Amellia's POV
"Amellia!"
Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng school nang may tumawag sakin.
"Gen?" Nakita ko si Genesis na tumatakbo papalapit sakin, may dala dala siyang flyers.
Ano na naman kaya problema neto?
"Mel...may...papakita...ako...sayo..." Hinihingal niyang sabi habang nakahawak sa magkabilaan niyang tuhod.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin nang iabot niya sakin ang isa sa mga flyers na dala niya.
Kulay blue ito at naka-capital letters ang title. Isa itong flyer para sa gagawing star gazing mamaya sa field ng school.
"Tulungan mo naman ako na magpamigay ng mga flyers. Sabi ni Sir Renz, kailangan nasa 25 pataas na students ang nandoon. 60 percent yan ng grade natin." paliwanag ni Gen.
"Anong oras ba gaganapin yan? Tsaka anong mga dadalhin?" Mukhang masaya mag-star gazing lalo na at malawak ang field sa school. Wala naman akong gagawin mamaya sa bahay, so why not come?
"9pm dapat nandoon na. Si Sir Renz na daw bahala sa mga gagamitin. Ang mahalaga ay may mapapunta tayo."
Tumango na lang ako at tsaka kumuha ng kalahating flyers kay Gen.
Naglibot-libot kami sa school at kada may madadaanan kaming estudyante, binibigyan namin sila ng flyers.
"9pm po yan sa field mamaya. See you!" Masigla kong sabi sa isang junior.
"Mels? Pano kung konti lang yung pumunta, edi bagsak tayo niyan?" bakas ang pag-aalala sa mukha ni Gen nang sabihin niya yon.
Hindi ko alam Gen. Kahit ako kinakabahan din.
"Hindi yan, tiwala lang. Maraming pupunta mamaya." naka-ngiti kong sagot sa kaniya.
~*~
"As we all know, matagal nang ginagawa ang pags-star gazing. And I think napag-aralan niyo na ang tungkol sa mga star constellations? Now, may I know kung ano ang paborito niyong constellation?"
Nakaupo kami ngayon sa damuhan sa may field. Tahimik lang ang lahat habang nagsasalita si Sir Renz na kanina pa palakad-lakad sa harap namin.
"Yes Genesis? May I know what's your favorite?"
Pinamasdan ko si Genesis nang tumayo ito para sagutin ang tanong ni Sir.
Magkaibigan na kami ni Genesis since elementary days. Lumipat sila sa village namin at saktong katabing bahay lang namin sila.
She's more like a sister to me. Bihira lang kami magtalo kasi halos lahat ng bagay ay pinagkakasunduan namin. Hindi ko na nga matandaan kung kailan kami huling nag-away.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang mapansin kong nakatayo ang mga kasamahan ko.
"Wow! Ang ganda!"
"Uy dali mag-wish tayo!"
"Sana lagi na lang may meteor shower."
Napatingin din ako sa kalangitan at nakita ko nga ang meteor shower.
Meteor shower. Ang tanging alaala ko sayo.
"It is amazing isn't it?"
Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang dalawang pares ng sapatos.
"Hi Mels." naka-ngiti niyang bati sakin.
"Hey...Zyrus." tipid na ngiting bati ko din sakaniya.
"So, uhhmm. I didn't know na pupunta pala kayo dito. I was on my way home nang makita ko ang isang junior na may dalang flyers. I asked him kung--"
BINABASA MO ANG
Wish Upon a Star
Teen FictionAmellia loves to study the stars. Isang normal na gawain ito para sakaniya. But what she didn't know is that someone was watching her since the day she was born. Someone with a rare magical power. Kaninong kahilingan kaya ang matutupad? Makikilala k...