Chapter 11

109 12 0
                                    




"Ano?" napalingon ako sa kanya. Narinig ko ang sinabi niya pero as if nagbibingihan lang ako at tinanong ulit sa kanya iyon.

"Wala, wala ang sabi ko wag mo muna basain yan kasi baka matanggal eh. Baka masira pa 'yan." Pagsisinungaling agad ni Vince sakin habang nililigpit nito ang mga ginamit. Alam kong nagsisinungaling siya. Nako naman Vince kung boyfriend lang sana kita eh milyong-milyong kiss ang ibibigay ko sayo kaso hindi eh.

"Pwede hatid kita mamaya?" basag ni Vince sa katahimikan naming dalawa.

"Sige try ko pero baka kasi ihahatid ako ni papa eh. Text nalang kita kung pwede." Nakangiting sagot ko sa kanya. Parang gusto ko na ring kiligin sa pagbobolontaryo nitong ihatid ako mamaya.

"Text mo ko, ha." Paalala niya ulit sakin.

"Oo nga, salamat talaga dito ha. Babawi ako." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Oh sige na. Ito na 'yung mga ginamit natin may extra pa kasi. Dadalhin mo nalang ba 'to?" tinuturo ni Vince ang mga niligpit niya.

"Naku 'wag na. Pwede sa'yo nalang 'yan? Tinatamad ako magdala pabalik nyan eh. Wala namang gagamit nyan sa bahay." Pagtatanggi ko sa kanya. Alam ko namang may gagamitan rin siya eh, malay mo iguguhit niya ang pangalan ko. Hindi, joke lang.

"Oh sige ako na magliligpit nito. Pa-uwi ka na baa gad?" tanong ni Vince sakin habang nakatayo na ito.

"Oo eh. Mag-aayos pa ako nang mga gamit ko at magpaplantsa pa kasi ako. Text nalang kita mamaya ha. Salamat ulit dito." Sabay ngiti kay Vince. Tumayo na rin ako at nagpaalam sa kanya. Sabay na rin kaming naglakad.

Pagkatapos kong magpahenna, umuwi na ako. Ang laki ng ngiti ko sa labi. Parang mokong yata akong pangiti-ngiting naglalakad sa daan. Sabihin pa nang iba eh, baliw ako. Kinagabihan, tinext ko si Vince na wag nalang akong ihatid kasi ihahatid naman daw ako nipapa.

[Vince's POV]

Hay, mabuti naman kasi inaaway naman ako ng malditang Madel na to. Paano na to, nagpa-henna siya tapos pangalang ko pa pinalagay niya, samantalang ako nilagyan niya rin ng pangalan niya, lagot talaga ako nito pagnakita ito ni Jai.

Pagbabalik tanaw:

"Lagyan mo ko dyan ng pangalan mo, tapos e-hehenna rin kita ng pangalan ko. Wag ka na kasing magreklamo Vince eh. Nako talaga pagnakita ko 'yang Jai na 'yan. Lagot talaga sa'kin yan."Nakapamewang na sabi ni Madel. Tahimik lang ako sa tabi. Pagkatapos ko kasing maghenna kay Jai, maya-maya ay duamting kaagad ito. Hindi ko rin naman kasi sinabi kina mama ang totoong nangyari samin. Sinabihan ko silang hiwalay na kami pero ito at bumabalik-balik pa rin dito si Madel.

"Teka, bakit nasali si Jai dito? Wala siyang alam dito okay? Tsaka di ka naman ina-ano nun ah." Galit kong sabi kay Madel.

"Kahit na no, lage nalang siya tinetext mo. Tinatawagan mo.Lumalandi ka naman sa gagang 'yun." naniningkit na ang mga mata ko pero hindi ko pa rin siya kayang palayasin sa bahay dahil ako pa rin ang pagagalitan ni papa.

"Ano ba Madel ha? Wala na tayo okay at pumayag akong maging magkaibigan tayo, kaya pwede ba? Wag mong galawin si Jai? Kasalanan mo naman kung bakit tayo nagkahiwalay di ba?" sumbat ko sa kanya dahil iyon naman talaga ang totoo.

"Pero Vince, humingi na ako ng sorry at 2nd chance sayo di ba? Hindi mo na ba maibibigay yun?" nagsusumamong sabi ni Madel sakin. Kinuha niya ang mga kamay ko pero agad ko namang binawi iyo.

Crush Ako ng Crush Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon