Chapter 2

400 26 14
                                    




Pagkatapos nang praktis namin bandang alas singko nang hapon ay sabay-sabay na kaming umuwi ng mga kasama ko kasama sina J sisters kasi halos magkakapitbahay lang naman kami kaya sabay-sabay na kaming umuwi.

Nang makalabas ng simbahan, syempre madadaanan namin'yung bahay ng guy na nag-hi sa'kin kanina. Nasa labas pa rin yung lalaki, naka-upo sa upuan nila.

Yumuyuko-yuko ako sa paglalakad na parang wala lang akong nakikita. Nagpahuli na rin ako sa paglalakad para man lang matakpan ako ng mga kasama ko at hindi ako makita nung lalaking matangkad.

Ayoko tumingin sa kanya eh baka mamaya eh tuksuhin na naman ako nang mga kasama kong pating pagnagkataong tatawagin na naman niya ulit ang pangalan ko.


"Hi, uwi na kayo?" sabi ni feeling close na guy. Napapikit ang mga mata ko. Sinasabi ko na nga ba eh.


"Oo, bakit?" biglang sagot ni Jill. Ang pinakamatanda sa magkakapatid na J sisters.


"Wala lang! Sige, ingat kayo." Sabay tingin sa sa'kin at smile, as in big smile. Napatango lang ako sa kanya. Hindi ako nagsalita. Nang makalagpas na kami sa bahay nila, nilapitan ko kaagad si Jill.

"Jill? Kilala mo yun?" tanong ko kay Jill habang naglalakad kami. Nakaturo ang nguso ko sa lalaking naka-upo sa labas nang bahay nila.


"Ha? Hindi. Yung papa niya at papa ko ang magkaibigan, pero we're not close."Bikit-balikat nang kaibigan ko.


"I thought close kayo."
Pagtatango-tango ko nangulo.

"Bakit?" tanong ni Jill, napalingon siya sa'kin.

"Ha? Eh wala lang kasi alam niya pangalan ko eh. 'San niya kaya nalaman? Siguro nalaglag I.D ko dito noon no? Oh kaya yung name tag natin sa youth camp nun." Plastik kong tawa para hindi nila mahalata. Napangiwi ako sa sinasabi ko sa kanila. Nakikita ko na ang panunukso sa mga mata ng mga kaibigan ko habang nakatingin sakin.


"Really? Alam niya pangalan mo? Ayieeh!" sabay-sabay na pagharutan ng mga kasama ko at panunukso sa'kin. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi nasana ako nagtanong. Itong mga kasama kong pating talaga. Kay bata-bata pa eh. Ako yata yung mas matanda sa kanila pero ako pa yung napagtuksuan.

"Jai, alam mo magboyfriend ka na kasi. Tsaka hindi naman malabong magustuhan ka ng lalaking iyon na nasa kanto kasi tingnan mo, ang taas ng ilong mo. Para kang Turka o kaya Indiana. Okay naman height mo, nga lang mas mataas lang sayo ng ilang pulgada ang lalaking iyon. Tsaka iyong mga matamong ang iitim ng Iris at at ang halos maaalon mong eye lashes na bumagay sa ilong mong mataas. Edi okay na. Hindi ka nga kaputian pero alam mo namang beauty is in the eyes of the beholder di ba?" ang halos ay pagpapaliwanag at pagdedescribe sakin ng kaibigan kong si Jill. Kulang nalang ay humarap ako sa samalin at alamin kung totoo ba talaga ang sinasabi nito sakin. Sabagay hindi ko naman namamalayan ang mga sinasabi niya ksai minsan lang naman akong humarap sa salamin.


"Oy, tumigil nga kayo. Haller ang bata-bata ko pa para sa mga ganyan no. Mahiya nga kayo sa edad nyo at ko. Mga wala hiya to oh." Saway ko sa mga kaibigan ko pero ramdam kong namumula na ako sa kahihiyan. Umuna ako ng paglalakad sa kanilang tatlo pero patuloy pa rin ang panunukso nila. Nga naman, araw ko talaga ngayon.


"Di naman daw oh. Eh ano kung bata pa tayo? Crush-crush lang naman 'yan no. Ikaw talaga masyadong defensive? Siguro ikaw may crush 'dun no? Tingnan mo oh, nang-bablush ka! " panunukso ni Jay sa sa'kin, kapatid ni Jill. Sarap sapakin nang batang ito eh, biruin mo Grade V pa ito may nalalaman nang ganun.


"Oy, scuse me no I'm not period, no comma nor exclamation point, okay? Tumigil na nga kayo." Umuna ulitako sa paglalakad. Na-iirita ako sa mga kaibigan ko at kung bakit sa lahat ay ako pa ang napagtripan tuksuhin nito. Sana nga hindi ko nalang sinabi sa kanila eh. Napakamot nalang ako ng ulo at hindi sila pinapansin sa kakapangharot nila sakin.


Walang tigil pa rin sa kakatawa ng mga kaibigan kosa'kin. Ako pa naman ang mas matanda sa sa kanila pero ako pa itong napagtutulungang tuksuhin ng mga kaibigan ko. Maya-maya ay nagpaalam na rin ang tatlo nang makarating na kami sa kanto dahil papasok ang bahay nila samantalang ang samin ay nasa unahan pa mula sa kanila. Alas singko na nang nakarating ako sa bahay. Nasa kusina ang mama at papa ko naghahanda ng hapunan. Ang aga naman yata naming kumain ngayon. Nasa hapagkainan na agad yung hapunan.

"Jai, maghanda ka na ng mga plato at kakain na tayo dahil may pupuntahan kami ng papa mo. Tawagin mo na rin ang kapatid mo sa taas." Ang utos sakin ng mama ko. Pagkatapos makalagay ng mga plato sa mesa at tinawag ko na rin ang kapatid kong gumagawa ng takda sa taas. Kahit sa hapagkainan ay tahimik pa rin akong kumakain. Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Ewan ko ba.

Matapos maghapunan ay ang kapatid ko na ang naghugas ng plato. Siya naka-assign ngayon eh. Nagpaalam na rin ang mga magulang ko dahil pupunta daw sa bahay ng kasama ng papa ko. Dumiretso na ako sa taas sa kwarto ko nang walang ingay. Maya-maya ay sumunod na rin ang kapatid ko.

Patuloy pa rin ang katanungan sa isip ko kung bakit alam nung guy ang pangalan ko. Ewan ko ba kung bakit na-bobother ako.


Habang nakahiga na ako sa kama ay di parin ako makatulog.Pagulong-gulong lang ako.

[Jai's POV]

"Oy, ba't ba niya alam pangalan ko. Walang hiya yun oh, di ko kaya pansinin kung dadaan ako. Hmmp! Pero infairness friendly siya and beside, cute din naman siya!"

"Pwede ba Jai ang ingay mo matulog ka na nga dyan kanina ka pa eh. Gumagawa ako ng assignments dito oh." Saway sa'kin nang nakababatang kapatid ko nang nasa kama na kami. Iisa lang kasi kami nang kwarto nang kapatid kong babae. Kaya hindi ako makatili nang todo kung gusto ko. K.J. kasi ito.


"Manahimik ka nga dyan matulog ka na nga. Siraan ng moment ka dyan eh, tsss!" gumulong na naman ako sa kabilang side nang higaan ko. Di ko pa rin pinapansin ang pagdadabog ng kapatid ko. Mainitin talaga ang ulo nyan pag nag-ingay ako.


"Siraan ng moment pa? Eh pa'nu ako makakatulog kung maya't-maya eh titili ka na naman." Reklamo na naman nang kapatid ko. Kinuha niya ang isang unan at tinabon sa mukha niya.

"Heh! Makatulog na nga.Nanninira ka nang imagination ko ha." Saway ko sa kapatid ko. Dahil iisa lang kami nang kama kaya kung mag-iingay ako ay halos rinig na rinig lang nang kapatid ko. Gumulong ako sa kabilang dingding at pinilit ipikit ang mga mata ko para matulog. Bakit laging nagpa-pop up talaga sa isip ko yung lalaking iyon. Hindi naman ako ganyan sa mga crush ko ah, sa kanya pa. Hay naku, ang landi ko talaga. Sabagay, siya pa kasi ang kauna-unahang crush ko na ngumiti sa'kin. Samantalang ang iba, purkit mga gwapo eh hindi na namamansin hay matapilok sana kayo.

Crush Ako ng Crush Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon