Wish #2

24 8 0
                                    

Amellia's POV

Pilit kong kinalimutan ang nangyari kanina kaya para mahimasmasan ako, pumunta nalang ako sa lugar na nagpapa-kalma sa akin, my rooftop.

Dahan-dahan akong lumabas sa bintana ng kwarto ko. Iniwan ko yung jacket ko sa may bintana para hindi ito sumara at tsaka maingat na umupo sa may bubong ng bahay namin.

Humiga ako at ang dalawa kong braso ang nagsisilbing unan ko habang naka-crossed feet ako.

"Isa...dalawa...tatlo..." I counted the stars that I could see.

I know this kind of feeling, it's like somethings heavy that's pulling my heart to sink, parang may kung anong bagay na nakakapagpa-bigat ng loob ko at hindi ko mawari kung ano yon.

"Haaay, I miss you Papa. Kung nandito ka lang, kasama ko habang nagbibilang ng mga bituin." I bit my lower lip to prevent myself from crying.

I can still feel that stinging pain when I saw my Papa, lying lifelessly on my Mama's arms.

Lagi akong binabangungot ng ala-alang yon at minsan pa ay nagha-hallucinate ako na nandoon pa rin ako sa eksenang iyon at para bang nakakulong ako at hindi mahanap ang susi para makalabas, makatakas.

Suddenly I felt like someone was staring at me. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga ko at lumingon-lingon, pero wala namang tao.

Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis bilis ng tibok ng puso ko, parang lalabas na yata 'to sa katawan ko.

Calm down, Amellia. Calm down.

Pumikit ako at tsaka nag-inhale, exhale, inhale, exhale, inhale, exhale. Pinakiramdaman ko muna yung paligid ko bago ako dumilat.

Nanlaki ang mga mata ko at huli na nang ma-realize kong sumisigaw ako dahil sa gulat.

"Aaaaaahhhhh!!!!!"

Saktong pagkadilat ko ay may lalaking nakaupo sa harapan ko at sobrang lapit pa ng mukha niya sakin.

"S-sino ka?! A-anong k-kailangan m-mo?!" sa sobrang takot ko, nautal-utal na ko sa pagsasalita. At mas lalo akong  kinilabutan nang ngumiti ito ng nakakatakot.

"M-multooo!!!" Sobrang lakas ng sigaw ko at feeling ko pati kapit-bahay namin magigising.

"Tulungan niyo ko may mul-"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang biglang tinakpan nung multo yung bibig ko.

"A-ano ba?! Kanina ka pa sigaw nang sigaw, basag na basag na kaya eardrums ko alam mo yon?!" naka-kunot noo niyang sabi habang nakatakip pa rin ang mga kamay niya sa bibig ko.

Isang bagay ang pumasok sa isip ko kaya walang pag-aalinlangan kong kinagat ang kamay niya.

"Araaaaaay!!!" bigla siyang napabitiw at halos mangiyak-ngiyak ang tono ng pananalita niya.

Kinuha ko na yung opportunity para makababa at makapasok sa kwarto ko.

Mabilis akong tumayo at tsaka nagmamadaling bumaba sa rooftop pero dahil ubod ako ng katangahan...

*Blaaaggg!!!*

Anong nangyare? Well, nalaglag lang naman ako sa rooftop. Nalimutan ko na nilagay ko pala yung jacket ko sa may bintana at kamalas-malasang naapakan ko yung hoodie neto.

"Aghh," sinubukan kong tumayo pero sobrang sakit ng pwet ko.

Napapikit na lang ako sa sakit habang naka-alalay ang dalawa kong braso para hindi ako mahiga sa damuhan.

Lord, pwede po bang pakibawasan yung katangahan ko? Kahit 20% lang?

"Ayos ka lang ba?"

Otomatiko akong napadilat at napagtanto ko na nakaupo, ulit, si Ghosty sa harapan ko.

"Try kaya kitang ilaglag mula doon sa rooftop?!" sarkastiko kong sambit habang nakataas ang kaliwang kilay.

"S-sorry na. Here, maybe I can help you?" tumayo siya at inilahad ang kamay para tulungan akong bumangon.

Tanggapin mo na, Mels. Wag kang kabahan, multo lang yan okay?

Dahil ayokong manatiling naka-upo dito, inabot ko yung kamay niya at tsaka dahan-dahang tumayo.

Napadaing ako nang maramdaman ko yung sakit. Napahigpit tuloy yung hawak ko sa kamay ni Ghosty.

"T-teka, alalayan na kita. B-baka bigla kang tumumba eh." nag-aalalang sabi niya habang naka-alalay sakin.

Nang makapasok kami sa bahay, nagtaka ako kung bakit hindi naka-lock yung pintuan. Usually nila-lock ni Mama 'to dahil marami daw magnanakaw ngayon.

"Wala yung Mama mo. Umalis kanina nung umakyat ka " napansin siguro ni Ghosty yung itsura ko.

Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Ghosty. Never pang umalis si Mama ng ganitong oras. At kung aalis man siya, paniguradong sasabihin niya sa akin kung saan siya pupunta.

"P-paano mo n-nalaman?" kabado kong tanong habang nakasandal sa pader.

"Simula nang mamatay ang Papa mo, madalas na siyang umaalis tuwing gabi pero sinisiguro muna niya na tulog na kayo ni Alvin."

Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko nang marinig na umaalis si Mama tuwing gabi. Bakit? Saan siya pumupunta at kailangan niya pa i-check kung tulog kami ni Alvin?

Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa aming dalawa. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Matulog ka na. Pasado alas dose na, maya-maya dadating na yung Mama mo." walang emosyon na sabi ni Ghosty.

Akmang lalabas na siya ng bahay nang hawakan ko ang braso niya "S-sandali, ano munang pangalan mo?"

"Starro, wag mo nang ugaliing magtanong tungkol sakin."

Nagtaka ako sa pagkatao niya. Parang napaka-misteryoso at may kung anong bagay ang bumabagabag sa akin para alamin yon.

Starro. Ang weird ng pangalan niya, parang ugali niya lang din, ang weird.

A/N

Sorry for the short update! Medyo nagmamadali kasi ako ngayon hihihi, promise magiging mahaba na yung next update ko!♥♥♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wish Upon a Star Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon