Chapter 8

138 13 1
                                    




Will you done-done me and you bet I felt it.

I tried to be chill but you're so hot that I melted

I feel right through the cracks

But now I'm tryin' to get back.......

Napatigil kami nang paghaharutan nang kaibigan ko nang tumunog ang cellphone ko. Agad-agad ko namang kinuha iyon mula sa bulsa ng palda ko.

***Calling: Vince***

"Naku, si Vince tumatawag na." napapanic akong tumingin sa cellphone ko.

"Edi sagutin mo, bilis na." kinuha ni Janine ang cellphone ko at pinindot ang answer button. Diniin niya ito sa taenga ko kaya wala akong nagawa kundi ang sumagot.

"He..hello, Vince." Maang kong sagot sa kabilang linya.

"Hay, mabuti at sa wakas sumagot ka na rin.Lagi ako tumatawag sa'yo eh di ka naman sumasagot." Sagot agad ni Vince sa'kin.

"Pasensya ka na ha, sobrang busy kasi sa pag-aaral eh. You know. Aray!" biglanghinila ni Janine ang buhok ko kaya napasigaw ako.

"Busy pala sa pag-aaral ha." Bulong nang kaibigan ko na nakataas ang kilay nito.

"Sakit nun ha, tumigil ka nga dyan." Hinampas ko siya sa balikat.

"Hello? Jai? Andyan ka pa ba?"

"Oo pasensya ka na, ang kulit kasi ng kaibigan ko eh." Ngisi kong sabi habang tumatawa si Janine. Kahit kailan talaga napakabait nang kaibigan ko. Bugbog sarado ako lagi nito. Kung hindi ako paluin, hihilahin naman buhok ko. Pating na kaibigan talaga. Kulang nalang ipasagasa niya ako sa malaking sasakyan o kaya sa tren. Pwede ring ilaglag niya ako sa pinakamataas na building dito sa'min.

"Okey lang Jai, di ba may lakad tayo ngayon?" paalala ni Vince sa'kin na siya namang ikinaba nang dibdib ko ulit.

"Oo nga pala naalala ko." mala-inosente ko ulit na sagot as if nakalimutan ko naman daw.

"So, pwede ba kitang sunduin dyan sa school nyo?" boluntaryo nito na siya namang ikinalaki ng mga mata ko.

"Ha? Ay 'wag na, kita nalang tayo sa town." Pagtatanggi ko agad sa kanya. Ayokong makita ako nang mga classmate kong may kasamang lalaki. Baka kasi kantyawan ako. I don't know what will be my reaction. First time pa kasing mangyayari sa buhay kong ito. Since history, wala pa talaga, ever.

"Sige-sige, kita tayo sa National Bookstore ha." Ani Vince sakin.

"Sige, bye!" paalam ko sa kanya. Tumingin ako sa kaibigan kong matamang dinidiin kanina ang taenga niya sa'kin para makinig sa pag-uusap namin ni Vince. Napakatsismusa nitong mabait kong kaibigan talaga.

"Oh, ano tinitingin mo sa'kin. Mas mabuti pang samahan mo na iyang si Vince para naman maranasan mo na ang kakilig-kilig na moment na mangyayari sa buhay mo ngayong araw na ito." Tiling sabi nang kaibigan ko kaya binatukan ko ito habang nakasimangot sa kanya.

Maya-maya pa ay nagpaalam na si Janine dahil maaga itong pinapa-uwi nang mama niya dahil may lalakarin pa raw sila. Tiningnan ko ang relo ko, 10:30 na nang umaga. Sumakaynalang ako nang trycicle at dumeretso na nang National Bookstore. Pagdating ko ay wala pa si Vince kaya umupo na muna ako sa isang maliit na bench sa gilid. Naka-uniporme pa naman ako. Paano naman kasi kahit sabado eh kelangan pa rin. Nakakahiya naman. Sana nagdala nalang ako ng extrang damit.

Crush Ako ng Crush Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon