TBGS : CHAPTER 5

31 2 0
                                    

Tunay

“What’s your coffee ma’am?,” tanong ko sa customer namin. Habang tumitingin siya sa menu ay pasimpli akong tumingin sa may wall clock.

6: 24 p.m, napangiti ako

Makakaabot pa ako sa party ni ate.

“Isang espresso, at isang serving ng strawberry cake,” agad ko naman isinulat ang order niya.

“One cup of espresso, and one serving of strawberry cake, coming right up,” nakangiti kong sabi bago lumapit sa may cashier at inabot ko muna yung order ng customer kanina bago ko tinanggal yung apron ko.

“Aalis kana?,” nakasimangot na sabi ni Paolo. Kararating lang kasi niya dahil siya yung naka assign sa susunod na shift.

“Oo, angal ka?,” mataray kong tanong. 

“Can’t you stay? Lilibre kita ng kahit anong gusto mo dito, order ka lang,” pagpupumilit niya. His offer is tempting , pero mas mahalaga ang pupuntahan ko.

“Sorry Pao-pao, may pupuntahan pa ako e,” agad naman inabot sakin ni Ate Melanie, yung cashier namin, yung paper bag na naglalaman ng regalo ko kay ate. Agad akong lumabas sa coffee shop at naglakad papunta sa may sakayan. 

Hindi ako nakaabot sa byahe ng Jeep, kapag iintayin ko yung susunod na byahe, mamayang ala-singko pa iyon.

Kahit labag sa budget ko, pumara na ako ng taxi.

"Kuya sa Vixenville Subdivision po, sa Evans' Residence," tumango naman si Kuya at agad ng nagmaneho.

Wala pang sampung minuto nandito na ako.

"Kuya, bayad ho. Salamat," agad na akong lumabas. Maraming sasakyan ang nakaparada sa labas. Nagtago ako sa likod ng isang fortuner sa kabang  baka makita ako ni Mama... Lalo na ni papa.

Agad akong tumipa ng mensahe kay ate Catherine.

"Ate, nandito na ako sa labas,"

Sent!.

Mamaya Maya pa ay lumabas na si ate na nakasuot ng magarang kulay pulang cocktail dress.

Binabati siya ng mga nakakasalubong  niya. Mga kaibigan niya siguro.

"Happy birthday Catherine!,"

"Thank you," beso niya sa babae, " pasok kayo sa loob, enjoy the party," dagdag pa niya

Luminga linga siya tila hinahanap ako.

"I'm here!,"

"There you are, bakit ka nagtago?," Takang tanong sakin ni Ate. Ngumiti na lang ako sabay abot ng regalo ko sa kanya.

"Hindi iyan mahal, but I hope it'll will do for now, magustuhan mo sana," nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba? I love it!, Lalo na galing sayo, ang galing mo talaga sa arts!," Puri  niya sa string art na ginawa ko para sa kanya

"Catherine?," Rinig kong sigaw ni Mommy.

"Sige na, pumasok kana sa loob, aalis narin ako,"

"Huh? Teka kararating mo lang ah? Di ka ba papasok sa loob?," Tanong sakin ni Ate.

"Nope, ibibigay ko lang talaga yan sayo. Besides, I don't fit in your world," pinilit kong ngumiti.

"Trace...,"

"Catherine, where are you?,"

"Don't worry about me. Sige na, baka iniintay ka na nila,"

"Catherine?,"

"You sure?," tumango ako.

Ngumiti muna siya bago naglakad paalis. Bahagya ko silang sinilip.

"Where have you been, Julia Catherine?!," Histerang tanong ni Mommy kay ate.

"Chill mom, naglakad lang ako saglit," niyakap siya ni Mommy. Di ko napigilan maluha. When will you care about me,like you care for my sister Mom?

"Why is my two princess are outside?," Malambing na sabi ni Daddy sa kanila.

Dad...

What a perfect family... A family that I don't have. Hindi ako tanggap ng parents ko. Agad kong pinahid ang mga luha ko at naglakad paalis.

Muntikan akong natumba ng may mabunggo ako buti na lang hinawakan niya ako sa may bewang at sa may palapulsuhan.

"Sorry," Hindi na ako nag abalang
tingnan siya. Nakakahiya naman kung makikita niya ako umiiyak.

Lumabas na siya sa Subdivision. Nag abang siya ng Jeep para makauwi na sa tinitirhan niyang apartment.

Pagbaba niya sa Jeep nakita niya ang sasakyan ng Tito niya labas. Pumanik siya sa taas at nakitang nakatayo sa labas ng pinto si Alfred Evans.

"Saan ka galing?," Salubong sakin ni Tito.

" H-hinatid ko lang po yung regalo ko kay ate," binuksan ko na agad yung pinto ng apartment ko para makapasok na siya.

Naglahad ako ng upuan para sa kanya.

"Hindi ka ba nalulungkot dito?, Mag isa ka lang dito. Muka ring maliit ito, kumpara sa kung ano ang dapat na para sayo," panimula ni Tito.

"'To, okay lang po ako dito, saka Gabi lang naman po ako nandito. Nasa school po ako ng umaga, sa hapon naman ay nagtatrabaho ako," sagot ko sa kanya.

"Bakit kasi ayaw mo pang sa bahay nalang namin ni Tita Sally mo ikaw tumira, nasa ibang bansa naman ang kuya Ivan mo, kaya wala ka ng ibang pakakasamahan kami lang saka mga kasambahay," 

"Tito wag na kaya ko naman e. Saka nakakahiya naman na umasa pa ako sa inyo e, madami na kayong prinoproblema diba po ay inaayos niyo yung mga papeles ng kompanya niyo para makaexpand sa ibang bansa?,"

Napabuntong hininga nalang si Tito.

"Hindi ko naman kasi maintindihan 'yang si Carmina, paano siya nakakatulog sa gabi ng wala sa poder niya ang anak niya. Ayaw ko lang mangealam pero dapat nalaman na ito ni Christopher noon pa!,"  Singhal ni Tito.

"Naiintindihan ko naman po si Mommy Tito. Saka nakikita ko naman po si Daddy kahit papaano. Kahit di na po niya ako makilala. Saka mas kailangan sila ni ate Catherine, Tito,"

Mas kailangan niya ...

Napabuntong hininga na lang siya. "Bukas ang bahay namin para sayo hija, kahit anong oras pwede kang pumunta. Wala kang karapatan mahiya, dahil isa kang Evans, isang tunay na Evans,"

The Bad Girl's StoryWhere stories live. Discover now