa akin.

Si Tita.

"Ah, thank you. Okay lang ako! Salamat talaga. Gotta go, bye!" Sunod-sunod kong sabi.

Papunta na sana ako sa kinaroroonan ni Tita Maricar, ng bigla niyang hilain ang braso ko.

"Miss! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Titig na titig sa aking mata niya sinabi.

Slowmotion.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin pero parang huminto ang lahat ng nasa paligid ko. Natutunaw ako sa mga titig niya.

"Samantha Nicole Suarez wake up!!"

Agad akong napabalikwas ng tayo. Panaginip na naman.
***
"Samantha aalis muna ako sandali, ikaw muna ang bahala dito."

"Opo"

"Tandaan mo na bawal magpapasok ng kung sino-sino ha?! I lock ang pinto."

"Opo tita, ingat po!"

Agad ng sumakay sa kotse niya si tita.

Hays. Boring.

Ako si Samantha Nicole Suarez. Nanggaling ako sa angkan ng mga bampira-- hindi basta-bastang bampira. Hindi rin kami basta-basta umiinom ng dugo ng mga tao. Pili lang ang dapat naming inuman ng dugo. At kung minsan, kumukuha kami ni tita sa hospital para bumili ng isa o tatlong bag ng dugo. Kumare ni tita ang may-ari ng hospital. Alam din niya ang tungkol sa totoo naming pagkatao. Kaya kung minsan, nakakakuha kami ng libreng bags ng mga dugo. Dugo mula sa mga lalaking edad 18-27.

'Baby, baby blue ey--'

Agad kong kinuha ang phone ko sa lamesa. Si bebs tumatawag. Ano nanaman trip neto? -.-

"Nics! May chicka ako owemjii"

"Get to the point bebs."

"Bad mood? Ang aga-aga 'e!"

"Tell me or I hang up this phone?" Pagtataray kong sabi at umirap. As if naman nakikita ni bebs.

"Bukas na nga lang. Gotta go Nics, bukas na lang babussh!"

*toot toot toot*

Then, she hang up the phone. Great!

Well, that's bebs, we need to deal with her.
***

"Papa, mama, kamusta kayo jan? Sana masaya na po kayo. Papa, mama, alam ko pong lagi kayong nandito sa tabi ko para bantayan ako." Agad kong pinunasan ang mga luha ko na nagbabadya na namang tumulo.

Nandito ako ngayon sa harap ng aking ama't ina. Naboring kasi ako sa bahay kaya naisipan kong kamustahin at dalawin ang puntod ng aking mga magulang.

"It's been 10 years na rin mula nung iwanan niyo ko. Mula ng pinatay nila kayo."

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang karumaldumal na ginawa nila sa aking ama't ina. Kung pano nila patayin sa mismong harapan ko.

Ang sama sama nila. Mga walang puso!

"Hayaan ninyo po mama at papa, panahon na po para maningil. Ipaghihiganti ko kayo hanggang sa huling hininga ko."

Sa ngayon, hindi ko maalala ang mga mukha ng mga pumatay sa aking mga magulang. Pero sisiguraduhin kong, magbabayad sila sa ginawa nila sa pamilya ko. Uubusin ko ang mga lahi nila.

The Vampire's WishWhere stories live. Discover now