Prologue

24 9 0
                                    

Tahimik akong nakahiga sa damuhan habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Isa...dalawa...tatlo..." I started counting the stars when something caught my attention.

I stared at the star that shines so brightly. Mas ma-kinang ito kumpara sa ibang bituin dahil nasa kabilang parte ito ng langit, but something weird is happening that's why I can't take my eyes off that star.

Para akong hinihigop ng bituin na yon. Pakiramdam ko kayang-kaya ko na iyong abutin. When I tried to reach it, may bolang tumama sa mukha ko.

"Alvin!" sigaw ko sa kapatid kong tawa ng tawa habang tinuturo ako.

Mabilis akong tumayo at tsaka pinagpag ang pantalon ko bago habulin si Alvin. Kumaripas naman agad siya ng takbo nang makita niya kong papalapit sakaniya.

"Amellia! Alvin! Stop running around, baka madapa kayo!" suway naman ni Mama sa amin.

Tumigil ako sa pagtakbo at pinunasan ko ang pawis ko sa aking noo. Huminga ako ng malalim at napangiti na lang kay Mama.

"Mama si ate parang baliw! Kanina pa nakahiga sa damuhan kala mo nasa commercial video kung makapag-emote." sabi ni Alvin habang naglalakad papunta kay Mama.

Napailing na lang ako sa sinabi ng kapatid ko. I started walking towards them nang maramdaman ko ang ilang patak ng ulan sa aking braso.

Unti-unting lumalakas ang ulan kaya nagmadali akong maglakad papunta sa kotse. Nang makapasok ako sa loob, ini-start na ni Mama yung sasakyan. At bago kami umalis, I opened the window and took a glance at the weird star.

I smiled at it, "I like you. You may be weird but you're special."

Nagsimula nang umandar yung kotse namin kaya sinarado ko na ang bintana. I felt happy and sad at the same time. There's a part of me that barely wants to stay.

Stay to watch that star until the sun rises.

Wish Upon a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon